Author's note: Hey, guys! I'm sorry sa super tagal na update. Medyo naging busy lang nitong mga nakaraang linggo. Anyways, hope you enjoy this chappie! Don't forget to hit the star button. Thanks!<3
Ethan's POV
Nagising ako nang maramdaman kong may yumakap sa beywang ko. Pagkalingon ko ay nakita ko si Lirra na mahimbing na natutulog habang nakayakap sa akin. Napaka-peaceful ng mukha niya kapag natutulog.
Well, kahit naman kapag gising siya ay calm pa rin ang mukha. Pwera na lang kapag sinisigawan at tinatarayan niya ako. Minsan masungit siya, minsan naman ay mabait at malambing. Hindi ko rin siya maintindihan minsan eh.
"Hmm" aniya habang natutulog at mas hinipitan ang yakap sa akin. Mas lalo niyang isiniksik ang kanyang ulo sa dibdib ko. Hayy, ano ba kasing pumasok sa utak ko at hinayaan kong matulog siya dito sa kwarto ko? Hindi pa naman ako sanay na may katabing natutulog.
Nakaunan siya sa braso ko kaya sobrang lapit lang namin sa isa't-isa. Hindi ko alam kung bakit hindi ko pa inaalis ang yakap niya sa akin. Mas niyakap ko pa siya at pinagmasdan ang mukha niya.
"A-ah, good morning" aniya pagkamulat ng mga mata. Bigla niya ring tinanggal ang pagkakayakap sa akin at napaupo sa kama.
"S-sorry. H-hindi ko alam na ano.."
"Na ano?" panunukso ko sa kanya. Inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya at ngumisi. Namula naman ang mga pisngi niya na dahilan ng mahina kong pagtawa. Ang sarap titigan magdamag ng mukha ng babaeng ito.
"Na ano.."
"Na ano nga?" tukso ko pa at mas nilapit ang mukha ko sa kanya. Napaatras naman siya at nag-iwas ng tingin. She's cute.
"Ah basta! Hmp!" natawa na lang ako sa reaksyon niya. Bababa na sana siya sa kama pero pinigilan ko siya at hinatak ang kamay niya papalapit sa akin. Niyakap ko siya.
"It's okay. Kahit ilang beses mo pa akong tabihan sa pagtulog ay ayos lang." bulong ko. Humiwalay naman siya sa yakap at tinignan ako.
"Bakit naman?" napakunot-noo siya. Bakit ba kahit anong gawin niyang reaksyon ay ang ganda ganda pa rin niya?
"Wala" tipid kong sagot atsaka hinalikan ang noo niya. Napangiti na lang ako nang tumango siya.
"Sige, magluluto muna ako ng breakfast." aniya. Aalis na sana ulit siya ng hilahin ko ulit ang kamay niya. Napaupo siya sa kandungan ko kaya nanlaki ang mga mata niya. Ewan ko ba kung bakit ko ito ginagawa, basta ang alam ko ay masaya ako tuwing kasama ko siya.
"E-ethan? Magluluto pa ako."
"I'm not yet hungry. Dito muna tayo" humiga ako at iniunan ko ang ulo niya sa braso ko. Gaya nung posisyon naming dalawa kanina bago siya magising. Marahan kong hinaplos-haplos ang buhok niya. Tahimik lang siya habang nakapikit.
"Why are you so kind today?" she asked. Ewan ko rin eh. Siguro dahil sayo.
"Tss, ngayon lang?" halata sa boses ko ang bahagyang pagkainis kunwari sa sinabi niya. Hindi naman talaga ako naiinis eh. Pero kasi.. Basta! Ewan ko ba kung bakit ako nagkakaganito tuwing kausap ko siya.
"Oo. Ang sungit mo kaya!" aniya at saka bahagyang lumayo sa akin. Mas hinila ko naman siya pabalik para malapit ulit siya sa akin. Nakakaadik naman to oh! Nakakabakla ang ginagawa ko. I'm being sweet to her.
"Okay, edi araw-araw na lang pala ako magiging mabait?" hinaplos-haplos ko ang buhok niya. Nakita ko namang napangiti siya at pimikit.
"That would be better!" masaya niya pahayag sa akin.