Chapter 1

22.3K 262 12
                                        

Lirra's POV

Nandito ako ngayon sa room ko. Anong ginagawa ko? Nagfa-facebook. Wala kasi akong magawa ngayong bakasyon.

"Anak! Baba kana muna" narinig kong sigaw ni mommy mula sa baba. Mariel ang name ni mom. Mabait sya, maalaga, at mapagmahal sa amin nina daddy at Miko. Robin naman ang pangalan ng daddy ko and syempre Dustin Miko naman ang name ng cutie kong little brother.

At dahil tinawag ako ni mom agad akong bumaba at pumunta sa dining dahil nakita kong naghahain si mom ng dinner. Yey! Kainan na. Tinulungan ko na si mom sa paghahain sa table at maya-maya nakita ko si dad na may tinitignan or binabasa nya yata na papel, nakaupo sya ngayon sa sofa.

"Hon. Kain na tayo!" Pagyayaya ni mommy kay dad kaya naman napatayo si dad sa pagkakaupo at tumungo na dito sa amin.

"Lirra. Tawagin mona ang kapatid mo at kakain na tayo" -Mommy

"Yes po" sagot ko nalang then pumunta na ako sa room ni Miko. Kumatok ako.

"Miko?! Kakain na daw sabi ni mommy. Baba kana daw!" Then kumatok ulit ako.

"Miko! Baba na. Kakain na eh" ulit ko pero walang sumasagot. Aba! Aba! Aba! Ano nanaman kayang ginagawa ng batang yon?

"Ahh. Yes ate! Wait lang" rinig kong sagot nya. Hinintay kona syang makalabas ng kwarto nya at sabay kaming bumaba. Nadatnan naming nag-uusap ang parents namin.

"Ano daw po ate?" Tanong ni Miko na nakatingin sakin.

"Tsk. Usapang matanda yun Miko. Anong sinabi ko sayo kapag nag-uusap ang matatanda? Ha?" Tanong ko na ikinasimangot nya.

"Wag makikinig sa usapan ng matatanda dahil bata pa ako" bored nyang sabi.

"Oh alam mo naman pala e. Akala ko nalimutan mona" sabi ko then umiling lang sya.

"Diko po kinakalimutan yung mga advice at turo mo sakin ate. But, Im already 12 years old kaya matanda na 'ko" Batang to talaga oh!

"Hays. Miko, bata kapa" -me

"A-ahmm. Mga a-anak, let's eat" mommy said with a worried face. Anyare?

Umupo naman ako sa tabi ni Miko at pagkaupo ko nagsalita si dad.

"Anak, Lirra. May sasabihin kami ng mom mo sayo. Pero promise na makikinig ka." Sabi ni dad at parang. Ahhmm. Kinabahan ako? Ano kaya yun?

"W-what is it? Dad? Mommy?" Tanong ko. Nagkatinginan naman sina mom and dad.

"Anak, ia-arrange marriage ka namin sa anak ng kapaartner natin sa business." Paliwanag ni Dad na nakapagpabigla at nakapagpatigil saakin sa pagkain.

"Anak, ikakasal ka sa anak ni Mr. Reyes" dugtong ni mom. Omg! Nagbibiro lang sila diba?! Ako? Ikakasal? Omyghod! Ayoko pa!

"M-mom? Dad?! A-are you kidding?" Hindi ko alam kunh iiyak ba ako o magwa-walk out or what eh! Ano ba naman to!

"No anak. We're serious. Di kaba masaya na ikakasal kana?" Ako? Masaya? Dahil ikakasal na?! Gosh! Ayokong makasal sa taong diko mahal, diko gusto at specially sa diko kilala!

"But mom, a-ayoko po. Ayoko pa pong makasal!" Nagulat sila nung naisigaw ko ang mga salitang yon. Pati ako nagulat din dahil malakas kong nasabi ang mga salitang yon.

"Pero anak. Ipapakasal ka namin dahil gusto namin ng dad mo na maging maayos ang future mo. Gusto naming mas gumanda ang buhay mo" explain ni mom.

"M-mom. Para sa future ko or para sa company?" Madiin kong tanong.

"It's for you anak. Wala namang masamang nangyayari sa company naten at wala namang masyadong problema dahil mataas ang sales natin. Look, Lirra para sayo ito. Ako at ang mom mo ay iniisip lang ang future mo. Ginagawa namin lahat para mapaganda ang kinabukasan nyo ng kapatid mo" -dad. Desidido na ba talaga silang ituloy ito?!

"D-dad? Kailangan po ba talagang gawin ko to?" Tanong ko. Diko na alam ang sasabihin ko kasi kinakabahan na talaga ako sa mga pwedeng mangyari. Diko naman kilala ang ugali ng mapapangasawa ko kung sakali mang matuloy ang arrange marriage na to!

"Anak. Pumayag kana, hindi ka naman namin ipapakasal sa lalaking hindi ka aalagaan, rerespetuhin at mamahalin eh" sabagay tama naman sina mommy. Hindi naman nila ako ipapa-arrange marriage sa taong di karapat-dapat e kasi dun nakasalalay ang future ko. Waaaaaa!

"Desidido napo ba t-talaga kayong iapakasal ako? Mom? D-dad?" tanong ko sa kanila sabay tingin.

" ate pumayag kana nga lang" -Miko. Wow! Sya kaya dito sa pwesto ko noh? Di nya alam ang feeling ng nahihirapang magdesisyon eh.

"Oo anak. Sure nato at desidido na kami ng mommy mo. Kaya please Lirra..." -dad

"S-sige po" waaaa! Gusto kong bawiin yung mga salitang nasambit ko pero  mukhang desidido na talaga ang parents ko.

"Talaga anak?" Tanong ni mom at pumunta sya sa pwesto ko at niyakap ako na para bang sinasabi nyang 'salamat'.

"Napaka masunurin at mabait mo talagang bata Leyley!" -dad. Leyley ang nickname ko nung bata pa ako pero ngayon Lirra na kasi daw dalaga na ako. Namiss kong tawagin akong Leyley ni Daddy.

"Dad sana po di ako magsisi sa decision ko" sabi ko kay dad at niyakap nya rin ako.

"Off course anak. Ang gwapo kaya ng mapapangasawa mo. HAHAHAHA" ay!

"Dad naman eh!" Pagrereklamo ko at kumalas sa yakap ni dad. Natawa naman sina mom at Miko.

"Joke lang Leyley. But your future husband is handsome. Nakita kona sya sa personal at mabait sya" sabi ni dad.

Pagkatapos naming kumain ay umakyat na agad ako sa kwarto ko at nagshower na. Nagtooth-brush then nanonood ng movie.
Habang nanonood ako, diako makapag-focus dahil naiisip ko parin yung arrange marriage kaya pinatay ko yung tv at nagsimulang mag-isip ng kung ano-ano.

Ano kaya ang mga ugali ng future husband ko?

His favorite color?

His favorite food?

Ano kayang itsura nya? Pogi kaya? May abs? Matangos ang ilong? Nakakabighani kaya yung mga mata nya?

Kailan ko kaya sya mami-meet?

Ano kayang mangyayari pagkatapos ng kasal namin?

Magkasundo kaya kami? O baka naman awayin lang ako nun?

Mabait kaya sya? Masungit? Arogante? Maaalahanin? Masiyahin? Tahimik? Magalang?

Ano kaya yung mga katangian nya?

Mamahalin kaya nya ako pagkatapos ng kasal?

Matutunan ko kaya syang mahalin?

~end of Chapter 1~

Married To A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon