CHAPTER 10 "Good Bye"

33 7 1
                                    

Nasa kawarto lang ako at umiiyak ng tahimik. Nakaupo lang ako at nakasilip sa bintana. Gabi ngayon, ang ganda ng mga Stars at Moon.

Now Playing: Good Bye by The Melody

Oh I Love you Endless time I lose my mind  because of you oh I want to kill myself                                  you are the only love In my life  the only thing there is night my love  you are very breath that I take oh I love you.

If you go say goodbye but you know this I will always love Bye bye If you go say goodbye but you know this I will always love you.

--

Kumuha ako ng papel at ballpen.                                                                                                                           At nagsimula ng magsulat.

----

Grant Arvin,

        Sana basahin mo itong letter ko, huwag mo sanang itatapon sayang effort eh.Pero alam ko hindi ka naman ganun eh  kasi nung unang sumulat ako sa’yo at    nilipad ng hangin papunta sa’yo hindi mo naman tinapon.  Sumulat ako kasi gusto ko lang mailabas o masabi ang matagal ko nang sikreto. Sikreto na Gusto kita dati pa. Matagal na rin akong may gusto sa’yo since   2nd year tayo. Ewan ko ba ang masasabi ko lang nung unang beses kitang narinig   mag speech “My heartbeats fast” ang korni ba? Eh wala ganun talaga pag in-love.  Ang weird nga eh, nagkagusto ako sa isang tao na hindi ko pa masyadong kilala.  Pero simulang nagkagusto ako sa’yo bigla akong nagkainteres sa pag-aaral, naging active ako sa class.  Kaya marami ring nagulat. Kahit na may sakit ako pumapasok pa rin ako Makita lang kita magaling na ako, ang korni ko na naman sorry huh..    Kahit nga malayo ka eh alam kong ikaw na yun, Ang linaw kaya ng mata ko  pagdating sa’yo. Lagi kitang pinagmamasdan kahit malayo ka kung alam mo lang.  One time nga napagalitan pa ako ng Adviser ko dahil ako lang ang nakatambay sa corridor at sinisilip ka. Parang nawawala yung problema ko pag nakikita ka….    Di ko akalain na lumalalim na pala yung feelings ko sa’yo.  Kaya minsan nalulungkot ako, kailan mo kaya ako mapapansin?  Yung bang makausap ka kahit saglit o di kaya magkabanggaan tayo, nako pag nangyari yun baka di ako makatulog sa kilig! Kaya ang ginawa ko para magpapansin sa’yo ay mag-aral ng mabuti.  Ang sarap pala ng Feeling kapag nasa stage na habang tinatanggap ang awards at  maraming pumapalakpak. Dati dream ko lang ang umakyat ng stage sa harap ng maraming tao pero ngayon nagkatotoo na. Big deal ito para sa akin dahil di naman talaga ako matalino.  Sadyang masipag lang ako mag-aral at nagkataon na ikaw ang inspirasyon ko.   At dun ko rin na realized na walang imposible sa taong naniniwala sa sarili niyang  kakayahan, basta may self confidence ka kakayanin mo talaga. “Kung kaya nila, kaya ko rin!.”   Kaya lang bakit ganun parang ang hirap mo pa ring abutin. Para ka tuloy star, ang lapit mo nga pero parang ang layo mo naman.   Hanggang tanaw na lang siguro kita at hindi na maaabot. Lalo na nung malaman kong may iba ka ng Mahal, sobra akong   nasaktan nun kahit na wala akong karapatan na masaktan dahil di  naman tayo. Pero mas nasasaktan ako dahil alam ko na kahit kailan hindi magiging tayo dahil sino ba naman ako?   Isa lang naman akong simpleng babae na kahit kailan hindi mo mapapansin,sabi nga nila:  “Ang Pag-uumpisa sa isang tao ay pagtatapos para sa iba.” </3  Salamat dahil nakilala kita. Hindi ko pinagsisisihan yun dahil   may isang bahagi ng pagkatao ko ang nabuo. Hindi pala totoo ang kwento sa buhangin, sayang hindi Effective </3

