9AM Nagising si Sophie.
"Shet 9 na! Yari ako kay Talya!"
Lumingon ako sa tabi ko para gisingin ang bruhang Zelene na sure na sure ako na hindi na din umuwi.
"Hooooloooo!!!" at tumakbo ako palabas ng room papunta sa room nila Nadine. Saktong nasa hall na si Nadine para gisingin kami. Halos mabangga ko na si Nadine.
"Oh ano ba yan may sunog? Dahan dahan ka naman!"
"LURKYYYY!! Halika daliiii!!!!" hatak ko kay Nadine papunta sa guestroom. "Ayan o!" tinuro ko ang kama.
Bumungad kay Nadine ang magkayakap na Zeke at Zelene. Si Zelene nakatalikod kay Zeke in a spoon position. Si Zeke, nakayakap ang kanang kamay kay Zelene habang intertwined ang fingers sa left hand ni bakla.
Nakapatong pa ang baba ni Zeke sa buhok ni Zelene at himbing na himbing ang dalawa na akala mo buong buhay na nilang ginagawa ang ganung pagtulog.
"Holy Sh..." bulong ni Nadine.
"Gigisingin natin? O pipicturan?" tanong ko. Kinuha ko ang phone ko from the night table.
"Teka. Teka!! Naguguluhan din ako at di makapaniwala, kasi si Zeke to, si Zachry, pinsan to ni Jordan!!"
Hindi naman sa may rule pero parang may unspoken rule kami sa barkada. As much as we want to be sisters for real eh awkward magka-relationship sa relative ng isa. Kasi paano pag nagbreak eh halos lahat ng okasyon sa buhay namin invited ang bawat isa? Kaya nga nakilala kami ng mga pinsan nila Nadine at Jordan. Kung sakaling maging sila tapos hindi magwork, pahirapan mode na naman. Parang sila Zelene at Tyler, ang ilang ilang ng mga barkada ni Tyler kay Zelene ngayon kahit pa mas nauna pa silang naging friends ni Zelene noon. Para na siyang stranger, ni hindi na nila magawang kausapin si Zelene katulad ng dati.
"Picturan muna natin saka natin gisingin!" ang mature. Sabay kuha ng picture gamit ang phone ko.
"Tae. Naisip talga natin yan. Bilisan mo nga." Hinatak nya ako palabas.
"So panu to?"
Medyo worried ako na hindi. Sa isip ko kasi, kailangan ni Zelene ng distraction. Si Zeke ay isang MALAKING distraction. I think magcclick sila ni Zelene pero naiimagine ko kasing sooobra silang magcclick. That might be bad... but it could be good.. AHHH WTF.
"Kilala naman natin si Zelene. Malaking chance na walang malice yan or di nya din alam na ganyan... wala lang ibig sabihin sa kanya. Pero si Zeke... hindi natin sure. Sasabihin ba natin kay Julianne?"
"Malamang kaso sigurado makakarating agad kay Jordan."
"err.. paano. Gising natin si Zeel. Dalii! Ttawagan ko si Talya para meet nalang tayo sa GH. Maiintindihan naman niya."
"Zelene. Zelene..." gising ni Nadine. Trying hard na mahinang boses para magising si Lia. Kaso mahirap to gisingin!
930AM nagising ako dahil sa paghila ng buhok ko.
Napadilat ako sa sakit dahil may humila sa buhok ko.
"Tae bakit may sabunot!" mahina kong sigaw. Inangat ko ang kamay ko pero may mabigat na nakadantay dito. Nakita ko si Sophie at si Nadine na nakahawak sa buhok ko "Nadine!!" inis kong sabi.
"SSSSSHhh!!!!!!" sabay sila ni Sophie at sabay din turo sa brasong nakadantay sakin.
"Anong ssh! Ikaw humihila ng..." sabay tingin ko sa brasong naka yakap sa kin papunta sa kung sinong mayari nito. Nandilat ako sa mukha ni Zeke na himbing na himbing. "PAKSshhh.."
Tinakpan ni Nadine ang bibig ko. Dahan dahan akong dumulas paaalis ng kama para hindi sya magising. Hinila ako ni Sophie palabas ng room.
"WHAT THE HELL!??!!" pabulong na sigaw ko sa kanila with pandidilat. Feel na feel ko nang lumalabas ang mga eyeballs ko.
"Oo nga what the hell!!! What the hell happened last night?!" tanong ni Nadine.
"Hoy teka." Pilit kong inalala."Natulog. Di ba kasi sabi mo matulog kami dun eh di natulog. Aba naman malay kong yumayakap yan pag tulog! I had my back turned!!!"
"Naku eh ang sarap sarap ng yakap nya, kita mo naman yun mukha niya. buti di kayo nakita ni Louie!"
"Sanay lang siguro yun na may yakap na unan or something.." Depensa ko. Nagccartwheel ang mga brain cells ko. Ugh, yon at itong hangover na ito!
"Unan?? Naka-holding hands pa sayo. O tignan mo. Paliwanag mo iyan." singit ni Sophie. Sabay harap ng cellphone niya sa mukha ko.
"O bakit may picture!! Adik naman! Highschool!?" Nanlaki ang mata ko sa larawan name ni Zeke sa kama, his arm around me but his hand... his fingers intertwined with mine. We looked like...
"Eh para may proof!"
"Guys ano ba! Nako wag nyo lagyan ng kung anu anu nga please. Wala yon. I'm sure wala yon." Wala yon. Kasi kung meron yun eh di ... wala yon.
"Hoy. Bakit kayo nagbubulong sa hallway!?" Napatalon kami sa gulat nang biglang nasa likod na namin si Louie. Dali-daling tinago ni Sophie ang phone niya. Si Nadine naman umakbay sa asawa.
"Ay wala baby. Ginising lang namin si Zelene kasi baka ma-late tayo."
"Anong holding hands narinig ko?"
"May nagsabi bang holding hands? Baka Loom BANDS. Wala maliligo na kami ni Zelene. Taraa na." Good save, Sophie!
"Bakit sino pa ba naiwan kagabi?" papasok ni Louie sa guestroom.
"Ah si ano..." habol ni Nadine sa asawa. Napatigil si Louie sa pinto nang makita ang tao sa loob. Lumingon siya sa aming tatlo.
"Oi Zachry! Hoy Zeke. Gising na!"
Inalog alog ni Louie si Zeke. Sabay tingin ulit sa aming tatlo. Napansin kong nanliit ang mata ni Louie sa amin pero binaling niya ulit kay Zeke ang atensyon. Naginat si Zeke at umupo agad.
"Oi pare, sorry dito na ako nagcrash. Ayaw kami pauwiin ng asawa mo." inat uli ni Zeke. "Goodmorning." napakalaking smile nya papunta saming girls. Tumingin siya sakin at nagsmirk. Aba tong lalaking to.
"Goodmorning" sabay na sambit ni Sophie at Nadine.
"Una na ako Sophie ha. Ligo na ko." Sabi ko sabay kuha ng towel na ginamit ko kagabi. Nararamdaman kong nagiinit na naman kasi ang cheeks ko.
AM I blushing??
I'm blushing!
------------------
Daniel Henney as Zachry Killian "Zeke" TanChi
![](https://img.wattpad.com/cover/20865143-288-k742348.jpg)
BINABASA MO ANG
All Strings Attached (taglish)
RomanceThis is the original Filipino - English or Taglish version of All Strings Attached. Hope you enjoy the story as much as I enjoyed writing it. Credits to @akosilekz for the cover. -- Is it just one too many nights? or is it the beginning of every mor...