Year 2011-2012
Senior Year
Lumipas na naman ang taon at ganun pa rin ang sitwasyon namin ni Arvin. Walang nagbago maliban sa naging mag kaibigan na kami. Hindi kami ganun ka close pero barkada na namin siya at parati na siyang sumasama sa amin.
“Huy Jane, anong petsa na wala pa rin bang aamin sa inyong dalawa?” Inis na tanong ni Grace sa akin.
“Bakit ako yung aamin? Paano kung hindi niya pala talaga ako gusto?”
“Eh di ba may gusto rin si Monica kay Arvin? Paano kung umamin yun at maunahan ka? Oh edi nga nga ka ngayon?” sabi naman ni April sa akin.
“Alam mo Jane Pakiramdam ko may gusto rin yan sa’yo eh, nahihiya lang magtapat. Paano kung nag-aantayan lang pala kayo?”
“Ewan ko, bahala na.”
“Jane nandiyan na yung karibal mo, sige una na kami.”
“Baliw talaga kayo, baka marinig kayo.” Umalis na sila at tumakbo naman papunta sa akin si Monica.
“Jane, I have a good news!”
“Ano iyon?”
“Jane, Feeling ko may gusto rin sa akin si Arvin.”
“Huh? Paano mo naman nasabi iyon?”
“Eh kasi kahapon, wala yung sundo ko. So si Arvin nag Volunteer na ihatid niya ako.”
“Baka naman Concern Friend lang.”
“Hindi noh, Isa pa kanina marami akong bitbit at nag volunteer si Arvin na siya raw magdadala. Oh di ba ang Sweet niya?”
“Gentleman naman talaga si Arvin.” Sabi ko habang nakatalikod at nagliligpit ng gamit.
“Teka lang, napapansin ko parang lagi kang kontra. May gusto ka ba kay Arvin?”
Bigla akong napahinto, at humarap sa kanya. Nagkatitigan kami ng ilang Segundo. At tumalikod ulit.
“Wala akong gusto sa kanya, nag aalala ako na baka umaasa ka lang.”
“Haaay buti naman, ayoko kasi ng ganung kaibigan. Salamat sa concern Jane. Kaibigan talaga kita.” Niyakap niya ako, habang nakatalikod. Napapikit na lang ako at nalungkot.
-------
Ilang araw ang lumipas at iniwasan ko si Arvin ng hindi niya nahahalata. Kasabay ng pag-iwas ko ay ang pagiging malapit nila Monica. Oo ang tanga ko at hinayaan ko sila. Mas bagay silang dalawa. Eh ako? Sino ba naman ako. Walang utak at Engot. Di tulad ni Monica, nasa kanya na lahat. Maganda, matalino, mabait at hinahangaan ng lahat. Tinuon ko na lang ang pansin ko sa pag tugtog ng Lyre. Araw-araw ako nagpra-praktis dito sa school para sa Foundation day namin. At si Arvin naman madalas nagpra-paraktis sumayaw sa kabilang court. Mag-isa akong tumutugtog ngayon, konti na lang ang tao dahil nagsiuwian na.
“Sumali ka pala sa Drum and lyre band.”
Nagulat ako at napatingin sa likod. Si Arvin pala, Matagal ko rin siyang hindi nakausap.
“Oh ikaw pala, ba’t di ka pa umuuwi?”
“May narinig kasi akong tumutugtog, ikaw pala.”
“Kamusta ka na?” Tanong ko sa kanya.
“Oo nga pala ang tagal din nating hindi nagkausap.”
“Oo nga eh, naging busy kasi.”
“Hindi ko akalain na kay Monica pala galing ang sulat na nilipad noon papunta sa akin.”
Bigla akong napatingin sa kanya.
“Sulat?”
“Oo, naikwento ko kasi sa kanya. Gusto ko kasing hanapin kung kanino galing iyon. Gusto ko sanang magpasalamat sa kanya dahil may taong naniniwala sa akin. At bigla na lang siyang umiyak at inaming sa kanya galing iyon.”
“Si-Sinabi niya iyon?”
“Nagulat nga rin ako eh.”
“Sige una na ako.” Sabi ko sa kanya at bigla na lang tumulo ang luha ko.
“Sige ingat ka.”
------
“Sabi ko na nga ba hindi mapagkakatiwalaan yang Monica na iyan eh!” Galit na sabi ni April.
“Jane Huwag ka magpapatalo sa babaeng yun.” sabi ni Grace sakin.
“Jane, Umamin ka na kay Arvin na Gusto mo siya.”
“Oo Jane tama siya, bago mahuli ang lahat.”
“Wala na akong pakielam kung kaibigan ko siya. Hindi naman niya pag-aari si Arvin. Kaya wala siyang karapatan para sabihin sa akin na hindi ko pwedeng gustuhin si Arvin.”
“Oo tama iyan Jane.”
“Ganyan nga, lumaban ka.”
“Sa araw ng Graduation aaminin ko na sa kanya.”
BINABASA MO ANG
When I Met You
Teen FictionPaano kung isang araw malaman mo na lang na In-love ka na pala sa Idol mo? At higit sa lahat siya ang dahilan kung bakit nagbago ang pananaw mo sa buhay. Yung taong nagsilbing inspirasyon mo at Yung taong Kumumpleto ng pagkatao mo. Handa ka bang Ip...