Chapter 7 "Childish Suzana"

4 0 0
                                    

How's your day dummy?" 

Sure ako , kilalang kilala nyo na kung sino iyan . Walang hindi nakakakilala sa kanya base narin sa sinasabi nya .
Lumipas na ang isang linggo at mag iisang bwan narin nya akong bini bwisit . Kung hindi lang dahil sa kalagayan ng mga paa ko ay malamang na sinagot ko na ito . 

"Doing good ." Kaswal na sagot ko dito habang patuloy sa sketching na ginagawa ko .
Nasa East Diamond Garden na ako dahil umaasa akong magiging tahimik ang buhay ko ngayong araw without getting caught by this brat . But guess, my instinct disappointed me again . 

"Still doing good kahit gawin ko 'to ?" 
Pagkasabi nya niyon ay hinablot nya ang sketch pad na gamit ko at pinunit ang bawat isang papel niyon at nagka pira-piraso . Matapos sundan ng tingin ang nagkalat na mga papel ay tiningala ko sya at walang emosyong tiningnan . 
Gustong gusto ko syang sigawan sa ginawa nya pero pilit kong hinawakan ang kaunting pasensyang meron ako dahil alam kong mas matutuwa lamang ito kung makikita nyang effective ang ginawa nya sa akin na pang aasar .

"Wutt ? Tititig ka na lang ? C'mmon ! Wag mong pigilan , alam kong gusto mo na akong patayin ngayon ." 
What? She can read mind ? Whew ..

"Am I right ? Pfft .." hindi ako sumagot sa halip ay sinimulang ayusin ang art materials ko na nakalapag sa bench . 

"Tama ako pilay right ? Hahaha knew it ! Gusto mo na akong patayin dahil sa inis hahhaahhaha" 

Parang baliw syang natawa mag isa . Ganyan ba dapat pag nalaman mong gusto Kang patayin ng isang tao ? 
Maybe she's eating death threats as her breakfast dahil narin sa ugali nya . 
This one is a bad news .
She's a masochist I guess ? Ah~ creepy .
Mas mabuti sigurong Iwan ko na ang baliw na ito . 

Habang busy sya sa pagkausap sa sarili nya , sa kung gaano sya ka fabulous na mainis ako ay iniwan ko na sya . Dahan dahan kong pinagulong ang gulong ng wheelchair ko patalikod habang tinatanguan na lamang ang mga pinagsasabi nya at nginingitian sya na nagsasabing 'Oo na , ang galing mo na mang inis . Sarap mong patayin .' 

Habang patuloy sya sa pagsasalita at naka distansya na ako ng sapat para makaalis ay mabilis akong pumihit patalikod sa kanya at nag automatic mode ng mabilis paalis sa Garden . Bago pa ako makalayo ng tuluyan ay narinig ko pa ang sigaw nyang 'SON OF A B****' at 'HUMANDA KA SAKIN' . 
To tell you Suzana , laging akong handa . 

*** 

"I have some spare t shirt sa locker room , want me to hand you one ?" Offer sa akin ni Richard . Okay , binabawi ko na . Hindi sakop ng range ng utak ko ang kalokohan ng bratinellang iyon. She's too unpredictable ! 

Kasalukuyan kasi akong basang basa dahil sa nakapatong na balde ng tubig sa pinto ng room namin. Such an old dirty trick . Walang fashion pag dating sa Pam bu bully . 

"Nah, I'm alright. I already got a message from Maria , she will lend me one of her blouse."sagot ko dito . 

"How 'bout your skirt ? Nabasa rin yan eh ."

"Okay lang , hindi naman masyadong basa since I have my bag in my lap ." 
Upper body ko lang naman kasi ang basang basa . 

"Okay then , look like nandito na sila Ms.Campbell . Babalik na ako sa room and please , iwasan mo na si Suzana for the greater good . Pag nalaman ito ng kuya mo, siguradong iuuwi ka agad nun sa Germany o kaya naman ay ililipat ka agad ng school ." Alam ni Richard ang nangyari kina daddy since anak sya ng isa sa mga closest friend nito kaya aware syang busy si kuya ngayon sa Germany at pinapaalalahanan akong alagaan ko ang sarili ko . 

"Nn." Nakangiti kong tango dito . 

Umalis na si Richard at bumalik na sa room habang patakbo naman akong tinungo ni Maria at Katarina. Bakas ang pag aalala sa mga mukha nito . 

Wanted and NeededTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon