Pag-ibig Mo, Hesus, ang nagbigay-buhay
Sa kaluluwa kong sa sala ay patay.
Ang pagmamahal Mong pumunong tuluyan
Sa ninanais kong saya’t kahulugan.Ang kaligayahang aking hinahangad
Tila ba parating kapos at di sapat;
Nang ako’y makita Mo sa paghahanap,
Pag-ibig Mo pa rin ang unang namalas.Ako’y minahal Mo noon pa mang una
Nang di ko pa nasa ang siyang sundin Ka.
Ako ma’y malugmok sa pagkakasala,
Mananatili Kang tapat na sisinta.Ikaw ang umirog sa akin nang higit,
Kanino pa ako tunay na kakapit?
Sa Iyo’y nadama at aking nalirip –
Ikaw ay ang Poong Diyos ng pag-ibig.
BINABASA MO ANG
Mga Tula sa Ilalim ng Langit
PoetryAng aklat na ito ay koleksyon ng apatnapung tulang relihiyoso at naglalarawan ng espiritwal na karanasan ng makata at ng kaniyang ugnayan, pagmamahal at debosyon sa Diyos at sa Mahal na Birheng Maria. Ito ay binubuo ng 2 dalit, 10 awit, 10 tanaga at...