Nag aabang lang ako na lumabas si violet dahil kailangan ko syang makausap.gusto kong layuan nya yung marcus na yun.matapos syang saktan!ilang sandali pa'y nakita kona sya na lumabas galing sa room nila na nakangiti.napatitig ako dito dahil pangalawang beses kopa lang sya nakita na ngumiti nilapitan kona agad sya
"Violet pwede ba tayo mag usap?" kabado kong sabi dahil yung kaninang ngiti nya ay biglang naglaho
Ng makita nya ako"Ikaw nanaman? Bullshit kailan moba talaga ako titigilan at lalayuan ha!! Napaka ambisyosa mo.uulitin ko lang sayo na hindi ako papatol sayo kaya ngayon pa lang nakikiusap na ako sayo tigilan mona ako!!" Bigla syang sumigaw na tamang tama lang dahil narinig yun ni marcus
"Aba putangna mo.layuan mo nga yang girlfriend ko" sabi ni marcus sabay suntok nanaman sa'kin
Lumapit din sa'kin si violet at sa kahuli hulihang pagkakataon nasampal nanaman ako
"Brando alisin mo nga 'tong mahirap na nakakadiri at salot dito sa harapan namin" utos ni marcus sa kasama nya kaya agad silang sumunod pero nagpumiglas ako
"V-violet bak-kit sya pa din? Lolo-kohin ka lang nyan" sigaw ko habang nagpupumiglas
"sinasabi mo lang yan kasi naiinggit ka.bakit kasi hindi mona lang tanggapin na ako!! Ako ang mahal ni violet at ikaw hinding hindi ka nya mamahalin" duro sa'kin ni marcus tsaka sya bumaling kay violet.
"tama na! Hindi sya manloloko.Sya lang ang mahal ko" sabi naman ni violet at dahan dahang nilapit ang mukha kay marcus
Naghalikan sila mismo sa harapan ko at kitang kita ko si marcus na nakangiti pa na tumingin sa'kin habang naghahalikan sila ni violet
masakit na masyado ang nakikita ko.argh siguro nga tama si chris tama na ang pagiging tanga.tama na ang lahat ng 'to.kung saan sya masaya hahayaan kona lang sya
"Wag kasing maghangad ng mataas brad" bulong ng kasama ni marcus na nakahawak sa'kin
Hindi ko namalayan na lumuluha na pala ako kaya pinipigilan ko pero sadyang masakit sila sa mata
"Tama na bitawan nyo na ako." Sabi ko na lang kaya lumuwag yung pagkakahawak nila sa'kin
"Sige masaya ka dyan.simula ngayon kakalimutan na kita" bulong na sabi kona lang sa hangin tsaka dali daling tumakbo papalabas
Parang nanghihina na ako parang ngayon ko lang nalabas lahat ng sakit para kay violet
![](https://img.wattpad.com/cover/162719694-288-k246341.jpg)
BINABASA MO ANG
Love me back
Romancemahal mo? pero paano na lang kung hindi ka nya kayang mahalin kagaya ng pagmamahal mo sa kanya? mahal ka! pero hindi mo s'ya kayang mahalin dahil lang sa pagkatao nya..paano kung ang taong nagmamahal sa'yo ay napagod na at handa ka ng palayain? mak...