CHAPTER 5 "Nothing Impossible"

33 7 0
                                    

A/N: salamat sa pagtuloy ng pagbabasa, ito po kasi ang first story ko sana po votes and comments naman po oh <3 

“Ang makakakuha ng mataas na score sa klase na ito  ay siyang ilalaban para sa secondary level ng Tagisan ng Talino.  So inaasahan ko na kung sino man ang pambato ng klase na ito ay makapasok man lang sana sa Top 3, kahit last section kayo ipakita niyo na hindi kayo ganun kababa okay ba yun?”

“yes ma’am.” Sabay sabay naming sabi.

“okay, ang nakakuha ng mataas na score ay si…………  totoo ba itong nababasa ko? Aba himala! Si……Janelle Chan!”  Nagulat ako at lahat sila lumingon sa akin ng manghang-mangha.

“ako po?” Tinuro ko pa ang sarili ko. Lahat sila ay tumango lang  at parang mga wala sa sarili. Bakit ba parang di sila makapaniwala? Nakakainsulto naman.

“Nice Janelle!” Lumapit sa akin si saymon at inakbayan ako.Napangiti na ako dahil lahat sila lumapit sa akin at binati ako.

“Congrats Janelle!”

“Galingan mo Janelle huh!”

“kaya mo iyan Janelle!

“Fight,Fight,Fight!”

“Alang-alang sa section natin whooa!! May tiwala kami sa’yo Janelle kaya mo iyan!.” Nakakatuwa dahil Full support sila sa akin,  lalo tuloy akong ginaganahan! ;D

-Fast Forward-

Nandito ako ngayon sa sala at nagre-review, hindi ko sila pwedeng biguin dahil may tiwala sila sa akin at syempre para kay Arvin din ito gusto kong ipakita sa kanya na may kakayahan din ako nang sa ganun ay mapansin niya rin ako. <3

“uy himala, kaw ba iyan ate?!” Gulat na tanong ng Brother ko.

“Wag ka magulo nag-aaral ako.”

“Ma! Narinig mo yun?! Nag-aaral daw siya?”

“Totoo ba iyan Janelle?! Anong nangyari sa’yo?” Biglang lumapit sa’kin ang mama ko at hinawakan ako sa balikat.

“Ma, ang O.A niyo naman eh. Nag-rereview ako kasi kasali ako sa  Tagisan ng Talino kelangan kong makapasok sa Top 3 at tsaka ayokong biguin yung mga kaklase ko umaasa sila sa akin, ang baba kasi ng tingin sa amin  ng mga ibang section kailangan kong patunayan sa kanila na hindi kami basta basta!  Makikita nila!.”

“Ja…Janelle, nagbago ka na nga, hindi ako makapaniwala!”  halos maluha-luhang sabi ng mama ko.

“Baka naman Inspired si ate.” Singit naman ng sister ko.

“Inspired? Kanino naman?!” Patay, kainis naman kasi itong sister ko eh..

“Inspired! Inspired ako mag-aral dahil……..sa’inyo! Para di na kayo magalit sa akin na lagi na lang akong Zero sa Test…!”

“Naku..talaga lang, sana dati mo pa ginawa yan para di namuti yung buhok  ko sa kunsomisyon!”

“Haay naku…di ako makapag-review dahil sa’inyo, sige  pag di ako nanalo dito sisisihin ko kayo sayang pa naman yung opportunity.”  Sabi ko at sabay pout, hindi ko sila sisisihin dahil mananalo talaga ako!  That’s  the fighting spirit of Jane!

“Makaalis na nga, oh kayo wag niyo siyang guguluhin  dahil minsan lang mangyari yan.”

Umalis na sila, grabe talaga si mama. Tama, Inspired nga ako kay Arvin,  pati na rin sa mga classmates ko at para na rin sa sarili ko.   At syempre Inspired ako kay God kasi alam ko lagi siyang nandiyan sa tabi ko  at hindi niya ako pababayaan because he’s my Best Friend.<3

When I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon