Chapter 3 "Sophie Harimann"

8 0 0
                                    

Almost 2 weeks have passed . 

Kakatapos ko lang sa subject na Business mathematics at ngayon ay sakay ng aking kaibigang automatic wheel chair patungong literature club . 

Sa dalawang linggo kong pananatili sa skwelahang ito ay hindi ko parin mapigilang mamangha . 

Napakalaki ng school na ito kung saan ay mayroon pa mismong village sa pinaka center ng school . Napag alaman kong specialized iyon sa mga napakahahalagang personalidad kagaya na lamang ng mga prinsipe ng Englatera. Hindi ito Katulad ng ibang skwelahan kung saan maraming subject ang inaaral . Dito , bukod sa apat na pangunahing subject , ay kailangan mo lang pumili ng dalawang club na sasalihan at I enhance ang capabilities na mayroon ka . 

Sa totoo lang ay ngayon lang ako nakapasok sa ganitong skwelahan . Sa Germany ay kasalukuyan akong nasa ika siyam na baitang ng mangyari ang aksidenteng Hindi ko inaasahan at nagising nalang sa katotohanang wala na ako sa bansa kung saan ako nagdalaga . Marunong ako ng salitang Filipino ngunit hirap ako sa detalye .
Dito ako pinanganak sa Pilipinas ngunit ng tumuntong sa ika apat na baitang ay kinuha na kami ng aking ama kasama ang aking pilipinang Ina. 

I am Sophie Harimann . From English, French, Dutch, Slovenian,Croatian, and Jewish (Ashkenazic): from a Germanic personal name composed of the elements heri, hari 'army' + man 'man'. As a Jewish surname this is no doubt an adoption of the German surname Hermann . Respelling of the German cognate Hermann. And for my clan Harriman .
I am the one and only daughter of General Harimann and a sister of the current general , Siel Harimann. 
Sa dalawang linggong pananatili ay hindi rin naman ako pinapansin ng taong kasama ko sa bahay .
Parang hangin .

She is Katia Anderson .
Pangalawa sa apat na anak nina tita Melanie at tito Aston . Matalik na magkaibigan si mommy at si tita Melanie kaya naman ng humingi ng pabor ang kapatid ko sa kanila ni tito ay hindi nagdalawang isip ang dalawa na tulungan kami. I'm really thankful for what they did , kaya naman kahit na hangin ang turing sa akin ng anak nilang babae ay hindi ko na lamang dinamdam . Sa halip ay nananatili lang akong tahimik . 

Nakarating na ako sa open field ng biglang may tumamang kung ano sa aking ulo . Malakas iyon kaya saglit akong napayuko at mahilo hilong nagtaas ng mukha dahil may kung sinong tumatawag sa akin . 

"---Hey I said are you okay ? Bakit kasi sa open field ka dumadaan ? Napaka lawak ng hallway sa kabilang side !" Bulyaw ng isang artistahing babae sa harap ko .
I was about to answer ng 'can you just say sorry?' ng sagutin sya ng ka teammate niya . 

"Hey Suzana , Ikaw na nga tong nakasakit Ikaw pa galit ." Irap nito sa babaeng bumulyaw sa akin . 
Naka uniform sila ng pang soccer team kaya naman sigurado akong they're the members of girl soccer club . 

"Look , ang lawak ng hallway sa kabilang side Hazel . Isa pa , bakit kailangang dito pa dumaan sa madamong parte at--" 

"Look , nasa track field sya Suz . Sadyang napalakas sipa mo . Can you just say sorry ?" Tama tama . 

"Fudge ! Bakit kasi kailangang sa field pa diba ? Ano yan tanga ?" Sigaw muli nito . Nag sagutan pa ang dalawa at ng sumulyap ako sa aking wrist watch ay Ilang minuto na lamang bago magsimula ang Friday activity namin , kaya naman bago pa humaba ay nagsalita na ako . 

"I'm really sorry . Hindi ko talaga alam ang daan patungong literature club at hindi ko parin kabisado ang hallways . It's my fault ." Yes that's true .
Dumaan ako sa open field dahil bukod sa hindi ko pa alam ang pasikot sikot dito ay ito ang lugar na mas madaling tunguhin dahil sa naka wheel chair ako . 

"So bago ka ?" Tumango naman ako sa tanong ng silver haired girl na nagngangalang Hazel .

"Ah .. so you are the transferee from Germany ." Sambit nito . 

Wanted and NeededTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon