chapter 5

4K 158 0
                                    

"Yan ang napapala mo sinabi nang tigilan mona yang katangahan mo!'' Nagdaldal na ang mala nanay ko walang iba kundi si chris

Napapailing na lang ako dahil dumadagdag pa sya sa sakit na nararamdaman ko

"Chris gagaling din naman 'to eh wag kana mag ingay dyan umuwi kana panigurado malalagot ka kay tita nene nyan" sabi ko tsaka naglagay ng ice sa mukha ko pangalawang beses na 'to ah

"Ewan ko sayo.oh sya aalis na ako" sa wakas naka alis na din sya tamang tama tumunog yung cellphone ko

"Hello?kuya.bigyan mopa ako ng oras may kailangan pa akong gawin dito please? Promise last na talaga 'to pagkatapos lang nito uuwi na ako salamat kuya" matapos naming mag usap ni kuya lalo atang sumakit yung katawan ko

Hindi pa ako pwedeng bumalik sa bahay    

kinabukasan maaga akong nagising at dumaan sa flower shop

Nang makarating na ako sa univ agad akong bumaba na may ngiti sa labi sana magustuhan nya

"Para kanino naman yan?" nakangiting sabi ni zalde sabay akbay sa'kin

"Para kay violet" sagot ko na hindi pa din nawawala ang mga ngiti sa labi ko

"kay violet? Parekoy ngayon pa lang sinasabihan na kita na wag ka na mag aksaya ng oras para sa kanya" sabi ni zalde sabay agaw ng bulaklak sa akin

"Ha? Ano bang--" magtatanong pa sana ako nang may dumaan na dalawang tao na nagkakatuwaan pa

"See? Wala ka talagang pag asa dati pa gael.bumalik na si marcus kaya ayan bumalik na din sa dati si violet si marcus na kaya syang pangitiin si marcus na matagal na nyang hinihintay si marcus na firstlove nya si marcus na mahal na mahal nga" malungkot na sabi ni zalde sa'kin

Nakatingin lang ako kay violet na ngayon ay masayang naka pulupot ang braso sa isang lalaki. Tama nga si zalde si marcus lang ang may kayang pabalikin sa dati si violet masakit dahil sya lang ang babaeng minahal ko sya lang yung babaeng kinababaliwan ko pero wala na talaga

"Malay mo naman zald magkaibigan na lang sila diba? Ang tagal na kaya nyang si marcus nawala tapos babalik na ganyan na sila? Haha hindi ako papayag na sa kanya mapunta si violet" sabay punas ko ng mga luha sa pisnge masaya pa din syang nakikipag usap kay marcus pero yung ngiti nya ibang iba



Mag uusap kami!

Love me backTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon