August 28, 2009
Eto ang unang beses na makakatanggap pa lang ako ng Medal. Ano kaya ang pakiramdam? Nakaka-excite naman. Nakaupo pa lang kami at inaantay ang iba pang mga darating, hindi ko pa nakikita si Arvin. Sana pumunta siya dito gusto kong Makita niya ako na may medal na din katulad niya. Nag umpisa ng magsabit ng medal at nung turn ko na medyo kinakabahan akong umakyat ng stage at isinabit na rin sa akin ang Medal. Ganito pala ang pakiramdam ng magkaroon ng Medal masaya at proud ako. Pero bakit walang Arvin na dumating? Nakakalungkot naman.
Year 2010-2011
Junior Year!
Hello Junior year! Time Flies talaga. Simula noong nag champion ako medyo nakilala na rin ako sa campus at yung section namin, hindi na minamaliit. Nagkaroon na rin ako ng maraming kaibigan ang iba sa kanila may dahilan kung bakit ako kinaibigan at may iba naman sa kanila na gusto talaga akong maging kaibigan at kilala ko kung sino sila, madali naman kasing mahalata iyon. Nagkaroon din ako ng mga haters, karamihan sa kanila ay mga star section.
Habang naglalakad kami ni april at grace sa may hallway may apat na babaeng huminto sa harap namin.
“Hi, Janelle kamusta naman ang pang-aagaw ng position sa aming Top 1? Masaya ba?” Sabi niya habang nakapamewang.
Hindi ko siya pinansin at maglalakad na sana ako kaya lang hinarangan ulit nila ako.
“Huwag ka ngang bastos pag kinakausap!”. Sabi nung girl 2.
“At ang yabang mo huh! Porket nag champion ka lang kala mo kung sino ka na!.” sabi naman nung girl 3.
“Eh naka-chamba lang naman kasi siya.” Sabi naman nung girl 4.
“Hoy hindi siya naka-chamba!” sabi ni Grace sa kanila.
“Oo nga!” sang-ayon naman ni April.
Magsasalita na sana ako nang may biglang sumingit.
“Hindi siya naka-chamba, deserve niya iyon. Kaya tigilan niyo na siya pwede ba?.”
“Uy ikaw pala Mo..Monica, sige una na kami.” Monica? Monica pala ang pangalan niya, siya ang Top 1 ng star section. Grabe ang cute pala niya, at ang inosente ng mukha niya. Kung lalaki ako maiin-love ako sa kanya.
“Sorry sa mga pinagsasabi ng mga classmate ko sa’yo, hindi lang kasi nila matanggap na hindi na kami ang champion. Pero ako tanggap ko na, okay lang naman sa akin nakakasawa na rin kasi yung position ko eh atleast naiba hahaha.” Sabi niya at sabay tawa, grabe ang cute lang.
“Okay lang .”
“Ikaw si Janelle di ba? Tara sabay na tayo libre ko kayo!”
“Sige ba!” sabay na sabi nila grace.
“Nakakahiya naman, kakakilala lang natin eh..”
“okay lang, ganito talaga ako pag may bagong kaibigan nililibre ko kaya tara na!’”
“Kaibigan?.”
“Oo kaibigan, bakit ayaw mo ba.?”
“hindi, syempre gusto ko.” :D Ngumiti siya at inakbayan ako, ayos ang bait pala niya!
-Fast Forward-
Lumipas ang ilang buwan naging sobrang close na kami ni Monica. Halos Best Friend na ang turingan namin. May pagkapareho kasi kami. Gusto niya yung mga bagay na gusto ko rin. Pero di ko inaasahan na yung pinakagusto ko eh gusto niya rin.
“Jane, ang galing talaga ni Arvin sumayaw noh? Di na talaga nakakapagtaka kungbakit ang daming babaeng naghahabol sa kanya. Pero ang nakakabilib doon kahit isa wala siyang pinapansin may pagkasuplado siya kaya Type ko siya.” J
Nagulat ako sa sinabi niya. May gusto rin pala siya kay Arvin.
“Type mo siya??.”
“Huh? May sinabi ba ako?” bigla siyang nag blush.
“Oo, narinig ko kanina.”
“Uy wag ka maingay huh, di ba sabi mo naging classmate mo siya noon? Wag mo sasabihin huh.”
“Ok di ko sasabihin, magaling akong magtago ng sikreto.” J
“Thanks the best ka talaga!” sabay yakap niya sa akin.
May gusto rin si Monica kay Arvin at pareho na kaming may gusto sa kanya. Oh NO WAY!!!!!
BINABASA MO ANG
When I Met You
Teen FictionPaano kung isang araw malaman mo na lang na In-love ka na pala sa Idol mo? At higit sa lahat siya ang dahilan kung bakit nagbago ang pananaw mo sa buhay. Yung taong nagsilbing inspirasyon mo at Yung taong Kumumpleto ng pagkatao mo. Handa ka bang Ip...