"Tapos 'to pa ah! umungol pa yung babae grabe parekoy haha" inip na inip naman ako habang nakatingin lang sa mga punoNandito kasi kami sa univ.at 'tong mga kasama ko silang dalawa lang ang nagkakaintindihan dahil sa nangyari kagabi
Hindi kopa nga pala nasasabi sa inyo. tatlo kaming intersex kaya ganyan na lang sila kung makapag paligaya sa ibang babae
Bihira lang mangyari ang mga ganito
"Oo nga mukhang hindi naka score kagabi kay eva" natatawang sabi ni zalde tsaka sila nag apir na parang tanga
Hindi kona lang sila pinansin at tinutok na ulit ang paningin sa mga puno hindi sinasadyang nahagip ko ang babaeng dahilan kung bakit masakit pa din hanggang ngayon ang puso ko
Naglalakad 'to kasama ang mga bago nyang alipores pero may nagbago sa kanya na hindi ko mapuna
"yan na nga ba ang sinasabi eh.ano nagbalik naba--hmm mukhang hindi naman ata nawala yun" magulong pagkakasabi ni chris pero ako nakatingin pa din kay violet
"Hayst Gael? Kinakamusta ka nga pala ni eva tsaka sorry daw" bigla ko nabaling ang tingin ko kay chris na abala sa pagtitipa sa cellphone nya
"Sinong eva naman yan? Wag mong sabihin na isa yan sa naikama mona?" Kunot noo kong tanong na kinasama ng tingin sa'kin
"Sanay kana talagang iwan kami duon sa bar..mabuti na lang nag text si eva na magkasama daw kayo kaya ok na" hindi ko sya maintindihan
"Sino bang--" natigil ako nang maalala ko yung babaeng natapilok at ubod nang sungit
"Yun ba si eva? Paki sabi ok lang ako tsaka sabihin mo walang dapat ika sorry" tumango naman si chris sabay baling nang tingin sa cellphone ulit
Binalikan ko yung tinitingnan ko kanina pero nawala na sya.bigla naman akong nalungkot dahil hindi ko alam kung hanggang kailan pa ako tatagal dito
"Move on kana kasi gael hintayin mona lang yung babaeng para sayo malay mo naman nakilala mo na sya pero duon ka pa din sa violet na yan nakatingin.uso kalimutan yung mga taong sinasaktan ka lang.dapat sa mga yan ipabugbug kay berna" naiiling naman ako kay zalde sa haba nang mga sinabi nya
"Sinong berna? Bago mong girlfriend?" Tanong ko kahit wala pa ako medyo sa katinuan
"Putcha ka! Wag na uy mas mabuti pang duon na lang ako sa sementeryo" malayong sagot nito kaya natawa si chris pero ako? Hindi nakakatawa yun
Lumipas ang mga oras at natapos na ang last subject ko kaya naman dali dali kong sinukbit yung bag ko sa isa kong balikat.wala naman akong dapat iligpit dahil wala naman akong nilalabas na gamit.palabas na dapat ako nang mag ring yung cellphone ko sa bulsa kaya naman tumingin muna ako sa paligid bago sinagot ang tawag
"Hello?kuya xa-nder? Ka-kailan k-ka pa naka uwi? Kuya hindi pa ako handa para umuwi sa bahay.oo yun nga yung sinabi ko.dalawang linggo na lang kuya promise ok" binabaan kona sya dahil nakakainis
Sya nga pala yung kuya xander ko medyo seryoso at hindi mo madadaan sa biro.pinapauwi na din kasi nya ako dahil namimiss na ako ni mom at dad pero parang may pumipigil sa'kin kaya humingi pa muna ako nang dalawang linggo
naglakad na ako palabas nang room dahil ako na lang mag-isa.habang naglalakad na ako bigla namang sumakit yung pantog ko kaya nagmamadali akong bumalik tsaka hinanap yung cr
Nang makita kona ang Cr nang pambabae? Oo duon pa din ako umiihi dahil ang alam nila babae ako baka iba isipin nila kapag nakita ako sa cr nang mga lalaki
Nakatayo lang akong umihi habang nakangiti.pagkatapos ko,agad akong naghanap nang tissue para ipunas sa alam nyo na
Lalabas na ako nang biglang may pumasok na kababaihan kaya napasara tuloy ulit ako nang pinto tsaka nagtago
Hindi ko alam pero parang may nagsasabi sa'king "dyan ka lang".
"Sure akong papayag si violet.tsaka alam kong patay na patay yun sa pinsan kong si emron" paguumpisa nang babae dahilan para idikit ko ang tenga ko sa pinto narinig ko lang kasi pangalan ni violet
"Hmmp para ngang nagningning pa yung mga mata nya ng sabihin mong tutulungan mo si violet para mapalapit kay emron" sabi din nang babae sinilip ko sila sa butas at nakita kong abala sila sa harap ng salamin
"Aayaw paba sya sa? Pinsan kona yung inaalok ko haha" sagot naman ng babae kanina.narinig kong umingay ang pinto kaya sumilip ulit ako nakita kong wala na yung dalawang babae
Hmm.bakit naman nila pinag-uusapan si violet?
"violet ka nanaman wala nang laman yang utak mo dahil puro violet na ang laman.kaya lagi kang mababa sa exam" mahinang sabi ko sa sarili ko at para na akong baliw
Anong ibig sabihin nang mga pinag-usapan ng dalawang babae kanina?

BINABASA MO ANG
Love me back
Romansamahal mo? pero paano na lang kung hindi ka nya kayang mahalin kagaya ng pagmamahal mo sa kanya? mahal ka! pero hindi mo s'ya kayang mahalin dahil lang sa pagkatao nya..paano kung ang taong nagmamahal sa'yo ay napagod na at handa ka ng palayain? mak...