Juxtaposed

3.4K 26 3
                                    

The following day, Saturday, my phone rang at 10 in the morning.

 *Lowell Baron Ching calling*


Kinusot ko ang mata ko at sinagot agad ang call.

 "Louie, ano may emergency ba?"

 10AM.  Ang aga naman kasi ng tawag at bihira itong mismo tumawag sa akin. Madalas si Nadine ang magrerelay ng message. Kung talagang mahalaga at emergency, saka siya mismo ang tatawag.

 "Oi, ano, mamayang gabi ha. Mga 8pm nasa bahay na ko from office."

 Busy na tao ng lipunan ang mga kaibigan ko, lalo na ang mga asawa nila. Ang pamilya ni Louie ang mayari ng isa sa pinakamalaking industrial manufacturing company sa Pilipinas; mga bakal, at iba pang industrial products. Si Louie na ngayon ang CEO, ilan buwan bago sila ikasal ni Nadine noong nagtake over sya.

 "Ano meron?" humiga ako ulit at humikab.

 "Ano pa ba! E di i-celebrate natin ang pagkasingle mo!" nilayo ko ang phone sa aking tainga, napakalakas niyang sinabi yon.

 "Ay di mo kailangan sumigaw!! Ayos ka rin noh. Alam na ba ng asawa mo ha?" Dinikit ko ulit ang phone malapit sa tainga ko.

 "Natural alam. Binilin ko sa kanya na sabihin sa iyo ah.  Kagabi ba, hindi ka ba nya sinabihan?"

 "May sinabi siya. Sus Louie, akala ko joke lang yon! Sabi mo daw kasi araw araw tayong iinom kung gusto ko."

 "Kelan ba tayo nagjoke about inuman?"

 "NEVER!!!" sabay naming sigaw sa phone. Ang mature namin grabe. Magkasing-tagal kong kilala sila Louie at Nadine. Nagkakilala kami 20 years ago noong new student ako sa grade school.

 "O cge na. Tatawagan ko pa si Jordan para i-remind sya. Baka ma-under na naman at injanin tayo. Alam naman nating gusto nya lang alagaan ang anak nya o takot lang talaga sa asawa."

 Si Jordan TanChi, asawa ni Julianne. Prep school pa kami magkakilala; oo, toddler age. Naging magkaibigan ang pamilya namin dahil maraming mga mutual na friends. Nagkataon lang na sabay kaming lumipat sa grade school na pagmamayari ng pamilya nila Louie. Naging magkaibigan sila agad ni Louie, yun ding mga panahon na nabubuo na ang barkada namin ng mga girls. Ayun na, the beginnings of our lifelong friendship.

 "Hoy, kaibigan ko yon! I'm sure pupunta din yun!" Julianne can be a little bossy with Jordan but given the circumstance, alam kong nangangati na yun na kausapin ako about Ty.

  "Hahahaha fine fine! Tatawagan ko nalang din si Zeke para sure na pupunta si Jordan."

 "Zeke?"

 "Oo.  Uhaw na uhaw na din yun. Hinahanap ka nga the other month, nung may dinner tayo dapat pero wala ka sa Manila. Sabi ko nasa Palawan ka kasama si Tyler para sa anniversary ninyo."

Tyler and I went to El Nido for our anniversary. Dun ko din na realize ang mga bagay bagay. Hindi naman kami nagkagalit o nagtalo pero may kulang lang talaga. When we got back to Manila, nagmuni-muni ako at bago sya bumalik ng Sydney, during the post-anniversary dinner, I broke up with him.

 "Ah, na-miss yata ako ng loko ah. Haha. Well, namiss ko din naman siya at na-miss ko na kayo ni Jordan. Kaya sabihin mo sumipot sila mamaya! O cge na salamat sa tawag, matutulog pa ako, baka di ako magising mamaya!"

 "Oi Zelene!! Wag ka na matulog anak ng... maiinjan mo na naman kami!" Baka makatulog kasi ako ng dire-diretso kapag walang gumising sa akin.

 "LOWELL!!! 10AM PALANG!!! Babye!" Hate na hate niya ang first name niya. I ended the call at bumalik na sa kama na tumatawa. Lakas ng topak ng mga napangasawa ng kaibigan ko.

All Strings Attached (taglish)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon