Ako’y binati ng umagang kayganda
Dahil Ikaw, Hesus, ay aking kasama.Sa aking paggising, Ikaw’y nasa isip;
Dito sa puso ko’y di Ka nawawaglit.Sa aking pagmulat, sambit ko’y ngalan Mo
Nang di maapuhap ng maraming tukso.Ang banal Mong mukha’y laging ipahayag
Magmula pa lamang sa aking pagdilat.Ikaw ang pag-asang parati kong asam,
Ang Iyong biyaya’y aking dasal-dasal.Ikaw’y halimuyak na naaamoy ko;
Ako ay puspusin ng taglay Mong bango.Ang hiling ko lamang, aking Panginoon,
Pag-ibig Mo’y kamtin sa buong maghapon.At kapag humimlay na ang pulang araw,
Pagkagat ng dilim, ako ay samahan.
BINABASA MO ANG
Mga Tula sa Ilalim ng Langit
PoetryAng aklat na ito ay koleksyon ng apatnapung tulang relihiyoso at naglalarawan ng espiritwal na karanasan ng makata at ng kaniyang ugnayan, pagmamahal at debosyon sa Diyos at sa Mahal na Birheng Maria. Ito ay binubuo ng 2 dalit, 10 awit, 10 tanaga at...