"Tumabi nga kayo sa dadaanan ko mga inutil!" Sabi ko sa mga taong humaharang sa dadaanan koPilit kong hinahanap ang taong lagi na lang akong iniiwasan at aaminin kong masakit yun para sa'kin
Naglakad-lakad pa ako at hindi sinasadyang may makita ako na dalawang tao na enjoy na enjoy sa paghahalikan!
Sinugod ko agad sila at kinuha ko si violet sa lalaking kahalikan nya. Mukhang nagulat pa si violet ng makita ako
"Walanghiya ka!! Anong karapatan mo para halikan ang pag mamay-ari ko ha!!" Singhal ko sa lalaki at dalidaling sinuntok , na sya namang pag alis ni violet sa likod ko tsaka pinuntahan ang lalaki na ngayon ay duguan na nakahandusay
Masamang tiningnan ako ni violet at lumapit 'to sa'kin. Akala ko lalapitan nya ako para tanungin kung nasaktan ba ako? Pero mali pala ang inaakala ko lumapit sya sa'kin at sinampal ako ng paulit ulit
"Stupid bitch lesbian! Wala kang karapatan na saktan sya! At anong sinabi mo? Ako pagmamay-ari mo? Haha hindi mangyayari yun kahit sa panaginip pa, hinding hindi ko magugustuhan ang mga kagaya mong salot!" Sabi nito sa'kin dinuro duro pa ako
Ugh ilang beses na ba akong sinaktan ng babaeng 'to? Tatlo? Higit pa duon sa sinabi nyang yun napayuko na lang ako.shit ayaw kong umiyak lalo na marami nang tao ang nakatingin sa'min ayaw ko ding umiyak sa harapan ng babaeng mahal ko
Pumikit muna ako habang nakayuko dahil parang umiinit na ang mga mata ko parang palabas na ang luhang pinipigilan kong lumabas
Huminga ng malalim at dahan dahang nag angat ako ng aking ulo isa lang ang naiisip ko
Kahit ano pang sabihin nya sa'king nakakasakit na hindi kopa rin sya susukuan.kahit magmukha na akong tanga para lang sa kanya maramdaman ko lang na mahal rin nya ako
bahagya lang akong ngumiti dito at tumango na lamang tsaka naglakad palayo
Buti na lang nakatalikod na ako bago mag agusan ang kanina ko pang pinipigilan na luha
'Hindi ako susuko violet'
"Yan ang napapala mo .bakit ba kasi ayaw mo pang tigilan yang si violet alam mo namang nandidiri yun sa mga katulad natin" sabi sa'kin ng kaibigan kong si zalde
"Oo nga naman gael tama si zalde marami namang ibang babae dyan at take note patay na patay pa sa'yo samantalang ikaw halos mapatay na nung babaeng yun" natawa naman ako ng bahagya sa sinabi ni christian
Mabuti na lang may dalawa akong kaibigan na matatakbuhan sa mga oras na nanghihina ako sila christian at zalde ay parehong bi samantalang ako lang ang nag iisang babae oppss pero katawang babae lang po ako kasi sa loob loob ko talaga lalaki ako
"gustuhin ko mang kalimutan sya at magmahal na lang ng iba pero hindi naman natin madidiktahan ang puso natin na dapat 'to yung mamahalin ko hayst kung pwede lang sana mga parekoy" sagot ko tsaka nilagyan ulit ng ice yung sugat ko kung saan bakat pa ang palad ni violet
"hayaan na lang natin sya chris , ganyan na ganyan yung napanood ko kagabi nagmahal sya ng hindi naman sya mahal at ayun yung nagmahal nagsawa na tsaka tinigilan na nya yung babae nakakatawa nga lang dahil yung dati nyang mahal yun naman ang naghahabol oh diba!" sabi ni zalde habang nagbabasa ng dyaryo
"Anong konek?" Pambabara ni chris tsaka binato sya ni zalde ng unan sapol sa mukha
"Nga pala gael nag text si alexandra ang sabi nya kung pwede ka daw ba mamaya bar?" Si christian na nilalantakan na ang mga pagkain ko sa ref
"Pakisabi hindi muna.para kasing mas gusto kopa ang matulog" sagot ko na kinatango lang ni christian tsaka nya kinuha ang cp nya
hindi rin nagtagal umalis na ang dalawa kong kaibigan na iniwang madumi 'tong bahay ko kahit kailan talaga mga burara
'Kawawa naman si fafa gael , snob na lang palagi ni queen violet'
'Kaya nga sayang naman bagay pa naman sila'
'balita ko si queen violet at jeremy na daw?'
