Dumating na ang araw ng Foundation ng School namin. Napakaraming tao ngayon, at marami ring booth. Mukhang magiging masaya talaga ang lahat. Nagsimula na ang Parade at nasa unahan ako. Nakangiti ako habang tumutugtog. Pero ang pinakaharap talaga ay ang Baton. Si Monica pala ang nasa harap, nagbabaton. Hindi ko alam kung bakit siya sumali.
“Go, Janelle!” Sigaw nila Saymon, Grace at April. Nakita ko rin si Arvin. Ngumiti siya sa akin at nginitian ko rin siya.
------
Nung matapos na ang parade nakauwi na ako sa bahay.
“haaay, nakakapagod.” Humiga agad ako sa kama ko. Naalala ko yung panyo na binigay sakin dati ni Arvin. Bigla kong hinanap yun sa mga gamit ko at nung Makita ko na napangiti na lang ako. Itinabi ko yun sa unan ko at natulog na.
-------
Malapit na ang Graduation namin, habang nalalapit iyon lalo akong kinakabahan. Nandito kami ngayon sa Bleachers nila Saymon,Grace at April habang kumakain. sa atin sila Monica at Arvin.” Panimula ni saymon.
“Baka busy lang sila.” Sabi ko naman kay Saymon.
“Ah…akala ko nga may gusto yun sa’yo dati eh.”
Bigla akong nasamid.
“Okay ka lang?” tanong ni Apriil.
Nag okay sign naman ako.
“Paano mo naman nasabi yun?” usisa naman ni Grace.
“Eh kasi dati madalas ko siyang mahuling nakatingin kay Janelle.”
Bigla akong na curious sa sinabi niya. Di kaya may gusto rin siya sa akin? Sana……Sana nga.
“Eh baka nga may gusto talaga siya kay Janelle?!” sabi naman ni Grace.
“HINDI PWEDE YUN!” Sigaw ni Saymon. Pinagtinginan tuloy kami ng mga studyante.
“Bakit naman hindi?” tanong ni April.
“Eh kasi…….hindi sila bagay, Oo tama hindi sila bagay.”
Bigla akong tumayo.
“Bakit? Dahil ba sa Matalino siya at TANGA ako? Hindi ba talaga pwede iyon? Bakit ba ang Unfair ng Mundo?!” Umalis ako ng umiiyak.
“Jane!..”
Tinatawag nila ako pero di na ako lumingon.
-Fast forward-
“Ma, paano ba kayo nagkatuluyan ni Papa?”
“hmmm…Simple lang, ako yung nag confess.”
“Talaga Ma? Anong Reaction ni Papa?”
“Hahaha nakakatawa ang Reaction niya, sobrang nagulat siya at pulang pula.”
“Hahaha, nakakatawa naman si Papa. Ma, hindi ka ba nag alinlangan na baka hindi ka rin gusto ni Papa?”
“Syempre natakot din ako nun. Pero syempre nilakasan ko lang ang loob ko, wala akong pakielam kung ano isasagot niya basta masabi ko lang ang nararamdaman ko sa kanya. Ganun ako katapang nung panahon na iyon. Alam mo kung mahal mo ang isang Tao, huwag kang matakot na sabihin iyon kasi baka magsisi ka. Ano naman kung I-reject ka niya? Kesa naman habang buhay mong itago yang nararamdaman mo. Minsan kasi hindi sa lahat ng oras lalaki dapat ang magtapat ng nararamdaman nila. Mas maganda kung minsan tayo ring mga babae.”
Napangiti ako sa sinabi ni Mama. At nakakuha rin ng lakas ng loob.
“Thank you Ma!” sabay kiss ko sa kanya at dumiretso na ng kwarto.
-------
GRADUATION DAY
“Janelle Good luck sa’yo kaya mo iyan.” Sabi sa akin nila April.
“Salamat.”
Tapos na ang Graduation at hinahanap ko si Arvin. Nung Makita ko na si Arvin napatingin siya sa Direksyon ko at lumapit siya sa akin.
“Congrats Top 1 ka pala sa class niyo.” Bati sa akin ni Arvin.
“Congrats din dahil Valedictorian ka.”
“Salamat.”
“Jane!” lumapit sa akin si Saymon.
“Bakit ano iyon?”
“Jane, matagal ko ng gustong sabihin sa’yo ito. Pero ngayon lang ako nagkalakas ng loob. Jane, MAHAL KITA.”
Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ano sasabihin ko.
“Ah Jane, excuse me una na ako.” Singit naman ni Arvin.
Naku hindi pwede may aaminin pa ako sa’yo.
“Jane, Mahal mo rin ba ako?”
“Saymon, ano kasi…..magkaibigan tayo at ayokong masira iyon dahil lang sa nararamdaman mo. I’m Sorry.”
Paalis na sana ako nung bigla siyang nagsalita.
“Dahil ba kay Arvin? Jane Pwede bang ako na lang?”
Napayuko na lang ako.
“Sorry.” At iniwan ko na siya. Hinanap ko si Arvin.
Nakita ko siyang mag-isa at nakatulala. Nilapitan ko siya.
“Oh ikaw pala. kayo na ni Saymon noh?”
“Hindi ko siya sinagot. Mas mahalaga ang pagkakaibigan namin. At ayokong masira iyon.”
Parang nagulat siya sa sinabi ko.
“Ah….Arvin may sasabihin pala ako sa’yo.”
“Ok Ano iyon?”
Eto na sasabihin ko na.
“Arvin, Matagal ko na kasi-“.
“Arvin! Nandito ka lang pala. Oh ikaw pala Jane, may Good news ako sa’yo…. Kami na ni Arvin kanina lang.” sabi ni Monica na tuwang tuwa.
Napatingin ako kay Arvin at sa kanya.
“Kayo na pala, congrats.” Niyakap ko si Monica at kasabay nun ay ang pagtulo ng luha ko.
(Now Playing: A Friend of Mine)
“Best, bakit anong problema?”
“Hindi, masaya lang ako sa kaibigan ko dahil dati lang Crush mo siya tapos ngayon eto na Boyfriend mo na siya.”
“Salamat Best.”
“Arvin ingatan mo yung kaibigan ko huh.”
“Oo, Jane makakaasa ka. Ano nga pala yung sasabihin mo kanina?”
“Ah, gusto ko lang sana ibalik itong Panyo mo, at magpasalamat. Yun lang, sige una na ako.” Habang sinasabi ko iyan tuloy tuloy lang ang pagtulo ng luha ko. Masyadong masakit kaya umalis na ako.
Nakasalubong ko sila Grace at April.
“Jane bakit anong nangyari?”
Nilagpasan ko lang sila, gusto ko munang mapag isa.
BINABASA MO ANG
When I Met You
Teen FictionPaano kung isang araw malaman mo na lang na In-love ka na pala sa Idol mo? At higit sa lahat siya ang dahilan kung bakit nagbago ang pananaw mo sa buhay. Yung taong nagsilbing inspirasyon mo at Yung taong Kumumpleto ng pagkatao mo. Handa ka bang Ip...