Ang buhay ay paglalakbay
Sa daigdig na makulay;
Di ba, Ina, ikaw'y gabay
Na sa aki'y naagapay?Sa init man ng panahon,
Dampi mo ay tumutulong
Na punasan nang maghapon
Ang pawis kong bumabalong.Maging kahit sa taglamig,
Ang bigay mo'y pawang init;
Iyang yakap mong mahigpit
Ay balabal nga ng Langit.Sa maalon pa mang dagat
O sa ilog na makupad,
Ikaw, Ina'y tumatahak,
Lulan akong iyong anak.O Ina ko't luwalhati,
Kandili mo'y naghahari,
Di mo hangad na magapi
Akong pawang dalamhati.Salamat sa pag-ibig mo,
O Maria! Ay! Irog ko,
At sa akin mang pagyao
Ipanhik mo na kay Kristo.
BINABASA MO ANG
Mga Tula sa Ilalim ng Langit
PoetryAng aklat na ito ay koleksyon ng apatnapung tulang relihiyoso at naglalarawan ng espiritwal na karanasan ng makata at ng kaniyang ugnayan, pagmamahal at debosyon sa Diyos at sa Mahal na Birheng Maria. Ito ay binubuo ng 2 dalit, 10 awit, 10 tanaga at...