Chapter 11

8.7K 123 3
                                    

Lirra's POV

Mayamaya ay umuwi na rin si Zash kasi...ah eh diko natanong kung bakit eh^_^

"Bro, mauna na ako ah? Bye Lirra" sabi ng Karl. Nag-nod lang si Ethan at lumabas na si Karl sa bahay. At tuluyan nang umalis.

*grrg* *grrg*

Narinig ko yung tyan nya na nagwawala na. Nagugutom siguro Ethan. Halos ako lang kasi yung kumain sa pizza eh.

"Hahahaha!"

"Tss" sabi nya at nakita ko syang umirap. Napakasungit talaga niya! Para bang may galit siya sa mundo.

Nasa labas pa kami ng bahay ngayon.

"Hahahahahahahaha! G-gutom ka na---" diko na natapos ang sasabihin ko ng bigla syang sumabat.

"Stop it!" Sambit nya.

"Hahaha, I can't!" Sagot ko naman.

"Bahala ka" cold nyang sabi at pumasok sa loob ng bahay. Sinundan ko naman sya ng tingin at naglakad ako papunta sa kinaroroonan nya.

Pagkarating ko sa kitchen, nakita ko sya na naghahalungkat ng kung ano sa ref. HAHAHAHA! kawawa naman si Mr. Sungit.

"Ako na magluluto." mahina kong sabi pero sapat naman para marinig nya. Napalingon sya sa kinaroroonan ko. Nag-nod sya at umupo na sa chair sa dining.

"I want tinola." sabi nya. Ay wow! Kung makautos parang hindi ako sinungitan kanina.

"Okay" sagot ko nalang. Baka kasi sigawan na naman ako eh.

Nakita ko pa syang medyo napangiti. Nagsimula na akong magluto at pagkatapos ay hinain ko na sa harap nya.

"Lead the prayer." utos ko.

"H-ha? Tss, fine" sagot nya. No choice na siya eh.

Pagkatapos naming magdasal ay kumain na sya. Mukhang gutom nga sya no? Halata eh kasi naman pagkatapos nyang isubo yung isa ay susubo na agad sya. Baka mabulunan ka sana. Gutom na gutom lang. Pagkatapos nyang kumain ay tumayo sya at uminom ng tubig.

"Thanks?" nagsalita sya. Diko nga alam kung sinasabi nya ba yun o tinatanong nya eh. Parang di pa siya sure.

"Welcome?" sagot ko.

"Tss" yun lang ang sinagot nya at umakyat na sa kwarto nya.

As usual, ako nanaman ang maghuhugas ng plato. Ano ako? dishwasher?

Kainis lang-_-

Pagkatapos kong maghugas ng mga pinagkainan ay biglang may nag- door bell kaya tumungo ako sa labas at nakita ko sina Prelin at Miko sa labas.

Binuksan ko ang gate at agad kaming nag-group hug. Omg! namiss ko sila. Pinapasok ko sila at pinatuloy. Pumunta lang kami sa garden dito sa labas ng bahay. Anyways, may mga upuan naman at table dito.

"Hello!" Sabay nilang bati sa akin. Nagkatinginan naman sila pero nag-iwas ng tingin si Prelin.

"Paano kayo nakarating dito?" Tanong ko sa kanila.

"Hinatid po kami ni manong. Dapat nga ako lang pupunta dito eh, sumama lang sya" sabi ni Prelin. Napatango na lang ako.

"Let's go your room ate! Manonood po tayo ng movie, right? Hihi" sabi ni Prelin. Napakunot-noo naman ang kapatid ko.

"What?! Hindi nyo na naman ako isasama?" Iritado nyang tanong. Ay, kadarating lang nya eh badtrip na agad?

"This time, pwede kana mag-join" sabi ni Prelin atsaka tumawa. Humarap sya rito at kinurot ang pisngi nya. Napa- 'aww' naman si Miko. Mga batang ito talaga oh!

Married To A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon