Huling Pahina nating Dalawa💔

49 4 0
                                    


Heto nanaman ako,
Nag iisip ng kung ano ano
Inaalala ang lahat
Nag iisip ng pamagat,
Sa librong aking isinulat.

Hayaan mong ikwento ko ang kwento natin,

Nagsimula tayo sa wala
Hanggang sa nagkakilala
Naging magkaibigan
Hanggang sa naging magka-ibigan
Napaka simple diba? Pero makabuluhan.

Pero hindi ko pwedeng ihambing ang kwento natin sa kwentong pambatang may happy ending.
Dahil iba tayo, iba ang nangyari sa atin.
Tayo ay nasa realidad,
na hindi lahat ng pangarap ay natutupad

Siguro tadhana narin ang napagod,
Dahil sa mga tampuhan natin na sunod sunod.
Nakakapanghinayang,
Ang istorya nating nasira at nawala nalang bigla.
Ngunit anong magagawa ko?
Tadhana na ang sumuko.

Madami ng pahina ,
Ang napuno ng magaganda at masasakit na ala ala,
Ngunit, itong huling pahina ang pinakamasakit.

Sa huling pahinang isusulat ko,
Isusulat lahat ng lungkot , sakit  at hirap na aking natanggap.

Uubusin ko ang tinta,
Kasabay ng huling patak ng aking luha
Isusulat lahat ng nadarama,
Isusulat lahat ng ala ala,
Ala ala nating dalawa na nawala
Pagkatapos ay aking isasara.

At handa na muling magsimula
Sa unang pahina
Ng bagong yugto
Ng aking istorya.

Tula para sa pagmamahal na Nawala 💔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon