Pinatawag ako ngayon sa opisina ng aking ama dahil may mahalaga daw itong sasabihin .Noong una ay wala sa isip ko ang pumunta , pero nang malamang pati si mommy ay gusto rin akong makausap ay hindi na ako tumanggi .Pagtapos akong sunduin ng butler ni daddy ay dinala nga ako nito sa isang exclusive room kung saan natagpuan ko sila ni mommy na busy sa pag lalandian .
They're always like this . Sweet as candy cane ."Pinatawag nyo raw 'ho ako , mom , dad." Walang pagdadalawang isip kong saad pagkapasok na pagkapasok ko palang sa room .
Agad ko namang nakuha ang atensyon nila at tumikhim pa si daddy bago umalis si mommy sa pagkaka kandong dito .Sa pagtayo ni mommy , di alintana ang pag edad sa mukha nito, ngunit naroon parin ang ganda at ka aya aya nyang galaw na bumagay sa mataas niyang height na pang model . Kasing tangkad ko na siya , at nakakatuwang sa kanya namin nakuhang mag kakapatid ang tangkad na meron kami . Almost mag kasing tangkad na kasi sila ni daddy na masyado namang higante kung titingnan .
"Hi honey, how are you ." Bati sa akin ni mommy at agad akong ikinulong sa yakap at hinalikan sa magkabilang pisngi .
"Doing fine mother . Bakit nyo daw po ako pinatawag ?" Tanong ko rito .
Pagak namang tumawa si daddy at sinenyasan akong lumapit sa kanya . Naglakad ako palapit rito at gaya ng ginawa ni mommy ay niyakap rin ako nito at hinalikan sa noo .
"No need to be formal honey . How are you , balita ko sobrang busy mo sa school . Look at you , kamukha ka na ng mommy mo , daming wrinkles ." Tumawa ito at nakatanggap ng libro sa mukha na nagmula kay mommy na prenteng naka upo sa single sofa sa gilid ng office ni dad . Tumawa naman ng mahina ang butler ni daddy na nasa gilid ng pinto at agad ring nakatanggap ng libro mula naman dito .
Napa iling na lamang ako sa kanila . Mag kababata ang tatlo kaya hindi maaalis ang kulitan pag magkakasama sila .
"So dad ?" Tawag pansin ko dito .
Naalis naman agad ang atensyon nya sa pakikipag kulitan at biglang tumikhim . Gaya nya ay naging pormal rin Sina mommy at tito Sandrin na butler namin ."Hindi na ako mag papa ligoy ligoy pa dear , we know that you really hate being with somebody and wanted to be all alone and to be an independent woman , kaya nga binilhan ka namin ng sarili mong bahay diba--" di ko na sya pinatapos .
"I thought di ka na mag papaligoy ligoy pa dad .. so what is it. " Mataman nya akong tiningnan , tinatantya ang mood ko , at hindi ko naman inatrasan ang titig na iyon . Bumuntong hininga sya bago mag salita ulit .
"I want you to take care of Sophie for the mean time--"
"Ayoko ." Pinal kong saad pagtapos putulin muli ang sasabihin nya at agad na tumalikod .
Pinatawag nila ako para mag alaga ng isang di kilalang tao . Sila pa mismo na nakakaalam na ayokong ayoko makipag usap sa kahit na sino lalo pa't di naman mahalaga ."Hey honey--"
"Just like what I've said , ayoko ."
Bago pa ako makalabas ng pinto ay hinarangan na ako ni tito Sandrin . Nakipagtitigan ako dito ngunit gaya ko ay hindi ito magpapatalo .
"Kinakausap pa kita dear , wag mo kong tatalikuran ." Bakas ang awtoridad sa boses ni daddy na mula sa pagiging mapagbiro ay bahagyang nag se seryoso sa mga bagay na walang halong 'joke' .
Hindi ko naiwasang hindi umirap bago humarap sa kanya .
"Dad , you know how I hate being with someone elses company right . So what is this ? I thought we already have a deal ." Seryoso kong saad dito habang nagpipigil na tumaas ang tono ng tinig ko .
BINABASA MO ANG
Wanted and Needed
RomancePrologue I don't need someone to accompany me . I hate being inferior. I don't wanna be involve with the things I'm not into . It's annoying . I don't need anybody to tame me . I'm fine on my own . I'm humble in my own way yet , my appearance didn...