                                                                                                                                                                                                                                                                                                                         -Janelle

-------

THE END

BASED ON A TRUE STORY

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Isinara ko na ang libro ko, at sa huling pagkakataon pumatak na  naman ang luha ko. Apat na taon na rin ang nakalipas, at isa na akong writer.  At isa na rin akong Bussiness woman, libangan ko lang ang  pagsusulat. Isinulat ko ang Love story ko dahil gusto ko siyang ibahagi  sa mga kabataan. Na ang Pag-Ibig ay hindi basta basta. Ginawa kong inspirasyon ang pag-ibig. Aaminin ko pagkatapos ng lahat ng iyon, hindi na ako naniwala sa pag-ibig. Nasabi ko na lang sa sarili ko na:  “LOVE IS LIKE IMAGINATION, IT’S ONLY A FANTASY.”  Pero na realized ko rin na hindi tama iyon. So paano hanggang dito na lang muna ako huh.  Lagi niyong tandaan pag nagmahal ka dapat handa ka rin masaktan. Okay lang kahit hindi kami nagkatuluyan malay niyo pagdating ng panahon kami pala talaga.  Pero syempre ayoko ng umasa ang dapat ko na lang gawin ngayon ay magpakasaya sa buhay. At ipagpatuloy ang Pangarap.  Huwag nating hayaang makulong tayo sa nakaraan. Lagi tayong mag looking Forward.  So pano bye bye na sainyo.

“Ms. Jasmine, nandiyan na po yung ka meeting niyo. Papasukin ko na po ba?”

“Sige, papasukin mo na siya.”

Narinig ko ng pumasok siya, pag angat ko ng ulo ko. Nagulat ako..

“Hi Ms. Jasmine, I’m  Andrew, your Former classmate 4 years ago.”

(Jasmine----Janelle P. Chan)

(Andrew----Grant Arvin)

-Flash back-

Andrew POV

Nasa kwarto lang ako buong maghapon. Nakakalungkot, sobra akong nalulungkot at nagsisisi. Ang tanga ko kasi.   Hinanap ko ang letter at nung Makita ko na binuksan ko ito.

-----

Janelle,

          Matagal ko ng gustong sabihin sa’yo ito. Gusto kita simula nung 1st yr.  pa lang tayo. Nung unang beses kitang makitang tumatakbo, iyon ang  oras na biglang tumigil ang mundo ko. Nakakatawang pakinggan pero totoo.  Iyon ang araw na na-late ako at nagulat ako dahil kakalase pala kita.   Mas pinili kong tumabi sa’yo nun. At nung araw na napagalitan ka ni Ma’am   nagkunwari ako na mag CR lang dahil ang totoo gusto kitang hanapin. At nung Makita kita agad kitang nilapitan at binigyan ng panyo.   Pasensya na kung nag walk out ako, naiinis kasi ako  dahil ang babaw ng tingin   mo sa sarili mo, gustong gusto kitang tulungan pero wala akong magawa. Sorry.  Nung araw na narinig kitang kumanta pinipigilan kong mapatingin sa’yo  dahil ayokong may makahalatang gusto kita.Pero napakaganda ng boses mo, gusto ko sanang marinig ulit iyon.  Tuwang-tuwa ako nung malaman kong nag champion ka sa Tagisan ng Talino. Tumakas pa ako sa klase naming para Makita ko ang pagsabit sa’yo ng Medal.   Nasa likod lang ako nun at sinadya kong di magpakita.   Nung nakita kitang mag-isang kumakain sa canteen nagdalawang isip ako   kung lalapitan kita. At nilakasan ko ang loob ko, ang saya ko noon dahil   kasabay kong kumain yung babaeng gusto ko.Simula nun lagi na akong sumasama sainyo dahil gusto kitang makasama lagi at mas makilala pa.   Natatandaan mo ba yung kwento sa buhangin? Ewan ko kung totoo yun   pero gusto kong maniwala kaya pinasulat ko sa’yo ang pangalan mo sa buhangin. Naiinis ako nun dahil hindi ko pa rin magawang magtapat.     Nainis rin ako nung malaman kong galing pala kay Monica ang sulat dahil  buong akala ko sa’yo galing iyon.Nung araw nung graduation natin balak ko na sanang magtapat ng nararamdaman ko sa’yo  pero naunahan ako ni Saymon.  Agad kong hinanap si Monica at sinabing kami na. Ewan bigla ko na lang sinabi iyon.   Pero nung malaman kong hindi mo pala sinagot si saymon, sobrang nagsisi ako nun.  Siguro nga may dahilan ang lahat, pangako pag nakatapos na ako ng pag-aaral  hahanapin kita sana magawa mo pang mag-antay.

                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                -Andrew

When I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon