Nakasilip lang ako sa bintana namin habang nag-aabang ng Dahon na malalaglag. Ang boring kasi ng subject namin, English lalo lang tuloy sumasakit ang ulo ko.
“What is verb?” ano ba iyan ang dali naman ng tanong kahit sino masasagot iyan. Nagtaas ng kamay si Grant at tinawag naman siya ni Ma’am.
“A verb is a word or group of words that indicates action, being, or process.”
Hindi ko naintindihan ang sinabi niya dahil ang bilis niyang magsalita at tinuon ko na lang ang pag-aantay ng dahong malalaglag.
“Very Good Arvin, Ok who can give me example of verb?...anyone? hmm….Janelle Chan.”
Nagulat ako dahil narinig ko ang pangalan ko at agad naman akong tumayo.
“Yes ma’am.”
“Answer my Question.”
“Can you repeat the question ma’am?.”
“Give me example of verb.”
Bakit kailangan pa ng Example? Madali na lang intindihin yun eh… nag-isip na lang ako ng example.
“ah ma’am, the example of bird is Eagle.”
Halos lahat sila ay Humagalpak ng tawa lalong lalo na si Saymon na nakahawak pa sa tiyan at sinabayan pa ng padyak! May mali ba sa sinabi ko?
“Stop it Class! This is not a Joke! YOU Janelle get out to my class, now!” Huh?! Bakit ako? Ano bang nagawa ko?
“Ma’am what’s the problem?”
“I SAID GET OUT!”
Napayuko ako at pakiramdam ko para akong may nagawang kasalanan sa klase at ang iba sa kanila ay nakatingin sa akin na parang sinasabing “Buti nga sa’yo ang TANGA mo kasi!” Ayoko ng ganitong pakiramdam, may namumuong luha sa mga mata ko at bago pa ito bumagsak tumakbo na ako palabas ng klase.
Nandito ako ngayon sa Garden, buti na lang at walang tao. Umiiyak lang ako at iniisip ko pa rin yung nangyari kanina sobrang napahiya talaga ako sa klase.
“Okay ka lang?” napatingin ako sa kanya, si Arvin pala. Kinuha ko naman yung inabot niyang panyo.
“Salamat,Bakit ka nandito? Di ba hindi pa tapos yung klase?”
“Nagpaalam ako ng mag CR lang pero nakita kita kaya pinuntahan kita.”
“Bumalik ka na dun baka hanapin ka ni ma’am.”
“Okay lang yun, nga pala yung kanina Verb yun hindi bird.”
“Kaya pala sila nagtatawanan! Mali pala yung pagkakarinig ko.Ang tanga-tanga ko talaga kahit kailan!” Sabay hawak sa ulo ko.
“haha, okay nga eh biglang sumaya yung klase atlis hindi naging boring,si ma’am lang ata yung hindi natuwa. Nakikita kita sa school natin dati huh.”
“Schoolmate ba tayo nung Elementary?”
“Oo, pambihira sabi na nga ba hindi mo ako kilala eh, ako yung Hearthrob sa school natin. Si Arvin. "
“Teka Familiar ka nga. Ikaw yung Valedictorian ng School natin?!”
“Haha, naalala rin.”
“Buti ka pa Matalino. Nakakainggit talaga kayong mga Gifted. Nakakasawa nang masabihang tanga at makakuha ng Zero sa Test. Sana kahit minsan maging tulad niyo rin ako.”
BINABASA MO ANG
When I Met You
Teen FictionPaano kung isang araw malaman mo na lang na In-love ka na pala sa Idol mo? At higit sa lahat siya ang dahilan kung bakit nagbago ang pananaw mo sa buhay. Yung taong nagsilbing inspirasyon mo at Yung taong Kumumpleto ng pagkatao mo. Handa ka bang Ip...