"Hmm hmm hmm" masaya akong naglalakad papunta sa room nang may biglang humarang sa dadaanan ko
"Tumabi ka nga dyan! Ma le-late na ako" sigaw ko sa taong nasa harapan ko ngayon.pero parang wala lang syang narinig at nakaharang pa din
Minsan talaga nagiging pangit ang ugali ko lalo na't pangit din naman ang ugali nang kaharap ko
"Aba hindi kapa ba nadadala? Pina bugbug na kita nung nakaraan ah?" Mataman ko lang 'tong tiningnan
"Wala akong panahon para maki pag away sayo marcus,kaya tumabi kana dyan male-late na ako" lalagpasan kona lang sana sya pero hinawakan nya ako sa balikat
"Binabalaan kita layuan mo ang girlfriend ko kung hindi..hindi mo magugustuhan ang mangyayari sayo" nakangisi nyang sabi tsaka naglakad palayo
"Puta ang lakas naman nang loob nung kumag na yun! Sinabihan kapa talagang layuan mo si violet samantalang si violet na yung lumalapit sayo?" Kinuwento ko kasi sa kanila yung nangyari kanina nagalit sila
Mahigit isang linggo na din akong binubully ni marcus pero nandyan na yung ipapahiya ka tungkol sa kasarian mo,tungkol sa estado mo sa buhay etc.pero kahit na ganun marami pa din ang may gusto sa'kin
Nakakapagtaka lang naman kasi yung dati kong hinahabol-habol ako naman ngayon yung hinahabol? Sinabihan pa akong layuan sya na ginawa ko naman pero sya naman 'tong lapit nang lapit .may kakaiba
"Gael 'to lang ang masasabi ko sayo alam kong sinusubukan mong iwasan si violet kahit na minsan nahuhuli ka naming nakatitig sa kanya.wag kang magtitiwala sa kanya kakaiba kasi ang pakiramdam ko sa kanya parang wala syang gagawing mabuti sayo" mahabang sabi ni chris kaya napa isip naman ako
"Salamat mga parekoy palagi kayong nandyan" pareho ko silang inakbayam
"Wala yun gael basta mag iingat kana duon sa babaeng kulay iba pakiramdam ko" nakangiti ko lang namang tinanguan si chris
"Wait!! Hey Ano ba wala kabang naririnig!!" Buset na babaeng 'to kaya ako napapahamak.mas binilisan kopa ang lakad ko hindi na ata lakad ang ginagawa ko patakbo na
"Hoy!!!" Inis akong huminto tsaka nilingon ko ang pwesto nya
"Bakit kaba lapit nang lapit? Halos patayin na ako ng boyfriend mo" tumawa naman 'to na akala mo may nakakatawa sa sinabi ko
"Hahaha sorry ahm kasi si marcus nung isang linggo ko pa sya hiniwalayan" hindi ko mahanap kung saang angulo ang nakakatawa
"Tsk kaya naman pala" maglalakad na sana ako nang hawakan nya ako sa kamay
"Wag ka mag-alala simula ngayon hindi kana nya pwedeng ibully.samahan mo ako sa cafe tara" nagulat ako ng hinila na nya ako at ang mas nakakagulat pa'y sya na mismo ang humahawak sa'kin?
Oh pare nasa panaginip paba ako?
"Gael! Sabihin mo nga sa'min.kayo naba ni violet?" Nagulat naman ako sa biglaang pagsulpot ni chris kasama nya si zalde na nasa likod nya
"Anong pinagsasabi mo dyan? Hinila lang nya ako kaya wala na akong nagawa" sagot ko
"Diba sinabi namin--" pa ulit ulit na lang nyang sinasabi yan
"Oo na oo na. Hindi ko naman kasi maiwasang mahalin pa sya lalo.kahit na sinabi kong tama na ang pagiging tanga ko para sa kanya kaya lang wala hindi kopa pala kaya mga parekoy.masaya ako kasi sya na mismo ang lumalapit sa'kin na dati ko pang gusto,oh diba sino ba namang makaka move-on duon?" Nakangiti na pala ako habang sinasabi ko ang mga katagang yun
"Ibang klase ka gael,pinahiya kana lahat-lahat.ipinagtabuyan,sinaktan pero bakit nahuhulog kapa sa kanya? Akala koba iiwasan mona sya?kakalimutan? Pero ano 'to? Isa 'tong kalokohan gael" galit na sabi ni zalde
"Tama na zald,wala na tayong magagawa kaibigan lang naman nya tayo.sarili nyang desisyon yan suportahan na lang natin sya sa bagay na yan" mabuti naman at sumang ayon si chris
"Hayst tsk, 'to lang masasabi ko sayo kapag yan! Nasaktan ka nanaman dahil kay violet wag kang mag-eemote sa'min ni chris kundi masasapak kita" niyakap konaman silang dalawa tsaka nagpasalamat kahit kailan talaga.
Lumipas ang araw naging ganun na ang salubong sa'kin nandyan na yung sasabay sya sa'king maglakad ,pumunta sa cafe para kumain at kasamang umuwi nakakatuwang isipin ang mga ganun pero hindi pa din mawala sa isip ko ang palaging payo sa'kin nila chris
Hindi daw maganda ang kutob nya kay violet.nakaka pagtaka nga daw dahil bigla 'tong lumapit sa'kin.samantalang kilala syang ayaw na ayaw sa mga baluktot na tao
"Tapos ano? Kasabay nanaman yang violet na yan?ako ngang palagi kong nakikita yung mukha nun nagsasawa na ako sa pagmumukha pero ikaw?" Umiiling na lang ako dahil hindi talaga nila gusto si violet para sa'kin
"Magka iba naman kasi yun chris.ikaw naiinis kay violet sya naman inlove na inlove kay violet kaya hindi sya nagsasawa sa mukha nun" gatong pa ni zald uupakan ko sana kaya lang sinamaan ako ng tingin
"Tumigil nga kayo dyan.wala kasing nagmamahal sa inyo haha.tingnan nyo ako! Oh edi sya na mismo ang lumalapit" sabay kuha ng chips
"Aba ang yabang mo.marami kaya kaming babae halos hindi na nga mabilang" tinirikan ko lang sya ng mata madami daw? Malandi kasi kaya ganun
"Kami? Wag mo akong idamay chris stick to one lang ako" sabi ni zald kaya natawa na kaming tatlo
kinabukas maaga akong nagising dahil na tripan ko lang hindi ko alam kung bakit
nang makapasok na ako sa gate ng univ palinga linga ako at hinahanap ang babaeng nagpapaligaya sa araw ko
"Basta yung deal natin alam ko malapit na nya yun magawa" nakatayo lang ako habang palinga linga pero napadaan sa harapan ko ang tatlong babae na akala mo nakalunok ng speaker
"Ayan hindi nagparamdam yang violet mo no? Wala na yun lumandi na yun" tiningnan ko ng masama si zalde tumawa lang naman sya
Kanina pa kasi ako wala sa sarili iniisip ko kasi si violet dahil hanggang ngayon hindi kopa din sya nakikita.hanggang mag uwian na pero wala pa din sya malungkot tuloy akong umuwi mag-isa
--
Hoho ?😂
yung relasyon nyong parang bagong bili na sapatos? Sa una inaalagaan kapa lagi kang binibigyan ng atensyon,iniingatan pero kapag sawa na at may bago na ulit na sapatos hindi kana napapansin kinukulang na sa atensyon sa huli.. pinagpalit ka din sa iba😢

BINABASA MO ANG
Love me back
Romansamahal mo? pero paano na lang kung hindi ka nya kayang mahalin kagaya ng pagmamahal mo sa kanya? mahal ka! pero hindi mo s'ya kayang mahalin dahil lang sa pagkatao nya..paano kung ang taong nagmamahal sa'yo ay napagod na at handa ka ng palayain? mak...