Claurent's POV
Few days have passed and Raine has been ignoring me since we had our fight. Hindi narin siya sumasabay sa amin every lunch. Sa ibang table na siya kumakain.
Pinapansin parin naman kami nung mga kaibigan niya pero siya lang talaga yung hindi.I'll just let her cool down nalang muna.
" Uy! uy ano 'to dude?!" narinig ko nalang humiyaw si Clark. Nakita ko siyang kinuha yung isang papel sa kamay ni Nate. Pilit itong binabawi ni Nate pero ayaw ibigay ni Clark.
Napa-kunot naman yung noo ko habang pinapanood sila.
" Uy! Love letter ba 'to..... haha let me see...
Dear Nate,
First of all, you look good as always. I just want you to know that I like you. Always have and always will. Alam mo ba na araw-raw kitang gustong makita?
Ngayon lang ako naglakas-loob na sulatan ka. Baka kasi pag nalaman mo kung sino ako...let's just say a friendship might end..Gustong-gusto kong isigaw sa buong mundo kung gaano ako natamaan sa'yo pero hindi pwede kasi natatakot ako. You make my heart smile. I most certainly have feelings for you, but I have to pretend like I don't.
If curious kang malaman kung sino ako, I'll just give you a clue : you see me everyday and you may or may not see me mamaya sa field :)
All the love,
Emoji👀 ..... "Pagkatapos yung basahin ni Clark ay naghagalpakan naman ang mga tukmol.
" Grabe! Sa mukhang 'to? Meron pa palang magkaka-gusto?!" Ethan pinched his cheeks while Nate slapped his hands away. I slightly chuckled at them.
" Dude, sino naman kaya yan?" tanong ni Loui.
" 'Di ko rin alam. Someone just slipped this letter into my locker." pagtataka niya.
Na-curious din naman ako kung sino ang nagbigay nun pero I stayed silent.
" Di kaya si Raine yan?" biglang sabi ni Clark.
My body stiffened dahil sa narinig ko and I gave him a death glare.
Gago 'to si Clark
" Dude! Ano ba..don't start it." Loui warned him and na-realize naman niya kung anong nasabi niya. He immediately zipped his mouth. Tinignan ulit ni Nate yung letter.
I rolled my eyes at them and looked away. My eyes searched around the cafeteria na medyo malawak. Hindi ko makita si Raine. I took a deep breath and just zoned out.
---------------
Raine's POV
" Wait.... so you mean... both Nate and Claurent like you?!!" Tiffany whisper-yelled. Papunta na kami ng classroom kaya we should not be too loud. Baka marinig pa kami.
" Ooh! Girl, harvat mo na yang dalawa!" Jino jokingly cheered at hinampas naman siya ng mahina sa braso ni CJ.
" Ano ka ba, girl? Maria Clara tayo remember....?" CJ paused before they said altogether, " We don't run after boys, Boys run after us."
Nagtawanan naman sila pagkatapos nun at napa-iling nalang ako.
" Pero seryoso, how are you going to deal with that?" tanong ni Tiffany.
" Hindi ko nga alam eh, sa ngayon..I'll just keep my distance para hindi lumala yung pag-aaway nila." sagot ko.
" Naku, ang hirap naman talaga nyan! Lalo na't friendship mo pa yung dalawa" ani CJ
" Kailangan ko pa namang mapalapit kay Nate. Mahihirapan na ako'ng gawin yun ngayon kasi ayokong makasakit sa damdamin ni Claurent."
" Bakit mo naman gustong mapalapit kay Nate?" nang tanungin ako ni Tiffany nun ay sabay ring nag ring yung bell, sign na for the first period sa afternoon.
" I'll tell you guys later." sabi ko sa kanila at tumango nalang din sila.
Dali-dali din kaming pumasok sa mga classroom namin.-----------
When class ended, I headed straight to the field. During the whole practice, nagkakaroon ng tension between me and Claurent. She kept a stern face the whole time. She seemed a little irritated.
I didn't mind her that much and just waited until practice is over. I sat on the bleachers for a while para magpahinga. I just watched as everyone went to the locker room habang si Claurent naman ay papunta sa stock room.
Maya-maya ay lumapit si Nate sa akin.
" Hey." bati nito.
" Hey," I greeted him with a tight-lipped smile.
" Napagod ka ba sa practice?" tanong niya.
" Medyo." tipid kong sagot.
May sasabihin pa sana siya kaso tinawag na siya ni Ethan. Binati naman ako sandali ni Ethan bago sila umalis.
Pinagmasdan ko lang sila habang papaalis sila. I noticed how charming Nate's smile is..lalo na pag kasama nya ang kaibigan niya.
Napangiti nalang ako bago ako tumayo at nagtungo sa locker room para magbihis.
-------------------
" Eeeiiihhhh!!!! Oh My Gosh!! Kaya pala gusto mong mapalapit kay Nate!!!!" I instantly covered my ears dahil sa lakas ng tili nina Tiffany, CJ at Jino.
Friday night ngayon so I asked them to sleep over at my house para sabihin sa kanila yung dahilan. Nang ikinuwento ko naman sa kanila ay na surprise talaga sila.
Natawa nalang ako sa reaction nila.
" Pero sshh..secret lang natin 'to ah. Bawal ipagkalat." sabi ko sa kanila at tumango naman sila.
" Shemss! Di talaga ako makapaniwala! Ba't ngayon mo lang sinabi sa amin?!" reklamo ni Jino.
" Eh kasi nga ayokong ipagkalat..." sagot ko sa kaniya.
There was a moment of silence at tumili na naman sila. This time, kasama ako. Para kaming mga anime girls na na-notice ng mga senpai namin! Hahaha.
" Ano, gusto niyo ba ako'ng tulungan?" I asked them.
Nagtinginan naman sila while smirking, " Sure" they all said.
Pagkatapos nun ay nag chikahan muna kami at nag movie marathon.
Late na kaming natulog nung gabing iyon dahil ang dami naming kwentuhan.
I'm just really thankful that I have someone like them who I can rely on...
Buti nalang nandito sila para tulungan ako sa problema ko with regards to Claurent and Nate.
--------------
Hey! Like the story? Give it a star! And leave a comment😊😁xxallthelove💕
BINABASA MO ANG
Take Your Time (GxG)
Novela Juvenil[[BOOK 1]] "Perfect. That's how the world feels when I'm with you" It's been a long time since Raine experienced how it feels like to love and to be loved. Pagkatapos ng maraming break ups, natutunan niyang gawing manhid ang kanyang puso upang hindi...