Chapter 16

9.8K 193 110
                                    

Hope you enjoy this chapter!!<3

*****

Ethan's PoV

Agad na tumayo si Lirra at humiwalay sa akin nang marinig ang boses ng mommy niya. Damn, it!

Bakit ko ba kasi nilalayo yung baso sa kanya?

Nakita pa tuloy kami nina Tita.

Pero ang mga labi niya... Napakalambot.

Ugh!! Ethan!!

Just admit to yourself na nagustuhan mo rin iyon, Ethan!!

Fvck!! Nababaliw na yata ako! Kinakausap ko na ang sarili ko.

She makes me crazy..

"M-mom" napalingon ako kay Lirra nang dahan-dahan siyang humarap sa mommy niya.

Lagot! Mukhang papagalitan pa yata kami. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang takot niya sa mommy niya.

"Aaaahhhhh!!" biglang tili ni Tita Mariel. Lumingon naman sa akin si Tito Robin at ngumiti.

Ok, what's happening?

"Mom, I'm sorry po. It was just an accident. H-hindi po namin sinasadya na--" Tita Mariel cut her off. Tinignan niya kami habang nakangiti na para bang good mood na good mood siya. Ako naman ay nanatiling nakatayo sa likod ni Lirra.

"Oh, Anak, I understand! Actually medyo nabigla ako but I'm happy na nagkakasundo na kayo ni Ethan!" masayang sabi nito. Darn it! Akala ko talaga magagalit sila!

"But, still Tita, we're so sorry po. H-hindi na po mauulit." paghingi ko ng tawad. Alam ko naman kasi na kahit hindi namin sinasadya iyon ay mali pa rin na nahalikan ko siya. Basta! I just know na isa iyong malaking bagay sa mga babae. Pinapahalagahan nila ang bawat first nila. You know, girls.

"D-dad, sorry po."

Ngumiti ng bahagya si Tito at hinarap kami. "Hindi ako galit, Ethan and Lirra. Sa katunayan, I'm surprised kasi hindi ko inaasahang iyan ang maaabutan ko pagkapasok pa lang dito sa bahay niyo." natatawa niyang sabi. Nakita kong napangiti si Lirra nang nilingon niya ako. Sabay pa kaming napabuntong-hininga.

"Pero hanggang dyan lang muna kayo, ha. Please know your limitations!" tila excited pa rin ang tono ng boses ni Tita. Hindi man lang ba sya magagalit na nahalikan ko ang anak niya?

Well, It's just an accident after all.

"yes po" sabay naming sagot ni Lirra.

Nang makaalis na sina Tita ay umupo ako sa sofa. Mabuti na lang ay agad silang umalis dahil ani tita ay may date pa raw sila ni tito. They are really sweet.

Naghatid lang naman sila ng stocks ng food dito sa bahay namin at agad na rin silang nagpaalam.

Bahay namin? Damn, ang sayang pakinggan na bahay namin ito. Para na kaming mag-asawa sa tuwing naririnig ko iyon.

"Hoy, ikaw lalake ka! May kasalanan ka pa sa akin." naramdaman ko na may umupo sa tabi ko. Napahawak pa ako sa tenga ko nang pingutin niya ako. Minsan talaga may pagka-brutal ang magandang babaeng 'to. Pero hayaan na natin ang pagiging mapanakit niya minsan dahil masungit din naman ako minsan sa kanya.

"Tch, aksidente nga lang 'yon diba??" hinarap ko siya at nakita ko pang tinarayan niya ako.

"Bakit kasi hindi mo nalang ibigay yung ice cream sakin?? Hmp! Napakadamot mo talaga!" sinapak niya pa ako sa braso at padabog na naglakad paakyat sa kwarto niya. Napakadami niya talagang problema sa buhay...

Married To A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon