Lirra's POV
Nandito sya... nandito si...
Ethan!
Sus naman-_-bat ba yan nandito?
Naalala kong di pa pala ako naghihilamos kasi bigla nalang sumigaw si mom at pinababa ako. Umakyat na ulit ako sa kwarto ko para makapag-toothbrush at makapag-shower.
Pagkapasok ko ay ginawa ko na ang mga iyon tapos ay nag-comb na ako ng buhok at bumaba na ulit for breakfast. Hayss sana naman pagbaba ko, wala na yung Ethan na asungot na yun! Bat ba kasi yan nandito sa bahay namin?! Anong trip nun? Tss!
"Goodmorning ate!" Bati ni Miko sa akin at hinalikan nya oo sa cheeks. Hala, answeet^_^
"Yeah, goodmorning" sagot ko.
Tumungo na kaming dalawa ni Miko sa sala at naalis ang ngiti ko ng makita ko sya. Oo, nandito pa sya. Badtrip-_-
"Gooooooodmorniiiiiiiing ate Lirraaaaaa!" Bati ni Prelin sa akin. Yiieehhh nandito pala sya, nginitian ko sya at umupo na ako. Eto namang Ethan na'to, inirapan lang ako. Eww, sya lang ang lalaking nakita kong umirap. Bakla.
"Goodmorning" rinig kong may nagsalita mula sa pinto kaya napalingon ako. At nakita ko dun si Tita Nathalia at Tito Eric na nakangiti sa amin.
"Ahm. Goodmorning po" tumayo ako at bumati sa kanila.
"Ang ganda naman talaga ng garden mo Mariel. Hanggang ngayon, mahilig ka parin talaga sa mga halaman" nakangiting sabi ni tiya Nathalia kay mom. Ah, siguro nag-tour sila sa garden ni mom dito sa labas ng bahay kasama sina Tito Eric kaya siguro si Ethan lang ang nakita ko kaninang bumaba ako.
"Thanks Nathalia. Alam mo talaga ang mga hilig ko! Hehe" sagot naman ni mom.
"Syempre, we're bestfriends since elementary" sabi ni Tita Nathalia.
"Oo nga. Osya sige na, let's eat. Breakfast is ready" sabi ni mom sa amin.
"Prelin, tara let's eat" nakangiting sabi ni Miko kay Prelin. Aba, answeet nya talaga ngayon. Ngayon lang!
"Sure, tara" sagot naman ni Prelin at sabay silang pumunta sa dining.
At ako naman, tatayo na rin sana ng maalala kong nandito pa rin pala 'tong Ethan na 'to. Ays! Bat ko pa ba sya kailangang alalaha--
"Anak, Lirra. Ayain mo na si Ethan, kakain na tayo. Yieeehhh!" sabi ni mom. Rinig ko sya kahit nasa dining sya kasi naman eh ang lakas ng boses! HAHAHA. At wait--ako? Aayain yang mokong na--
"Tss" napatigil ako dahil narinig ko sya. Tumayo sya, at wow! lampasan ba naman ako? Napaka-walang modo tala--
"Lirra, let's eat!" -mommy. Nakuuuu! Wala ba silang balak patapusin muna ako bago sila magsalita?
"Yes po" sagot ko at tumungo na paluntang dining. Umupo ako sa upuan ko at kaharap ko nanaman ang mokong. Badtrip talaga-_-
Habang kumakain kami biglang nagsalita si Tito Eric.
"Ethan and Lirra, may sasabihin sana kaming mga parents nyo sa inyong dalawa" sabi nya. Tumingin naman ako sa kanila at ganun din si Ethan.
"Gusto sana namin na mag-ready ka na Lirra ng mga damit na dadalhin nyo sa new house nyong dalawa. Right, kumare?" Sabi ni mommy at nakipag-apir pa kay tita Nathalia.
"Yieeehhh! That's right Mariel. Para mailipat nyo na mamaya ang ibang mga gamit nyo sa bahay NYO!" Pagsang-ayon naman ni Tita Nathalia. Ays, kailangan pa ba yon? So, desidido na talaga sila na patirahin kaming dalawa ni Ethan sa iisang bahay lang?