"Gael nagpapasalamat kami sa diyos dahil sa wakas natigil na din yang kahibangan mo pero wag mo namang sirain yang buhay mo dahil lang sa walang kwentang babae tulad nya" nakatungo lang ako habang pinapaikot ko sa mga kamay ko ang hawak kong alak"Tsk! Panghuli na 'to.umuwi na lang kayo baka pagalitan kayo dahil gabi na kayo umuwi" medyo nahihilo na ako pero nangingibabaw pa din yung sakit.yung ikaw pa mismo ang kailangang magparaya para lang sa ikasasaya nya sino ba naman ako para tanggihan yun diba?
"Hindi pa kami uuwi.tsaka nakapag pa alam na kami.kaya sasamahan kanamin dito" sabi ni chris sabay upo nila sa katabi kong upuan
Mag iisang linggo na akong ganito.masyado pa kasing masakit yung kapag nagkikita kayo para syang nan-- oh nandidiri pala talaga sya sa'kin
"Dahan-dahan lang gael.baka pareho tayong malasing wala pa namang mag uuwi satin" tumawa naman si chris sa sinabi ni zalde
"Uh oh mukhang may naka miss sayo dito gael" nag angat ako nang tingin sa sinabi ni zalde tsaka ngumuso sinunod ko naman kung saan sya nakatingin
May tatlong babae ang papalapit sa'min.pero yung isa ang naka agaw nang atensyon ko maganda sya
"Hi chris" malanding sabi ni nathalia kay chris.nakita ko namang ngumiti si chris pero parang nakangiwi naman
"Hello eva" napatingin naman ako kay zalde na nilalandi ang tahimik na babae.imbis na sagutin sya nito tinaasan lang sya nang kilay
"Nga pala guys.'to ang kaibigan naming si Gael.Gael 'to nga pala sina Nathalia , Eva , and victoria" tumango lang ako sa kanila bago uminom ulit nang alak
"Sorry brokenhearted kasi kaya ganyan pagpasensyahan nyo na ah" kahit maingay dito sa bar rinig na rinig kopa din ang sinabi ni zalde
Hindi kona lang sya pinansin at nagpatuloy sa pag-inom samantalang sila humiwalay muna sa'kin sasayaw daw muna kaya kaming dalawa na lang nang babaeng ena? Ella? Ano nga ulit pangalan nito?
"Ahm hello? Bakit hindi ka sumali sa kanila?" Tiningnan ko naman yung kasama ng dalawang babae
"Wala hindi ako marunong sumayaw tsaka mas gusto ko pang mapag-isa" tinungga kona yung last na alak na inorder ko.yung pinaka last ayun yung talagang malalasing ako
matapos kong maubos ang alak tumayo na ako na wala man lang paalam dito sa babae
"Hoy teka lang!!!" Rinig ko pang sigaw nito pero binilisan kopa ang paglalakad ko
"Teka lang naman kasi ang bilis mo namang-- Aray!!!" Sigaw pa nito kaya napalingon ako at nakita kong natapilok 'to
"Bakit mopa kasi ako sinundan? Ayan tuloy natapilok kapa! Akin na patingin" nag alangan pa sya pero sa huli nahawakan konaman yung mga paa nya at dahan dahang hinilot
"Ahhh!! Ang sakit naman..dahan dahan lang naman.first time ko kayang maganito!!" Inis na sabi sa'kin ng babaeng nakalimutan ko ang pangalan pero sya yung nilalandi ni zald kanina
"Ughhhh!! Ayan dyan yan ganyan nga ahhhh!" Parang ina ano naman 'to kung makasigaw wagas
Tumayo na ako ng matapos ko syang hilutin pero agad ding napatingin sa babaeng ngayon ay naka upo pa din
"Ano iiwan mo lang ako dito? Matapos akong matapilok dahil sayo antipatiko!" dahil naririndi na ako sa bunganga nya binuhat kona lang sya
"Oh ayan na po mahal na prinsesa" may halos inis kong sabi dito pero ang isa naman biglang lumiwanag ang pagmumukha
"Masakit paba yang paa mo? Gusto mo dalhin na lang kita sa hospital" para naman maka uwi na ako
"Ang oa mo naman.simpleng tapilok lang tsaka ok lang ako wala naman akong mararamdaman na masakit" tumango na lang ako sa sinabi nya
"Ibaba mona ako hindi kasi 'to yung daan papunta sa'min" bigla sana syang bababa pero inunahan kona sya
"Hep.ikaw na din nagsabi ako may kasalanan kaya natapilok ka kaya hayaan mong ihatid kita sa inyo" nagsalita naman 'to at matalim na nakatingin sa'kin
"Peste ka hindi naman dito ang daan papunta sa bahay ko ibaba mona nga ako" galit nitong bulyaw sa'kin hindi kopa nasasabi sa inyo na buhat ko pa din sya hanggang ngayon
"Ah sorry wala ka naman kasing sinabi kung saan tayo dadaan" nagpupumiglas na sya kaya wala na akong nagawa kundi ang ibaba na lang
"Ok hayst, balak sana kitang iuwi sa baha--" hindi kopa natatapos yung sasabihin nya nang sinampal nya ako
"Anong akala mo sa'kin bayarang babae? Pwes nagkakamali ka nang inaakala mo dyan kana nga" aalis na sana 'to nang nahigit ko sya ng malakas kaya ang siste nakaibabaw na sya sa'kin ngayon
Napatitig ako sa mukha nya na ngayon ay sobrang lapit sa'kin.hindi ko alam sa kamay ko kung bakit bigla kona lang tinanggal yung salamin nya sa mukha kaya kitang kita ko na talaga ang kabuuhan ng kagandahan nya
Diba brokenhearted ka? Bakit lumalandi ka!
Natauhan ako sa ginawa ko nang may biglang bumusina sa harapan namin

BINABASA MO ANG
Love me back
Romansamahal mo? pero paano na lang kung hindi ka nya kayang mahalin kagaya ng pagmamahal mo sa kanya? mahal ka! pero hindi mo s'ya kayang mahalin dahil lang sa pagkatao nya..paano kung ang taong nagmamahal sa'yo ay napagod na at handa ka ng palayain? mak...