MISTERYOSONG PARAAN NG DIYOS

84 1 1
                                    

Sa buhay na ito’y kay dami ng tanong
Hinggil sa pag-iral at sa pagdurusa.
Ang Panginoon ba kaya ay may layon
Sa bawat tiising aking binabata?
Aking napagtanto yaring kasagutan –
Minsan ang buhay ay isa ngang pagkilos,
Sa hamon ng mundo’y subukang sumugal,
Ipagpatuloy ang labang tinatapos.
Subali’t minsan di’y dapat na tanggaping
Bawat pangyayari ay pawang himala;
Tanging kailanga’y kahit na katiting
Na biyayang handog ng Amang Maylikha.
Paraan ng Poo’y sadyang misteryoso,
Huwag nang dibdibing lubha ang tanong ko.

Mga Tula sa Ilalim ng LangitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon