PAGHIHINTAY

163 3 2
                                    

Ikaw’y nadatnan Kong balisa at bigo,
Batbat pa ng takot ang mahinang puso.
Tila ang loob mo, sa Aki’y malayo,
Sa dilim ng gabi’y parang nagtatago.

Lumalapit Ako’t ikaw’y umiiwas;
Ninanais kitang muli ay mayakap.
Niyayaya kitang makadaop-palad
Nguni’t ang alok Ko’y di mo nililingap.

Higit pa sa iyong pagkakalupaypay
Ang Dakilang Awa Ko at pagmamahal.
Sa dilim ng gabing tunay na mapanglaw,
Umasa kang hindi kita iiwanan.

Sa kinabukasan, ikaw ay dadalhin;
Sa bisig Ko’t lambing, ikaw’y aangkinin.
Minamahal kita’t laging hahangarin
Ang ngayon at bukas na ikaw’y kapiling.

Pawiin mo na ang iyong agam-agam;
Pag-ibig sa iyo’y hindi napaparam.
Sa gabing malungkot, ikaw ma’y maligaw,
Hahanapin kita’t Ako’y maghihintay.

Mga Tula sa Ilalim ng LangitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon