Lirra's POV
Heyo!-_- nandito na ako ngayon sa table namin at tumabi ako kay Miko.
"Bakit ang tagal mo naman mag-cr ate?" wika ni Miko.
"H-ha? Wala. Eh kasi ano.."
"Lirra, nandito kana pala.. where's Ethan?" Tanong ni tita Nathalia sa akin. Oh no! Anong sasabihin ko?
"Ahh.. hindi ko po alam?" Mahina kong sagot na ikinakunot ng noo ni tita. Oh gosh.
"Huh? Edi ba kasama mo sya?" Tanong nya. Di ako makasagot kasi alanga naman sabihin kong tinulungan ko yung waitress kanina at sinigawan ko sya na dahilan ng pag-walk out nya. Huhuhu.
"Ay sige, dibale. Hayaan mo na sya, baka nainip lang yun dito at nagpahangin lang sa labas ang bata'ng yun" nakangiting sabi ni tita Nathalia na ikinahiya ko. Omayghad. Bakit ko ba kasi sya sinagawan kanina ei?
"Ah sige po" sagot ko nalang.
"Prelin? San ka nag-aaral?" rinig kong tanong ni Miko dun sa kapatid ni Ethan.
"Ah, ako? S-sa San Rafael's Academy" sagot ni Prelin sa kapatid ko. Aweee! Ang sweet naman nila. HAHAHAHA. Wait--dun rin kami nag-aaral ni Miko eh. Wow! Schoolmates silaaaa
"Really? Dun rin kami nag-aaral ni ate eh" masayang sabi ni Miko sa kanya. Halata namang napangiti si Prelin. Yiiieehh.
"Talaga? So, schoolmates pala tayo?" -Prelin.
"Yes, anong grade ka na ba sa pasukan?" Tanong ni Miko.
"Ah, I'm turning grade 7. Ikaw?" Nakangiting sagot ni Prelin.
"Wow! Ako din. Alam mo na ba kung anong section mo?" -Miko.
Hayss buti pa sila ni Prelin nagkakasundo na, eh kami nung Ethan na yun, hinde!
Huh? Bakit ko ba yun iniisip?! Urrggghhh Nevermind!
"Yes, 7-Shakespeare daw ako sabi ng Teacher ko last school year" sabi ni Prelin.
"Classmates pala tayo!" -Miko.
"Reallyyyyy?" -Prelin.
"Oo. HAHAHAHA" -Miko.
"Hon? Nasan na ba si Ethan?" Nabaling ang atensyon ko kay tita Nathalia ng tanungin nya si Tito Eric.
"Ethan texted me. Nasa office ko daw sya hon." Sagot naman ni tito Eric
"Pabalikin mo na sya dito, para naman makapagkwentuhan na sila ng future wife nya. Yieehhh!" Sabi ni tita at napatingin sya sa akin. Napatawa naman silang lahat dahil sa sinabi ni tita at ako naman? Eto nahihiya. Shocks!
"Ah okay. Mas mabuti nga yon" nakangiting tugon ni tito Eric tsaka nya kinuha ang pho e nya sa pocket nya at sinunod ang sinabi ni Tita Nathalia.
So, babalik si Ethan dito ngayon? Bakeeeettt?!
Mayamaya pa..
"Bakit mom, dad?" Rinig ko mula sa harap ko. Pagtingin ko, nasa harap ko na 'tong Ethan na to.
"Wala naman. Gusto lang namin na mag-usap o magkwentuhan man lang kayo ni Lirra para naman maging close kayo. Diba?" Sabi ni tita Nathalia habang titig na titig sa aming dalawa ni Ethan. Nakakainis naman! Bat ba namin kailangang maging close?! Eh halos hindi bamna nagsasalita ang lalaking yan eh! Hindi naman makausap ng matino! Kita nyo ba kanina yung ginawa nya sa waitress? Napaka rude nya at ang sama pa ng ugali! Tsk! Tapos sasabihin nila na kailangan namin maging live in starting tomorrow?! Ohw god! Help meee!
"Tsk! Ayoko nga" sabi nya at akmang tatayo na sana sya sa kanyang pagkakaupo ng bigla syang pigilan ni tito Eric..
"Umupo ka ulit dyan Ethan" seryosong sabi ni tito Eric sa kanya at wala syang nagawa kun di sumunod.
![](https://img.wattpad.com/cover/159718186-288-k184467.jpg)