Chapter 7

9.8K 199 3
                                    

Lirra's POV

"Wala ka bang balak bumaba?" nagulat ako ng marinig ko syang magsalita. Wow! Himala, nagsasalita rin pala sya? HAKHAKHAK!

Ay, wow! Tama nga ako, eto na nga yung bahay na titirhan kooooo~ Hayys! Sana naman maging maayos ang pag-stay ko rito. Ayss, oo nga pala noh? Paano naman magiging maayos ang pagtira ko dito kung kasama ko tong bwisit na Ethan na'to! Hayss, kainezz!

"Ah meron syempre!" Sagot ko sa kanya at kinuha ko na ang mga gamit ko. Ang bigat naman ei! Eh bakit kasi andaming pinadalang damit sakin ni mom eh! Ayan tuloy, ang hirap buhatin ng mga tooo~

Kinuha ko na ang lahat ng kaya kong madala at sinimulang maglakad papaunta sa loob ng bahay. Pagbukas ko ng gate, nagdire-diretso na ako sa pagpasok at wow! Ang ganda naman ng mga halaman dito! Ang sarap ng simoy ng hangin at syempre sinamahan pa ng ganda ng isang Lirra Chan--

"Hoy, papasok kaba?!" ay palakang bakla! Bwisit naman tong epal na pangit na Ethan nato! Napakasungit, napaka-cold at napakapang--

"Tsk!" sabi nya sabay labas at nakita ko syang kinuha ang mga gamit nya sa kotse. At oo, mga gamit nya lang ang binitbit nya! Napaka makasarili talaga! Hindi ba sya pwedeng maging gentleman?!

Pinasok nya na ang mga gamit na dala nya at ako naman sumunod na sa kanya para mailagay ko na rin ang mga gamit ko kung saan man ang kwarto ko.

"San ba ang kwarto ko?" Tanong ko na ikinalingon nya. Ampanget ng view! Eww

Di sya nagsalita sa halip ay tinuro nya lang ang isang kwarto na may nakalagay na pangalang "Lirra Chandryia" sa pinto nito. Akin ang kwartong yunnnnn!

Pumunta na ako don at binuksan ang pinto. Pagbukas ko, wow! Ang ganda naman ng kwartong to, ang linis ah? Ang laki rin. Mas malaki pa nga ito sa kwarto ko sa bahay eh. HAHAHA. Color pink and violet pa ang wallpaper ng room ko. Yiieehh!

Nilapag ko na ang mga bags ko at bumaba na ulit para pumunta dun sa sasakyan dahil may mga gamit pa akong natira don. Nasa second floor pa kasi ang kwarto ko eh. At katabi lang ng kwarto ko ang kwarto ng Ethan na bwisit na yun! Bumaba na ako at kinuha ang mga natitirang gamit ko.

At umakyat ulit ako sa taas para ilagay itong mga 'to sa kwarto ko. Inilapag ko na lang ulit sa floor ang mga ito at binuksan kona yung ibang bag ko para mailagay ko na ang mga damit ko sa mga cabinet dito. Nagsimula na akong mag-ayos at ayun natapos din! Humiga muna ako sa kama at nagpahinga. Nakakapagod naman, tinignan ko ang oras sa wall clock at nakita kong 1:00pm na pala. Nakakaantok eh~ matutulog muna ako.

Zzzzzzzzzz😴

Ethan's POV

Pagkapasok ko sa new room ko. Nakita kong okay naman sya, malaki naman, at alam kong si mom ang nag-design neto kasi alam nya ang color na gusto ko. Black and white. So, black and white din ang theme ng room na 'to.

Sinimulan ko nang mag-ayos kahit nakakatamad. No choice! At mabilis din naman akong natapos.

Naligo na muna ako at nagbihis na. I decided to order food para makakain na 'ko.

Mayamaya..

May nag-doorbell na at alam kong yung pina-deliver ko na yun. Kinuha kona sa delivery boy at nagbayad na. Pumasok na at nanood ng tv.

"Pwede ba akong makahingi?" narinig kong may nagsalita kaya napalingon ako. Ay putcha! Sana di na lang ako lumingon. Nakita ko sya na nakangiti at nanghihingi ng in-order kong pizza.

Eh hindi ko pa man nga natitikman tapos hihingi sya agad?! No! Mag-order sya ng kanya!

"No" sagot ko at napasimangot naman sya.

Married To A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon