Chapter 1 "The unsociable Katia"

24 1 0
                                    


Pinatawag ako ngayon sa opisina ng aking ama dahil may mahalaga daw itong sasabihin .Noong una ay wala sa isip ko ang pumunta , pero nang malamang pati si mommy ay gusto rin akong makausap ay hindi na ako tumanggi . 

Pagtapos akong sunduin ng butler ni daddy ay dinala nga ako nito sa isang exclusive room kung saan natagpuan ko sila ni mommy na busy sa pag lalandian . 
They're always like this . Sweet as candy cane .

"Pinatawag nyo raw 'ho ako , mom , dad." Walang pagdadalawang isip kong saad pagkapasok na pagkapasok ko palang sa room .
Agad ko namang nakuha ang atensyon nila at tumikhim pa si daddy bago umalis si mommy sa pagkaka kandong dito . 

Sa pagtayo ni mommy , di alintana ang pag edad sa mukha nito, ngunit naroon parin ang ganda at ka aya aya nyang galaw na bumagay sa mataas niyang height na pang model . Kasing tangkad ko na siya , at nakakatuwang sa kanya namin nakuhang mag kakapatid ang tangkad na meron kami . Almost mag kasing tangkad na kasi sila ni daddy na masyado namang higante kung titingnan . 

"Hi honey, how are you ." Bati sa akin ni mommy at agad akong ikinulong sa yakap at hinalikan sa magkabilang pisngi . 

"Doing fine mother . Bakit nyo daw po ako pinatawag ?" Tanong ko rito . 

Pagak namang tumawa si daddy at sinenyasan akong lumapit sa kanya . Naglakad ako palapit rito at gaya ng ginawa ni mommy ay niyakap rin ako nito at hinalikan sa noo . 

"No need to be formal honey . How are you , balita ko sobrang busy mo sa school . Look at you , kamukha ka na ng mommy mo , daming wrinkles ." Tumawa ito at nakatanggap ng libro sa mukha na nagmula kay mommy na prenteng naka upo sa single sofa sa gilid ng office ni dad . Tumawa naman ng mahina ang butler ni daddy na nasa gilid ng pinto at agad ring nakatanggap ng libro mula naman dito . 

Napa iling na lamang ako sa kanila . Mag kababata ang tatlo kaya hindi maaalis ang kulitan pag magkakasama sila . 

"So dad ?" Tawag pansin ko dito . 
Naalis naman agad ang atensyon nya sa pakikipag kulitan at biglang tumikhim . Gaya nya ay naging pormal rin Sina mommy at tito Sandrin na butler namin .

"Hindi na ako mag papa ligoy ligoy pa dear , we know that you really hate being with somebody and wanted to be all alone and to be an independent woman , kaya nga binilhan ka namin ng sarili mong bahay diba--" di ko na sya pinatapos . 

"I thought di ka na mag papaligoy ligoy pa dad .. so what is it. " Mataman nya akong tiningnan , tinatantya ang mood ko , at hindi ko naman inatrasan ang titig na iyon . Bumuntong hininga sya bago mag salita ulit . 

"I want you to take care of Sophie for the mean time--" 

"Ayoko ." Pinal kong saad pagtapos putulin muli ang sasabihin nya at agad na tumalikod .
Pinatawag nila ako para mag alaga ng isang di kilalang tao . Sila pa mismo na nakakaalam na ayokong ayoko makipag usap sa kahit na sino lalo pa't di naman mahalaga . 

"Hey honey--" 

"Just like what I've said , ayoko ." 

Bago pa ako makalabas ng pinto ay hinarangan na ako ni tito Sandrin . Nakipagtitigan ako dito ngunit gaya ko ay hindi ito magpapatalo .

"Kinakausap pa kita dear , wag mo kong tatalikuran ." Bakas ang awtoridad sa boses ni daddy na mula sa pagiging mapagbiro ay bahagyang nag se seryoso sa mga bagay na walang halong 'joke' .

Hindi ko naiwasang hindi umirap bago humarap sa kanya . 

"Dad , you know how I hate being with someone elses company right . So what is this ? I thought we already have a deal ." Seryoso kong saad dito habang nagpipigil na tumaas ang tono ng tinig ko . 

Wanted and NeededTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon