"Anak? May gusto sana kaming sabihin sayo" biglang may nagsalita mula sa bukas na pinto hindi ko pala nasarado 'to
"Dad sige po ano yun?" Nakangiti kong tanong sabay ayos ng mga unan ko sa kama namiss ko din 'tong kwarto ko ah!
Huminga muna sya nang malalim bago magsalitang muli "Gusto sana namin ng mommy mo na ipakilala ka sa mga ka-business partners namin tsaka anak gusto kong makilala nila ang anak kong mana sa'kin" tumayo ako at lumapit kay daddy
"ok lang naman sa'kin dad tsaka sayo naman talaga ako nagmana hindi nga lang sa chix" natawa ako nang mahina pero 'tong kausap ko seryoso naman
"Sabihin mo may nangyari ba sayo? Sinong nanakit sayo? Sumagot ka" napatigil ako tsaka tumikhim nakakatakot talaga sila ni mom
"Ah hehe wala yun dad nagbibiro lang naman ako"mukhang hindi pa din sya kumbinsido sa sinabi ko
"Ok dad simple lang ang sasabihin ko sayo pero masakit lang na may mahal ka--" hindi pa man ako tapos nang magsalita sya
"Mahal? Bagong salita yan anak saan mo natutunan yan?" Kung kailan seryoso na ako dito sya naman ngayong ang magbibiro
"Dadddd! Seryoso ako.. so ayun nga may mahal ako pero hindi nya ako kayang mahalin" malungkot akong tumingin kay dad na ngayon ay naaawa sa lagay ko
"Alam mo anak. Wag kang sumuko kung sino man yang tao na yan , patunayan mo sa kanyang totoo ang nararamdaman mo para sa kanya" kung alam mo lang dad
"Hindi ko naman sya sinukuan dad pero sya na mismo ang nagbibigay ng dahilan para sukuan ko sya. Marami akong tiniis halos nagmumukha na nga akong disperado" tinapik lang ni dad ang balikat ko
"sinong maswerte na dilag naman yan anak?" Pilit muna akong ngumiti
"Si violet dad" sinabi ko ang pangalan ni violet pero yung mukha ni dad napalitan ng saya? Wtf?
"Violet? Kilala ko sya. Nakasama na sya sa business trip ng tatay nya"tumango naman ako wala naman akong pake duon
"Welcome back! Gael" sigaw ng mga tangengot kong kaibigan
bukod kasi kila zalde at kay traydor(chris) may naging kaibigan na din ako
"Uhm hello guys salamat" tumakbo sila papunta sa pwesto ko tsaka tinadtad ng halik sa pisnge yakk halo-halo na yung laway nila sa pisnge ko!
"Hindi kana nag gagawi dito sa bar bakit wala kana bang pera? Libre naman basta ikaw" saad ni jalen. Si jalen ay isang kalahating kabayo. Djk lang kalahating babe at barako
"Haha hindi naman sa ganun. Nagbabagong buhay lang" umupo ako sa tabi ni elyza na tahimik lang
"Hi lyza? Tahimik mo?" Mahinang bulong ko umusog naman sya ng konti palayo sa'kin
Sa totoo lang hindi kami close nitong si elyza.siguro ayaw nya sa mga tulad ko Ang ganda kasi nitong si elyza mga 5'9 ata ang height nito pero ako nasa mga 6 na haha!
"Kung makasabi ng nagbabagong buhay bakit lumuma naba yung buhay mo ngayon?" Ok hindi ko gets yung sinabi ni jalen
"Slow talaga.sa pagka slow mo hindi mo namamalayang may nagkakagusto na hksbxuwkzmppp!!" mula sa pagkakaupo maagap na tumayo si elyza tsaka tinakpan yung bibig ni jalen
"Jalen baka nakakalimutan mong alam ko din ang baho mo kaya kung ako sayo tatahimik ako" palinga lingang sabi ni elyza pero nakatakip pa din yung kamay nya duon sa bibig ni jalen
Marahan lang na tumango si jalen dahil duon bumalik sa pagkakaupo si elyza at agad ininom ang alak
"Nga pala jal.nasaan na sila yna,toper,snow?" Nandito pa kasi sila kanina pagdating ko
"Si yna nasa kabilang table si toper naghahanap ng maalog na pwet at higit sa lahat si snow giniginaw kaya umuwi na" parang wala lang nyang sabi sayang naman umuwi agad si snow
"Kapatid!!! Halika may ipapakilala ako sayo chix 'to siguro magugustuhan mo sya" kakauwi ko lang at halos mabalian na ako ng buto sa pagkakahila ni kuya
Huminto kami sa kusina may narinig akong tawanan na akala mo wala nang bukas at 'tong kasama ko hinila ulit ako papunta duon
"Mom nandito na si Gael , ah elise 'to yung sinasabi ko sayong kapatid ko" humarap yung babae na nakangiti pero agad ding napalitan ng gulat maski ako
Magkakilala sila ni kuya tsaka bakit elise samantalang elyza ang pangalan nya?
"Oh gael kilala ko na sya zanzan kung nagtataka kung bakit elise second name ko kasi yung elyza" tumango naman ako at napadako ang tingin ko kay mommy na nakangiti .
"Eh bagay" bulong lang yun pero rinig kopa din
"hmmm mom diba sabi mo may pupuntahan tayong resort? Tara na po baka magsarado na" tsaka tumingin si kuya sa suot nyang relo
"Oh my oo nga anak let's go" magsasalita na sana ako pero tumakbo na silang dalawa nyare?
Kami na lang tuloy ni elyza yung tao dito sa kusina tsk!
"Ahem!!! Paano kayo nagkakilala ni kuya?" Tumingin 'to na akala mo may sinasabi ang kanyang mga mata eh? Hate kopa naman yung tinititigan ako ng matagal
"Sa bar lang. Tsaka hindi mona ako natatandaan no? Sabagay matagal na din kasi yun" may pagtataka ko 'tong tiningnan
"Tatandaan? Edi ba bago palang kita nakilala? Lagi ka ata sa bar tsaka kung--" nagulat ako ng lumapit 'to at hinalikan ako ng mapusok
Tinutulak ko sya pero patuloy lang 'to sa paghalik sa'kin
"Hmmey hmmna(hey tamana)"at sa wakas natigil kona din ang kahibangan nya
"Ano ang ibig sabihin ng nakita ko?"
Isang malamig na boses ang parehong nagpalingon sa'min ni elyza
Napabulong na lang ako sa hangin at bigla kona lang nasabi ang pangalan nya
"Violet?"
![](https://img.wattpad.com/cover/162719694-288-k246341.jpg)
BINABASA MO ANG
Love me back
Romancemahal mo? pero paano na lang kung hindi ka nya kayang mahalin kagaya ng pagmamahal mo sa kanya? mahal ka! pero hindi mo s'ya kayang mahalin dahil lang sa pagkatao nya..paano kung ang taong nagmamahal sa'yo ay napagod na at handa ka ng palayain? mak...