“Handa na ba kayo para sa pagsusulit sa Filipino? Tandaan ang sino man ang makakuha ng pinakamataas na marka ay siya ang ilalaban para sa secondary level. Good Luck.”
Confident ako ngayon sa test namin dahil nag-review talaga ako at isa pa FILIPINO ang pinakapaborito kong asignatura <3 Sana lang at ako ang makakuha ng mataas sa klase namin para ako ang ilaban at pag nag champion ako sigurado mapapansin na rin ako ni Arvin!
“Ms. Chan, kanina pa nag-uumpisa ang exam.”
“ay sorry po ma’am.” Nag-umpisa na akong mag sagot, ayos ang dali lang iba talaga pag nag-review ang sarap maging matalino! :P Feeling ko Genius na ako! Ano kaya mangyayari pagkatapos nito? Siguro mag-iiba na ang tingin sa akin ng mga tao, di na nila ako mamaliitin at magiging mataas na rin ang tingin nila sa akin pero syempre dapat humble pa rin hindi dapat maging mayabang. Ano ba itong mga naiisip ko masyadong advance baka assuming lang ako at masaktan sa mga naiisip ko ;( Pero dapat think positive! Tama keri ko ito!
Natapos na ako magsagot at ipinasa ko na ang aking test paper saka lumabas. Pagkalabas ko nakita ko ang daming tao sa court. Ano kayang pinagkakaguluhan nila doon? Nakisiksik ako at nakita kong may sumasayaw, si Arvin! Oo nga pala may Dance contest pala ngayon. Siya lang ang tinitingnan kong sumayaw at habang sumasayaw siya napapangiti na lang ako. Oo na, inaamin ko kinikilig talaga ako. <3
“OMG ang gwapo talaga ni Grant Arvin my loves!”
“Hoy akin lang siya walang agawan!.” Dinig kong sigaw ng mga babaeng katabi ko, nakakainis naman may mga kaagaw pa ako kay Arvin. Ang sarap nilang sipain, naririndi na ako sa kakasigaw nila. Dapat kahit crush nila yung isang tao hindi dapat nila pinapahalata turn off kaya iyun sa boys. Natapos na ang sayaw nila at sila na pala ang last contestant buti na lang at naabutan ko pa.
“Ok, nagustuhan niyo ba?! Ang gwapo nila noh?!” sabi ng Emcee na kinikiligkilig pa.
“So ang next program ay singing contest so yung mga candidates diyan be ready huh.”
“Hoy Jane nandito ka lang pala kanina ka pa namin hinahanap eh.” Sabi ni grace.
“Huh? Bakit?.”
“Tara aayusan ka namin.” Hinila ako ni April.
“Saan ba tayo pupunta?”
“Sa Dressing Room.”
Nandito na kami ngayon sa Dressing room at kasalukuyan nila akong inaayusan. Sa totoo lang hindi ko alam kung ano nangyayari, dahil bawat tanong ko kahit isa wala silang sinagot. Mamaya na daw nila sasabihin after daw ng make up session.Kinakabahan tuloy ako eh baka rarampa ako kaya nila ako inaayusan.
“Okay tapos na!” ;D
“Magaling pala kayo sa ganito huh, So ano pwede ko na bang malaman ang Rason kung bakit ganito ang ayos ko?”
“Nag Registered kasi kami ni april sa Singing contest, at nilagay namin yung name mo so ibig sabihin kakanta ka.”
BINABASA MO ANG
When I Met You
Teen FictionPaano kung isang araw malaman mo na lang na In-love ka na pala sa Idol mo? At higit sa lahat siya ang dahilan kung bakit nagbago ang pananaw mo sa buhay. Yung taong nagsilbing inspirasyon mo at Yung taong Kumumpleto ng pagkatao mo. Handa ka bang Ip...