CHAPTER THIRTY-SIX

3.7K 97 8
                                    

Raine's POV

Naging maayos naman ang pag-interview ko kena Nate. Yun nga lang, nagkakaroon ng awkward silence.

But I did not mind it nalang, what's important is matapos na yung schoolpaper namin.

Nang matapos yung interview ko ay nagpasalamat na ako sa kanila.
Sabay na silang umalis except kay Claurent na nauna na sa kanila.

Huh, she's really fallen head over heels kay Mia.

Do I care? No.

But does it hurt?

Yes. A lot.

I just shrugged it off at inayos yung dala kong gamit. Paalis na ako ng field nang may tumawag sa pangalan ko. Walang iba kundi si Ethan.

" Hey, Raine. Wala kang kasama pauwi? Tara, hatid na kita." nabigla ako sa pakikitungo sa akin ni Ethan ngayon. Sa kabila ng pagiging masama ng ugali ko sa kanya kahapon ay naisip pa niyang ihatid ako sa bahay.

Wala na akong ibang nasabi at tumango nalang ako. Pumasok ako sa kotse niya at nang pumasok na din siya ay nag decide ako na mag-salita.

"U-uhmm...Ethan, sorry pala kahapon ah, I did not give you time to speak, bigla nalang akong umalis nang hindi pinakikinggan yung side mo." paghihingi ko ng tawad sa kanya.

" I forgive you..and besides, taman naman yung sinabi mo kahapon. Hindi tama yung ginagamit kita para malaman kung may pagtingin ba si Nate sakin. Sa totoo lang, nag-isip isip na ako kagabi, and I have decided to confess my feelings to him. No matter what. Hindi na ako takot sa kung anong mangyayari pagkatapos. I mean...it's better to take a risk than to live in agony, right?" He looked at me with hopeful eyes and I just nodded at him.

" You're so brave Ethan." I smiled.
" So, kailan ka magtatapat sa kanya?" tanong ko.

" Ewan, hahanap pa ako ng perfect timing. Tsaka, ifi-figure out ko pa kung anong sasabihin ko sa kanya no!" natatawa niyang sabi.

I chuckled at him before opening my arms at him. " Are we cool now?"

He accepted my gesture and embraced me. "We're cool." sagot ni Ethan at natuwa naman ako.

After that ay hinatid na niya ako sa bahay. Pinapasok pa siya ni Mommy para sumabay sa amin mag dinner.

Nung gabing iyon ay nabawasan ng konti ang bigat ng problema ko.

--------------------

Kinabukasan ay nang makarating ako sa school ay dumiretso na ako sa office para ma finalize na yung schoolpaper namin bukas na kasi yung deadline nun.

Mabuti nalang at na-polish na namin yun before mag-lunch kaya naman, dinala na nina Jino at CJ ang soft copy para ma-produce na.

When lunch came, sabay kami ni Tiffany pumunta ng cafeteria para bumili ng pagkain.

Nahagip na naman ng mga mata ko sina Claurent at Mia.

Hindi ko inakalain ang nakita ko. Claurent is holding a boquet of flowers and gave it to Mia. Claurent said something to her. I could not make up what she said, but whatever it is...napangiti si Mia dahil dun.

We headed to a vacant table. Habang patungo kami dun ay nadaanan namin ang table nina Claurent kasama ang mga barkada niya at si Mia. Binati pa nga nila kami, except Claurent who's busy giving Mia love-eyes.

" Claurent, mamaya ah." narinig kong sabi ni Mia.

" Sure, wala akong planong tanggihan ka noh. Basta siguraduhin mo lang na mabubusog ako."

Nang marinig ko iyon ay halo-halong emosyon ang naramdaman ko.

Totoo ba yung narinig ko?

Iba't-ibang maruruming mga bagay ang pumasok sa isipan ko.

May gagawin sila mamaya, at siguraduhin lang daw ni Mia na mabubusog si Claurent.

