"Oh? Walang kang gana?"
"Inaatake nanaman siya ng katamaran..." bulong ni Aki habang nakatingin sa bintana. Sinapok siya ni Gray. "Aray! Ba't mo ginawa 'yon?!"
"Ang sama ng tingin niya eh.." ngumuso ito. Walang gana silang nilingon ni Val. "Alam niyo," umayos ito ng upo. "Ang bo-boring niyo kausap.." hindi ko nalang sana sila pinapunta dito..teka!
"Bakit kayo nandito? Pinapunta ko ba kayo dito?" Inis na saad nito.
Nagkatinginan silang dalawa. "Bakit nga ba?"
"Sasapokin ko talaga kayo!"
"Oyy! Si Aki yun!"
"Anong ako? Ikaw kaya yun!"
"Wag ka nga, singkit!"
"Wag ka rin, panget!"
Tumakbo si Aki.Hinabol kasi siya ni Gray. "Wala ka nga talagang mata!!!"
"Wag mo 'kong mainsu- insulto!"
"UMALIS NA NGA KAYONG DALAWA DITO."
Natigilan yung dalawa at mabilis na naglaho. "Hayy"
Kinuha niya yung cellphone at nag open ng fb.
Ako :
Hoy dugo
Ilang minuto itong naghintay at nalaglag lang ang panga niya nang makitang naka-seen lang ito.
Ako:
Wow! Sikat ka? Sikat ka?
Seen'
"Di bale na nga.Saka..bakit ko ba siya chinachat? " pakielam ko ba sa kaniya. "Tss, boring." Napaisip ito.Agad nitong in-open ang messenger . Namili ito nang gif na pwedeng isend kay Vein.
"Hahaha" tawa niya habang pinapanood na iseen ito ni Vein."Hahaha, asar ¡" umawang ang labi niya sa biglang nakita.
You can't reply to this conversation .
"Tsss!" Binato nito ang cellphone....sa kama. "Bakit ba ang boring! -ng mga tao ngayon? Ashhh!"
"Uy, Val-"
"Ano nanaman?" Singhal niya dito.
"Anong ibigsabihin ng nauseous? "
Inirapan siya ni Val. "Alam mo ba yung salitang search?" Saad niya kay Gray.
Gray pouted. "Oo.."
"Eh Google? "
"Alangan! Tss!"
"Oh, kung ganon naman pala , edi mag search ka."
"Hahaha! " putol ni Aki. "Eh baka naman kasi hindi rin alam ng google kung ano iyon!"
"Oo nga!" Tumango si Gray habang nakasimagot.
"Anong sinasabi mo?" Kunot noong tanong ni Val.
Akmang magsasalita si Gray nang sumabat nanaman si Aki. "Eh kasi naman.." nilingon niya si Gray. "Sabi niya pa 'okay, google ' tapos, 'nauseous' . Tapos , alam mo kung ano yung lumabas?"
Kumunot ang noo ni Val. "Hindi."
Binato siya ni Aki ng unan. "BAKIT hindi mo alammmm!"
" -Ashh! Kaya nga pinapakwento niya diba?! Ikuwento mo nalang kasi! Ashh! "
"Kasi, yung lumabas 'no shoes'. " saad ni Gray.
"Oh, diba, bingi?" Sabat ni Aki.
"Baka naman kasi, yung nagsabi yung may problema." Umawang ang labi ni Gray at naiinis na kumurap.
"Alam mo? Nakakainis ka kausap.Akala ko, makatutulong ka sa akin pero, mas pinapalala mo lang ang sitwasyon!"
"MALIIT LANG KASI NA PROBLEMA, PINAPALAKI!" Giit ni Val.
Nag init ang ulo ni Aki. "BAKIT NIYO AKO DINADAMAY DIYAN!!" Singhal nito at pumagitna sa dalawa. Tinulak nila si Aki na napahiga sa kama.
"Tumahimik ka diyan intsik!" Sabay nilang saad sabay duro dito. Napaawang ang labi Aki at naiiyak na umupo. "Hindi ako intsik...hapon ako!"
"Umagang umaga pa lang. Advance mo naman mag isip?" Aniya Gray.
Nilingon niya si Val. "Nasaan na pala tayo?""Sa...Mm-hm, sa maliit lang yung problema--"
"Huwag niyo akong ini-snob ah."
Hindi nila pinansin si Aki at mabilis na naglaho. Ngumiwi si Aki. "How could them...d-do this to handsome me!"
Unti unti itong napahiga at nakatulog sa pag e-emote.