At kung ano-ano pang naririnig ko habang naglalakad ako hindi ba nila alam na hindi maganda ang araw ko ngayon bakit? Dahil sa lalaking yun porke't sila na ng babaeng mahal ko kung magyabang hindi naman kagwapuhan
Mabuti na lang at nakasuot ako ng jacket na may hood para naman hindi nila mapansin 'tong pasa sa mukha ko mahirap na bawas points kapag nagkita kami ni violet na ganito ako
at nasabi kona rin ang pangalan ni violet lalo lang ata akong maiinis ngayong araw na 'to paano ba naman makakasalubong ko sya ok lang sana kung sya lang mag isa pero shit lang mga pare may kasama sya
Alam kong nakita nya ako pero tuloy pa rin ako sa paglalakad ko kahit na makakasalubong ko sya
"Babe hey? 're you ok?" Narinig kopang sabi ng payatot nyang boyfriend sus mas pogi pa nga dyan sina chris at zalde
Hindi na ako nag abala pang lumingon sa kinaroroonan nila kaya naman binilisan kona lang yung lakad ko at taas noong naglakad habang nakapa mulsa
"Alam mo gael ibaling mona lang yang atensyon mo sa ibang babae malay mo makalimutan mona yang violet na yan" nandito kasi kami sa canteen dahil wala naman daw pasok ang ending dito na kami tumambay
Hindi ko na lang sya pinansin at tumungo sa lamesa habang hinihintay namin si zalde
"Oh 'to basahin mo" batok sa'kin ni chris tsaka hinagis yung cp na salo ko naman
"Ang kulit naman nitong alexandra sinabi ko na ngang hindi ko sya gusto" gigil na sabi ko tsaka binalik kay chris yung cp nya
"Hasyt bigyan mo kaya sya ng chance? Kawawa naman oh nakaka inis na rin kaya sa'kin pa nag tetext!" inis na rin si chris at pinagbubura nya ang mga text ni alexandra mula sa cp nya
"pag iisipan ko" hinilot ko ang sentido ko dahil dumadagdag pa yang si alexandra
Nang dumating na si zalde dala ang mga pagkain namin agad namin 'tong sinunggaban at mabilis lang naubos yung pagkain
"Gael tingnan mo oh ang sweet lang nila no?" Sabi ni zalde na nakatingin lang sa likuran ko
"Pfft ang bantot naman ng mukhang yan haha kung ako tatanungin ang panget ng nakuha ni violet aba gael na yan inayawan pa" isa pa 'tong si chris na tatawa tawa pa
Tamad naman na nilingon ko ang direksyon nila at hindi naman ka nais nais ang makikita ko
Nakakatawa lang kasi si payatot pilit sinusubuan si violet ng pizza yuck may kagat na nya yun tapos papasubo pa nya kay violet?
"Wag kana malungkot dyan , tara na sa bar at ihahanap ka namin ng chicks duon" akbay nila sa'kin kaya napatango na lang ako mukha pa ngang napalakas ang pagkakasabi nila nun kaya yung iba napatingin sa'min
BINABASA MO ANG
Love me back
Romancemahal mo? pero paano na lang kung hindi ka nya kayang mahalin kagaya ng pagmamahal mo sa kanya? mahal ka! pero hindi mo s'ya kayang mahalin dahil lang sa pagkatao nya..paano kung ang taong nagmamahal sa'yo ay napagod na at handa ka ng palayain? mak...