Hindi ako maaaring magkamali. May plano silang maglaro ng apoy mamaya. Siguro sila na, kasi binigyan ni Claurent ng bulaklak si Mia.

That was enough para sumikip ang dibdib ko. Nagmadali akong umalis ng cafeteria. Hindi ko alam kung saan ako pupunta because my eyes and mind is clouded.  My tears are falling down my eyelids uncontrollably.

Somehow, I find myself sat under a tree sa likod ng campus namin at doon ko nilabas ang lahat ng sakit na nararamdaman ko.

Lahat nalang. Lahat nalang sinasaktan ako. Akala ko ba gusto ako ni Claurent? Why did it seem to her na madali lang akong kalimutan?

Ang tigas din naman kasi ng ulo ko. Sabi ko na kasing wag na magmahal ulit eh! Yan tuloy napapala ko! Paulit-ulit nalang akong sinasaktan ng ganito.

" Raine? What happened?" I heard Tiffany's voice and I quickly sniffed and wiped my tears.

"U-uhm..wala" I denied.

" You're crying." tumabi siya sa akin and looked at me with worried eyes. " C'mon, we're friends, you can tell me anything."

Napa-iyak na naman ako at niyakap ko nalang si Tiffany habang humahagulhol. Naramdaman ko namang hinihimas nya ang likod ko para patahanin ako.

" T-Tiff----ayoko n-na...l-lagi na-nalang e-eh. T-they alway-ys le-leave me.." napahikbi nalang ako dahilan ng sobrang pag-iyak ko.

" Bakit? Who's leaving you?"

" S-Shane." sagot ko.

" W-wait, what?" nagulat naman si Tiffany sa sinabi ko kaya nagpasya akong ipaliwanag sa kanya ang lahat.

-------------------------------
*time skip*

" So...you mean, may gusto ka talaga kay Claurent?" tumango ako sa tanong ni Tiffany. By the time I was done explaining sa kanya ay medyo tumahan na ako sa pag-iyak ko.

" Well, why didn't you tell her right away?" pagtataka naman niya.

" E-eh kasi, This is my first time falling for---"

" A girl?" I softly nodded after Tiffany cut me off. " What's wrong with you falling for a girl?"

" Wala namang masama para sakin. Pero natakot lang kasi ako dahil first time na mangyari sakin to. I don't want my heart to be broken again, you know?" sagot ko sa kanya. Alam na din kasi niya na nagsinungaling ako sa kanila nung tinanong nila kung NBSB ba daw ako.

" ...and Tiff, it's too late. Sina Mia at Claurent na. Ayokong sirain yung relasyon nila no." I bit my lip to stop another tear attempting to slip from my eye. " I messed up again, Tiff."

Natahimik nalang si Tiffany at hinawakan ang kamay ko. She rubbed my back and made my head lean into her shoulder.

" Basta, nandito lang ako para sayo...kami nina CJ at Jino."

Nang matapos yung klase namin sa hapon ay kinumbinse ako nina Tiffany, Jino at CJ na mag sleepover sila sa bahay. She said it would be a way para ma-comfort ako, and I just let her.

Nung gabing iyon ay nalaman na din nina CJ at Jino yung sekreto ko. Natawa nalang ako sa naging reaksyon ng dalawa:

" Hayyss! Salamat, madadagdagan na naman ang kabaklaan sa circle of friendship natin!!!"

" Naku, wag kang mag-alala bes, your secret's safe with us"

Buti nalang naging kaibigan ko tong mga 'to. Kahit papaano kasi ay nababawasan yung kalungkutan ko. Temporarily kong nakakalimutan yung kabiguan ko.

Don't get me wrong. Thankful ako sa mga ginagawa nila para sa akin. I really am.

Pero ngumingiti man yung mga labi ko, basag parin tong puso ko.

------------------------
Hey! Like the story? Give it a star! and leave a comment!

xxallthelove💕

Take Your Time (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon