“Uy Jane Valentines na bukas, sinong bibigyan mo ng sulat?”
“Si saymon ba?”
“Hindi noh, hindi ko siya gusto. At isa pa ang Corny kaya niyan, Yung magbibigay ng letter. Wala naman akong crush dito sa campus natin.”
“Weh? Kahit yung Ultimate Hearthrob natin since Elementary? Si Arvin?”
Bigla akong kinabahan dahil nabanggit yung pangalan niya. Naku po baka malaman nila hindi ito pwede.
“Si Arvin? Hindi ko Type ang mga katulad niya.”
“Bakit naman hindi, alam mo kung pagdidikitin kayong dalawa may chemistry talaga.”
“Oo nga bagay kayo.”
“Ewan ko sainyo.” Tumalikod ako at napangiti na lang.
-Fast forward- (Valentines day)
“Ma, alis na ako huh.” Kinuha ko na yung mga gamit ko sa table at nilagay sa bag. Nahulog yung letter ko para kay Arvin, at pinulot ko iyon. Binuksan ko yung letter at binasa ulit.
---------
Dear Arvin,
Nung una kitang Makita, aaminin ko hindi talaga kita gusto. Pero nung araw na nag-karoon ka ng Speech sa school natin, doon ko napatunayan na gusto na talaga kita. Dahil nakita ko sayo ang pagiging determinasyon. Ikaw ang nagturo sa akin kung paano maniwala sa sarili, sinabi mo pa ngang: “Kung kaya namin, kaya niyo rin.” Pinabilib mo talaga ako. Happy hearts day sa’yo, sana maging masaya ka ngayong araw.
Your Secret Admirer <3
--------
Tinupi ko na siya at inilagay sa bag ko. Kinakabahan ako, hindi ko alam kung magugustuhan niya yung sulat ko.
---
Nandito na ako sa school at napakaraming studyanteng may hawak ng bulaklak at balloon na heart shape. Nakita ko na yung mga boxes na paghuhulugan ng mga sulat. Buti na lang at may tagahatid na ng mga sulat. Inilabas ko na yung sulat ko ng may biglang kumuha nito.
“Huy akin na iyan Grace!”
“Sino kaya ito?, habulin mo kami..” tumakbo sila, at hinabol ko sila hanggang sa makarating kami kung saan-saan.
“Dear Arvin, waaaaah Crush mo si Arvin?!”
“Huwag ka maingay Grace! Baka marinig nila tayo!”
“Corny pala huh..”
“Oo na Crush ko si Arvin, wag niyo sabihin kahit kanino kaya akin na iyang sulat ko.”
“Ayoko nga babasahin pa namin eh.” Pinilit kong abutin sa kanya kaya lang nabitawan niya at nilipad ng hangin.
“Yung sulat!” sigaw ko at hinabol namin yun, kaya lang mukhang papunta sa Direksyon ng mga Grupo na kung saan nandoon si Arvin.
“Naku Jane, nahulog sa paanan ni Arvin. Paano na iyan?”
“Grace, April, Itago niyo ako..”
Pinulot ni Arvin yung Letter at binuksan.
“Jane, binabasa na niya.” Bulong sa akin ni April.
Nagtatago kami sa halaman para di niya malaman na sa amin galing iyon. Nung matapos na niyang basahin lumingon siya sa paligid niya parang hinahanap niya kung kanino galing. Nung napalingon siya sa Direksyon namin kinabahan ako kasi parang nakita niya kami pero buti na lang hindi. Umalis na rin silang grupo at si Arvin palingon lingon pa din nagbabakasakaling Makita niya kung kanino galing ang sulat.
“Haaay, wala na sila Jane.”
“Jane ang bait ng Hangin, tinulungan ka niyang ibigay ang sulat kay Arvin.”
“At salamat din sa inyo huh, kasi kung di dahil sa inyo muntik na akong mahuli ni Arvin. Pag nangyari yun hindi ko alam kung ano pang mukha ang ihaharap ko sa kanya.”
“Edi iharap mo itong mukha ni April.”
“Eh bakit kaya di mo na lang iharang si Grace pag nakita mo si Arvin, tutal malapad naman siya eh.”
“HA,HA,HA nakakatawa.” >.<
“Tumigil na nga kayong dalawa diyan, buti na lang talaga at hindi tayo nakita.”
BINABASA MO ANG
When I Met You
Teen FictionPaano kung isang araw malaman mo na lang na In-love ka na pala sa Idol mo? At higit sa lahat siya ang dahilan kung bakit nagbago ang pananaw mo sa buhay. Yung taong nagsilbing inspirasyon mo at Yung taong Kumumpleto ng pagkatao mo. Handa ka bang Ip...