chapter 4

4.3K 166 2
                                    


Gael Pov

"Sagutin mona kaya yan nakakarindi na kaya" inis na sabi sa'kin ni chris pero hindi kona lang sya pinansin

"Ako na nga lang sasagot" nagring kasi ulit yung cellphone ko kaya sya na ang sumagot

Kilala ko naman yang tumatawag mag da-dalawang araw na nya akong kinukulit

"Oh! Alex ikaw pala? Ahm oo nandito lang sya hindi naman.bakit? Call ako dyan ge ge bye se yah" masayang binaba ni chris yung tawag tsaka baling sa'kin

"Inimbitahan tayo ni alex birthday daw kasi nya kaya pumayag na ako" binato naman sya ng unan ni zalde

"Hindi mo man lang kami tinanong ni gael? Pumayag ka kaagad?" Inis na sabi ni zalde kay chris

Ako naman nanood na lang ulit ng mga movies habang sila naman nag tatalo pa din

"Ano kaba naman zalde papayag ka din naman kasi alam kong marami kang makikitang jowable eutable duon haha!!" Natawa ako sa sinabi ni chris kaya tinampal sya ng mahina ni zalde sa mukha

"Jowable na eutable pa naks malay mo nga naman" sabay hagikgik naming tatlo

Umuwi na din sila dahil may oras sila nang pag-uwi lalo na nandyan yung mga tatay nila

"hey parekoy!!!" Sigaw ni chris kaya napatingin sa kanya yung mga tao

"Bakit? Mukhang may humahabol sayo dugyot mo pa" matatawa ka talaga sa itsura nya

hingal syang pumunta sa pwesto ko tsaka naghahabol ng hangin bago nagsalita

"Alam moba na babalik na si athena?yung nangungulit sayo.diba sya yung unang queenbee dito sa univ?" Sa sinabi nyang yun napahinto ako sa paglalakad tsaka tumingin dito kung nagbibiro nga ba sya

Mukhang hindi nga sya nagbibiro.si athena kasi ang tinik sa buhay ko alam mo kung bakit? Sya lang naman ang pilit pinapakasal sa'kin ni dad kaya yun lumayas ako sa bahay pero ngayon mukhang katapusan na ng pag papanggap ko

"At saan mo naman nasagap yan ? Baka isa lang yan sa mga fake news" hinilot ko yung sentido ko dahil naiisip kopa lang na babalik sya dito sumasakit na yung ulo ko

"Kay christine sa kapatid ni chrislyn diba magkaibigan yun sila ni athena?" Tanong nito sa'kin kaya napakurap pa ako tsk

Dahil mahirap magtago ng pagkatao ko nasabi kona din sa kanila ang tunay na ako maski ang pagiging intersex ko kaya ok na ang lahat maliban sa tatay ko

"Hayst wala akong pake sige na pasok na tayo" hihilain kona sana sya nang magsalita sya

"ungas ka late na kaya tayo buti pa nga si zalde pumasok ng maaga" kunwaring malungkot na sabi ni chris

"Ay naku naman! Oh paano yan anong gagawin natin? Panigurado kapag nanatili pa tayo dito mahuhuli tayo" kamot batok kong sabi

Napagdesisyunan naming sa cafe ng univ nalang kami tatambay sya na daw ang mag oorder kaya naman ako na lang ang naiwan dito sa lamesa.

"Queen violet pati ba naman dito may sumusunod din sayo?" Rinig ko sa kabilang table kaya napatigil ako sa paglalaro ng ML

"Ay oo nga queen sinusundan ka nga siguro ang lakas ng tama sayo eh" sa sinabing yun ng isa pang babae nagtawanan sila

Imbis na sagutin yung babae lumapit sa'kin si violet tsaka ngumiti ng matamis kaya napatulala ako yiee nginitian nya ako?

Napangiti na din ako sa inaakala kong uupo sya sa tabi ko dahil nga may dala syang juice at pagkain pero...

"HAHAHAHA!!!" tawanan ng mga kasama nya napa ohh naman yung mga taong nakakita ng ganung eksena

"Oppsss nadulas sa kamay ko hindi kasi kita napansin eh.oh 'to pa oh masarap daw 'tong pagkain kasi bagong gawa nila" pagkatapos nyang sabihin yun tinapon nya sa mukha ko mismo yung pagkain na hawak nya tinawanan naman nya ako ng malutong

Yung iba naman natatawa na sa ginawa ni violet sa'kin kaya naman tumayo ako at hinarap sya

"Hindi yun nakakatuwa!" Galit kong sabi sa kanya tsaka hinawakan ang kabila nyang braso ng madiin

"A-ano ba-nasasaktan ako" sabi na lamang ni violet pero hindi ko sya pinansin

"Hindi porket gusto kita may ay mali mahal pala!!! May karapatan ka nang gaguhin ako at paglaruan napupuno na ako sayo!" Sigaw ko kaya naman yung cafe napuno na ng mga tao yung iba namimicture pa pero wala akong pake

Sinampal naman ako ni violet tsaka galit na tumingin sa'kin

"Wag na wag mo akong hahawakan!! Ang lakas naman din ng loob mo para pagsalitaan ako ng mga ganyan.bakit kasi ayaw mo pang tanggapin na walang nagmamahal sayo dahil isa kang lesbian.nakakadiri ka!!" Pagkasabi nya nun may dalawang lalaki ang biglang nanuntok sa'kin kaya ang ending

Nahimatay.

Love me backTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon