Author's note: Hey, good day to all! Matagal po akong hindi nakapag-update dahil super busy. So, eto na po yung kadugtong nung chapter 13. Hope you like it! Please continue to support my story! Thanks and lovelots!
Ethan's POV
Nag-umpisa na kami sa paghuhugas ng plato.
"Ako na ang magsasabon tapos ikaw naman ang magbanlaw, ha?"
Napatingin ako sa kanya nang magsalita siya. Nakangiti siya at nakatingin rin sa akin. Ewan ko ba kung bakit nitong mga nakaraang araw ay parang sumasaya ako tuwing malapit siya--- ahh!! Hinde!
"Hoy, Ethan!"
Napatalon ako ng sinigawan niya ako at inilapit ng dahan dahan ang mukha niya sa akin. Aish! Pwede bang layuan niya muna ako.
"A-ano?" arghh, bakit? Bakit parang ang lakas ng tibok ng...
"Ethan, tutulungan mo ba ako o ano?" tanong niya ng naka-pameywang. Oh, bakit ganto ang nararamdaman ko? Lord, ilayo niyo po ako sa magandang nilalang na ito.
Arghh Ethan, stop thinking about those nonsense topics!
"I'll help you. Sungit." I said. I heard her chuckle at pinagpatuloy ang paghuhugas. Tss, this girl!
Nang malapit na kaming matapos ay nakita kong may pawis na siya sa noo niya. Pagod na siguro siya.
"I can finish this. Y-you should rest" I volunteered. Tumingin naman siya sa akin saka umiling.
"It's okay, 'di pa naman ako pagod" aniya at kinuha ang iilang nga kutsara at sinabon iyon. Abala lang siya sa pagsasabon at ako naman ang nagbabanlaw. Ngayon lang ako naging masaya sa paghuhugas ng plato. Dati rati ay naiirita ako kapag inuutusan ako. Ewan ko ba, I'm being weird again.
Nang matapos kami sa paghuhugas ay agad siyang pumunta sa kwarto niya. Ako naman ay bumalik na rin sa kwarto ko para manood ng tv.
Lirra's POV
Pagkapasok ko sa kwarto ko ay kinuha ko agad ng cellphone ko at nag-online sa social media accounts ko.
Nang magsawa ako ay pinatay ko na lang ang cellphone ko at humiga sa kama ko. Nakakasawa rin kasi na madalas kong kaharap ang screen ng phone ko.
Maya-maya ay biglang nag-vibrate ang phone ko kaya hinablot ko iyon mula sa mini table.
Pagkabukas ko ay may nabasa akong Ethan Jake Reyes added to his story.
Ni-click ko iyon at nabasa ko ang mga salitang...
Whenever she comes around, I don't know why I'm being nervous
Ano naman kaya ang ibig sabihin netong post niya?
Hayy, hayaan na lang natin ito dahil napagod talaga ako at hindi ko rin alam kung bakit. Siguro ay dahil sa paghuhugas ng plato? Hayy buhay.
Ethan's POV
Nang magsawa ako kakapanood ng movies ay naisipan ko na buksan ang facebook account ko. Wala naman akong maisip na ilagay sa myday ko kaya nagpatuloy lang ako sa pagtingin sa newsfeed ko.
Pero habang nags-scroll ay bigla kong naalala yung naramdaman ko kanina.
Naalala ko yung mukha niya na sobrang lapit sakin.
Naalala ko rin rin yung letseng puso ko na ang bilis ng tibok kanina.
Ewan ko ba kung bakit siya ang naiisip ko ngayon. At naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko malaman ang sagot sa sarili kong tanong kung bakit ko iyon naramdaman kaninang kasama ko siya.