chapter 11

4.4K 148 8
                                    


Mahigpit kong hinahawakan ang mga kamay nya.nakakainis bakit naman sya pumupunta dito? Sino naman kaya kasama nya?

"Bitawan mo nga ako! Ano ba nangangati ako" bulyaw nya sa'kin kaya matalim ko syang tiningnan

"Nangangati? Kaya ba nandito ka sa dis oras nang gabi tsaka tingnan mo nga yang suot mo hindi moba alam na nahihipuan kana habang enjoy na enjoy kang sumasayaw?" Galit kong sabi niluwagan kona din ang paghawak sa kanyang mga kamay

"pinagsasabi mo dyan.nangangati yung likod ko hindi ako maka kamot dahil hawak mo po kasi yung kamay ko" inis ako nitong tiningnan

Akmang aalis na sya nang mahawakan ko ang mga kamay nya

"Saan ka nanaman pupunta? Tara na ihahatid na kita" hindi kona hinintay ang sagot nya at hinila 'to papunta sa kotse ko

Hindi naman sya pumalag nang makapasok na kami sa loob ng sasakyan

"Hindi ko alam na ang hilig mo pala sa alak lagi kana lang naglalasing Ano bang problema mo?" Habang nag da-drive ako ay pasimple ko 'tong sinusulyapan

"Nagmama-ang maangan kapa dyan alam ko namang alam mo ang lahat tungkol sa'kin" sa sinabi nyang yun napatigil ako paano naman?

"See? Pati condo ko alam na alam mo tsk ikaw lang ata ang nakaka alam nito" saad pa nya hindi ako makatingin sa kanya nang diretso

"Ahm sige aalis na ako.wag kana lumabas ah? Baka mapahamak kapa" bastos mang hindi kona hinintay yung sagot nya tsaka patakbong tumungo sa aking sasakyan

Hala bakit naka ngiti yun? Damn! First time mangyari yun Anong meron?

Pagkagising ko napahawak ako sa aking ulo at dahan dahang tumayo
Tamang tama lang dahil tumunog din yung cellphone ko kaya naman tamad ko 'tong kinuha at sinagot

'Woy walanghiya ka bakit mo nanaman kami iniwan kagabi? Alam moba na muntik na kaming ma rape? Alam mo ba na--' bungad agad na sabi ni chris baklang to!

"Mamaya na tayo mag-usap chris bye." Pinatayan kona 'to nang tawag tsaka pumuntang banyo para makapag handa na papunta sa univ

Ganun pa din ang ginagawa ko naglalakad papunta sa univ kahit medyo may kalayuan ang lalakarin nagtaka naman ako ng may natanaw akong isang sasakyan

"Nandito kana pala bakit ang tagal tagal mo? Oh ipasok mo na yan sa loob" sabay hagis sa'kin nang susi ni babaeng kulay

"At bakit naman ako ang magpapasok sa loob nyan? kotse koba yan? kotse ko?" Kakaiba ang aura nya ngayon

"Edi wag akin na nga hmmp! Tabi ang arte pasalamat ka nga ikaw pa lang makakasakay sa kotse ko bukod sa'kin" binunggo pa ako nito tsaka sya pumasok sa kotse nya at sya na ang nagmaneho nito

Ang labo naman nun.sinabi nyang layuan ko sya pero bakit sya lumalapit?

"Yan dito pa kulang pa yan sabunutan mo zald lagyan mo nang lipstick hindi dyan dito" pagpasok ko agad sa room hindi ko alam na inaabangan na pala nila ako

Ginawa lang naman nila sa'kin nilagyan ako nang lipstick sa mukha tsaka kinalat talaga sa kabuohan kong mukha ginulo pa nila yung buhok ko at nilalagyan ng pulbo

Mga walanghiya ginawa pa akong laruan.mukhang may balak silang mag advance sa november One

"Hahahaha Anong ginagawa mue?"

"Wahahahaha putcha sumakit bigla pantog ko haha"

"Uy ang panget mona lalo"

Nakita nang mga kaklase ko ang ginagawa sa'kin nila chris kaya ganyan na lang ang reaksyon nila

Hindi ko naman sinasadyang maiwan ko sila sa bar kagabi may nakita lang kasi ako.tsaka yung sinasabi nilang muntikan na sila ma rape? Hinabol pala sila nang mga babaeng tambay sa kanto mga matanda na daw 'to at may mga hawak pa daw na patalim

"Sa susunod pa talagang iwanan mopa kami duon? Malala na dyan ang gagawin namin" parang nanay na sabi ni chris kaya napatango na lang ako

nag uumpisa nang mangati yung mukha ko dahil sa mga pinaglalagay nila zalde kaya nag paalam na ako sa kanilang mag c-cr muna

"Mga buset na yun.tsk makakaganti din ako sa kanila" sabi ko sa harap nang salamin bigla din akong naihi kaya pumasok ako sa isang pintuan

"Ano na inumpisahan naba nya yung plano? Nakita ko kasing nag uusap sila" pamilyar nanamang boses ang naririnig ko

"Ewan ko girl.hayaan na daw muna natin syang dumiskarte para namang wala kang tiwala eh? Nagawa na nya yun kay marcus diba? Duon pa kaya sa isang hampas lupa pa?" Mga pamilyar na boses ang naririnig ko kaya sumilip din ako sa butas pero wala na ang mga 'to

Kailan lang pinag uusapan nila si violet tapos ngayon si marcus? tsaka anong plano? Sinong hampaslupa? Nanghahampas na pala ngayon yung lupa?

Nilisan ko ang lugar na yun na may pagtataka pa din dahil sa aking mga narinig

"Oh anyare dyan sa pagmumukha mo?" Tanong sa'kin ni zalde

"Ahm wala lang 'to wag nyo na ko pansinin" tumango naman yung dalawa maya maya pa'y nagsalita ulit si zalde

"Gael bakit mo daw hindi sinasagot yung tawag ni alexandra? Grabe ka dyosa na yung naghahabol sayo" hindi ata nila pansin na iniiwasan ko si alex

"Tsk hindi sya yung mga tipo ko" nakataas kilay kong sagot sabay balik ulit sa upuan

--
Sorry sa late update kasi naman busy si author kakabakasyon inuna yung bakasyon kesa sa pag-aaral?😁😂

Love me backTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon