Year 2007-2008
“ano ba naman itong grades na to! Puro palakol! Paano ka matatanggap nito pag highschool ka na?”
“ Hindi naman mataas standard dun.” Sabi ko ng walang gana.
“kahit na, ano na lang ang iisipin ng mga teacher pag nakita nila itong grades mo aber?!”
Blah,blah,blah,blah,blah, naririnig ko na naman ang sermon ni mama kesho daw ang baba ng grades ko, hindi daw ako nag-aaral ng mabuti, ang tamad-tamad ko daw, eh kasalanan ko bang hindi ako matalino? eh hindi naman kasi ako gifted noh… para saan pa ang pag-aaral kung hindi naman ako matalino? bagay lang iyan sa mga matatalino at wala akong lugar para doon. Sawang-sawa na ako satuwing ikinukumpara ako ni mama sa mga kapatid kong matatalino. At sawang-sawa na rin ako sa mga kaklase kong mayayabang na wala ng ibang ginawa kung hindi tuksuin akong kamote! Madalas kasi akong itlog sa mga quizzes namin. Madalas ko ngang nakakaaway ang mga lalaki kesa sa babae, may pagka-Boyish kasi ako. Grade 6 ako at graduating na. Sana naman wala akong bagsak. Okay lang maka-75 na grade kesa ang bumagsak noh!
“ Naku Janelle, ayusin mo iyan huh graduating ka aasahan ko iyan!”
Kinuha na ni mama yung bag niya sa Table at saka na lumabas ng pinto dahil may trabaho pa siya.
“ate! Hindi ka ba nagsasawa na laging 77 yung average mo sa card?”
“Bakit naman ako magsasawa?! Achievement na rin yun noh, buti nga nakakapasa pa!”
Sabi ko habang nakaupo sa sofa at kumakain ng Piatos.
Palibhasa kasi mataas lagi ang average niya, siya na matalino! Ang yabang! Sister ko siya at isang taon lang ang gap namin. Mas maputi siya sa akin at bilugan ang kanyang mukha, medyo bilog ang mga mata niya at ako naman ay singkit hindi kami masyadong magkamukha dahil nagmana siya kay mama na may pagka-mestiza at ako naman sa papa ko na Filipino-chinese.
“Grabe ka ate! Baba talaga ng standard mo di mo ako gayahin, matalino na pogi pa!” nag pogi sign pa talaga siya at sabay kindat!
“ang kapal ng mukha! Mahiya ka nga sa aso!” binato ko siya ng unan at sapul talaga sa mukha niya! :D Siya ang Brother ko 4 years ang gap namin, Lagi kami niyang nag-aasaran. Kung titingnan nga parang kami lang ang dalawang boys at isa lang ang girl yung sister namin. Singkit din siya, kami talaga ang magkamukha at medyo matangkad siya sa akin ng konti, patpatin nga lang. -_- Sa totoo lang sa bahay lang ako siga at pagdating sa school nagiging girly na ako. Ayoko lang talaga ipakita sa kanila yung boyish side ko. Pero minsan naipapakita ko rin kapag may nakakaaway akong lalaki sa amin.
-Graduating day-
Sa wakas dumating din ang araw ng Graduation! Ang Pinakahihintay ni Mama -_-
“Ayan okay na, teka parang may kulang. Teka lagyan natin ng konting Blush on.”
“Okay na ito Ma!”
“Ano ka ba kailangan magandang maganda ka ngayon kasi araw ito ng Graduation mo.”
“Malulusaw rin naman ito mamaya sa init eh..”
-Fast forward-
Nandito na kami ngayon sa school ni Mama. At napakaraming studyante at Magulang na narito. Mga guro na sobrang busy sa paghahanda ng mga Decorations at mga studyanteng libang na libang magpakuha ng mga litrato. Sino kaya yung lalaking pinagkakaguluhan nila? Nagpapa-Picture pa sila akala mo naman artista, Schoolmate lang din naman.
BINABASA MO ANG
When I Met You
Teen FictionPaano kung isang araw malaman mo na lang na In-love ka na pala sa Idol mo? At higit sa lahat siya ang dahilan kung bakit nagbago ang pananaw mo sa buhay. Yung taong nagsilbing inspirasyon mo at Yung taong Kumumpleto ng pagkatao mo. Handa ka bang Ip...