**song title: Notice Me by Alli Simpson..**
🌻🌻
Claurent's POV
I have been wanting to get Raine's attention lately. Naisip ko ngang i-take advantage ko yung practice namin para mapalapit ako sa kanya.
Bakit? 'Di ko alam. Basta gusto ko lang maging close kami. Iba kasi yung nararamdaman ko pag andyan siya eh..iba yung feeling.
And I want that feeling everyday.
Right now, ay tapos na kaming mag training sa ball control at papa-uwi na yung mga intermidiates.
Tumakbo ako patungong locker room para maabutan ko si Raine. Plano ko sanang yayain syang i-treat as peace-offering dahil sa pagiging masyadong strict ko sa kanya...wala lang, para maging close lang kami, ba't ba?
Pero pag punta ko dun ay wala sya. Hayss, nasan na yun? Naka-uwi na kaya siya? Sayang naman. Wrong timing ka talaga Claurent, kahit kelan. -_-
Napabuntong-hininga nalang ako habang naglakad papalabas. Binagalan ko ang aking paglakad na para bang humiwalay ang kaluluwa ko sa aking katawan. Wala na, finish na. Wala na talaga akong pag-asang maging kaibigan pa ni Raine.
Maya-maya ay nagulat ako sa biglang pag-vibrate ng cellphone ko.
Takte. Sino na naman to.
"Hoy gago yung bola daw ibalik mo sa stock room! Iniwan mo lang sa field,baka pabayarin ka ng fines, HAHAHAHA tanga. all the love from Ethan🙊"
Demonyong Ethan 'to -_- may pagka-tukmol din.
Hayss, yan na nga ba. Sa sobrang pagmamadali ko ay nakalimutan kong dalhin yung bola. Isa na rin kasi sa mga tinuro sa amin ni coach ay ang maging disiplinado. Kaya every after practice, obligation ng mga trainor na ibalik sa stock room kung anumang sports equipment ang kinuha namin dun.
Dahil dun ay nagmadali naman akong nagpunta sa field.
Pero nagulat ako nang makarating ako dun.
Andito lang pala si Raine.
Siya lang mag-isa at naka-upo siya sa gitna ng field habang pinapanuod ang paglubog ng araw.
Ba't di ko siya nakita kanina? Hayss masyado kasing occupied yung isip ko kaya siguro nawawala ako sa sarili.
Bago ako lumapit sa kanya ay kinuha ko muna yung bola. Baka isumbong pa ako ni Ethan, mahirap na.
I don't know why I did it pero hindi ko talaga pinag-isipan ng maayos ang sumunod na nangyari..
" Arayyy!! My head!!!Ano ba!!!" narinig ko nalang siyang sumigaw. Hinawakan niya ang ulo niya at lumingon sa kaniyang likod at nakita ako. Nagulat siya pero hindi parin naalis ang pagka-inis sa mukha niya.
Agad naman akong lumapit sa kaniya and I checked her head for any signs of bump. " Shit, s-sorry..sorry talaga.. d-di ko talaga sinadya.."
" I'm so stupid.. ba't ko ginawa yun?? Okay ka lang ba? Gusto mo pumunta tayo sa clinic? T-tara...d-dadalhin kita dun.." I said while panicking. Hindi ko alam gagawin ko. Bwisit! ba't ko ba siya binato ng bola?
Habang nagpapanick ako at chinicheck yung ulo niya ay hinawakan niya ang mga kamay ko.
" Claurent, okay lang ako..you can leave me here." sabi niya nang hindi tumitingin sa akin.
Hindi ko alam pero medyo nainis ako dun.
" Seriously, anong problema mo? Ba't ganyan ka?" galit na tanong ko sa kanya.

BINABASA MO ANG
Take Your Time (GxG)
Novela Juvenil[[BOOK 1]] "Perfect. That's how the world feels when I'm with you" It's been a long time since Raine experienced how it feels like to love and to be loved. Pagkatapos ng maraming break ups, natutunan niyang gawing manhid ang kanyang puso upang hindi...