Buhat buhat ko ngayon ang walang malay na si violet dahil sa taglay nyang kalasingan"Paano naman kaya 'to nalasing? mahigpit namang pinagbabawal ang magdala dito nang alak?" Sabi ko sa sarili ko nakakapagtaka naman
Magtataka kapa malamang sila din may-ari nito no!.
"Hmm" mahinang ungol nya matapos ko syang dalhin sa condo nya.alam ko naman ang condo ni violet masyado kasi akong patay na patay sa kanya DATI lang yun
"Wag..dito ka lang" aalis na sana ako ng mahigpit nyang hinawakan ang kamay ko kahit hindi ko alam kung maririnig pa nya ang sagot ko
Lumapit na lang ako dito at masuring pinagnanasahan este pinagmamasdan ang kanyang buong mukha
Maganda ka sana kaya lang sablay na sablay lang yung ugali mo idagdag mopa na landue ka
nang masigurado ko ng tulog sya kinumutan ko muna ang katawan nito at hinalikan sya sa noo
"Hayaan mo, hindi na kita pipiliting mahalin mo din ako kagaya ng pagmamahal ko sayo.kagaya nga ng sinabi mo kalimutan na kita.hayst kahit masakit mang sumuko pero kasi napapagod din naman ako diba? Hindi ako robot? Kaya sana wag kang sasaktan ng lalaking pinili mo..kahit sa totoo nyan kaya din naman kitang bigyan ng pamilya,promise susubukan kong kalimutan 'tong nararamdaman kong pagmamahal sayo pero hindi naman agad 'to mawawala.iloveyouandgoodbye" sa unang pagkakataon nahalikan ko din sya sa labi at mabilis na lumayo sa kanya
"Himala gael nandito ka sa bahay? Anong meron bakit hindi ka agad sa bar nagpunta?" Salubong sa'kin ni chris kaya naman binato ko sya nang bato ay unan pala
"Ayaw kona duon nakakasawa na tsaka ok na naman ako" ngumiti ako dito pero hindi naman yung gaano
"Ok yan mabuti ngang hindi kana nag ba bar kung hindi ka talaga nagtino naku masasapak na kita dahil kompleto tayo tara sa BAR!!!!" pesteng chris na 'to kakasabi ko lang na nagsawa na ako duon tapos magyayaya nanaman?
"Opsss wag kana tumanggi..tsaka celebrate natin yang un-crazy mo haha dahil sa wakas ok kana yan oh ganyan ngiti lang parekoy" para kasing baliw 'tong si chris pero napapatawa pa din ako
Wala na akong magawa kundi ang sumama na lang tutal sinabi na din ni chris celebrate namin ang pagising ko sa katotohanang hindi talaga ako kayang mahalin ni violet
"Yown medyo namiss ko ang mga girls ko dito ah! Ikaw ba zalde?" Parang tanga na sabi ni chris
"Hmm wala sya dito nasa ibang bansa sya kasama yung pamilya nya" sagot ni zalde kaya tumango na lang si chris
"Ikaw naman wag mong sayangin ang mga pagkakataong katulad nito.habang bata pa tayo ienjoy lang natin 'to so let's parteeeeey" pagkatapos sabihin ni chris yun tumalon talon na sya habang nakataas ang dalawang kamay at nakikisabay sa ingay ng mga tao dito sa loob
Napapailing na lang ako at iniwan sila haha gaganti lang naman.umupo ako sa counter tsaka umorder nang alak
Ng mabigay na yung order ko ninanamnam ko lang yung alak nang mahagip ng mga mata ko ang isang taong imposible namanPinagmasdan ko 'to nang mabuti parang nagkita na kami? Sino nga ba yun? Ena? Eva? Ella? Huh basta nakalimutan kona yung pangalan nya
Pinagsa walang bahala kona lang yun tsaka uminom ng alak
"Hi pogi?" Biglang may lumapit sa'king babae na may dalang alak
"Oh hello" maikling sagot ko tsaka hindi tumingin sa kanya
"Hmmp sungit mo naman" napangiti na lang ako akala kopa naman may mangpipilit nanaman sa'kin
"Wooahhhhhh!!!" Napalingon ako duon banda sa dance floor dahil biglang umingay duon.mayamaya ay lumuwag dahilan para makita ko ang taong dahilan nito
Uminit bigla ang ulo ko sa mga nakikita ko kaya agad akong pumunta sa pwesto nya
"Hoy layuan mo nga sya!" Galit kong sabi sabay tulak sa lalaking bastos na humihipo sa kanya.
"shit wag ka ngang mangialam dito bakit sino kaba?" Palag din sa'kin nang lalaki tsaka ako tinulak
Hindi na ko sumagot dahil sa inis nasapak ko sya dahilan para matumba sya
"Tara na!" Sabay hablot ko sa kanyang mga kamay at dali dali naming nilisan ang lugar na yun
--
hulaan mo kung sino yun?😂

BINABASA MO ANG
Love me back
Romancemahal mo? pero paano na lang kung hindi ka nya kayang mahalin kagaya ng pagmamahal mo sa kanya? mahal ka! pero hindi mo s'ya kayang mahalin dahil lang sa pagkatao nya..paano kung ang taong nagmamahal sa'yo ay napagod na at handa ka ng palayain? mak...