Partial Derivative

1K 14 1
                                    

----------------------

*FREYJA ZELENE’s POV*

 

Halos isang buwan ko nang iniiwasan si Zeke. Nagfifish ako ng information from Jordan para malaman kung nasaan ito. Sinabi ko kay Jordan na kung maari, tulungan niya na iwasan ako ni Zeke. Kung may meeting or trips out of the country, si Zeke ang ipadala nila. Pag tumatawag siya, dinidertso ko sa voicemail. Pag dumalaw siya sa opisina, inaalerto ako agad ng reception, pinapasabi ko sa assistant ko na sabihing out of town ako o may meeting. Wala sa building. Lahat ng excuse naisip na namin ni Anne. Pati ang mga barkada ko hindi ko muna pinupuntahan. Baka kasi matiyambahan ako ni Zeke .

Para akong tanga na iwas ng iwas at tago ng tago. Mahal ko na si Zeke . Pero hindi ako pwdeng magpatalo sa nararamdaman ko. Ano bang meron siya na hindi ko magawang pakawalan? It was supposed to be purely physical. When I think back on all those times together, I can only come up with one word to describe it… magical.

After Tagaytay, may naconclude ako. He played me. Zeke made me fall for him. He did it on purpose. Unfair siya. No strings attached pero lahat ng charms niya sa bag nilabas niya at ginamit sa akin. Ako naman, sa hindi ko malaman na dahilan, ang bilis kong nahulog.

He has this irrational, inconceivable effect on me. Para siyang super glue, hindi ko siya matanggal.

Pagbalik namin from Tagaytay, dumiretso ako ng Thailand. Nagkita kami ni Ethan sa Bangkok. Kaibigan nila Louie si Ethan from grad school. Nagkilala kami at Louie and Nadine’s wedding and became acquaintances. Sa isang mall sa Bangkok kami nagkita. Nagkagulatan pa kami.

Niyaya niya akong magexplore ng city nung gabing yon. Magaan kausap si Ethan, Masaya siyang kasama, we learned a lot about each other nung gabing yon. Magkasingkulit kami. Umuwi akong nakangiti. Pero naalala ko si Zeke , kung gaano ako kasaya pag siya ang kasama, kahit hindi nagsasalita.

Kinabukasan, nagkataong sabay ang flight namin ni Ethan pabalik ng Manila. Naghiwalay na kami sa airport nang dumating na ang sundo ko.

Kinagabihan, tumawag siya sa akin. Matagal na kaming may number ng isa’t isa. Nagtetext lang kami kapag may okasyon na konektado kila Nadine. Nagkwentuhan lang kami about random things. Bago kami mag-goodnight, tinanong niya ako.

“Zelene, would it be alright if we go on a date this weekend?”

“Date?” napaupo ako sa kama.

“Yes. A real date.”

“Sure, why not.” Wala nga naman kaso kung magdate kami.

“I’ll pick you up on Friday evening. Spiral tayo.” Yey, my favorite buffet.

“Okay. See you then.”

Masayang naganap ang date namin.  Nang hinatid niya na ako sa bahay, I gave him a peck on the cheek and told him that I had a good time. Naglakad na siya pabalik sa car niya at papasok na din ako ng bahay.

“Zelene.” I turned around.

“Yes, Ethan?”

“Can we keep seeing each other?”

“Ethan… I…” I wasn’t ready to see other people, I wanted to say.

“It’s nothing exclusive, Zelene. I just want to keep seeing you, and you know, see how things turn out. What do you think?” He reached for my hand.

“Ethan… let me think about it. I like you as a friend. I just don’t know if.. I see you that way… that way…” I pursed my lips. I tried to figure out his reaction. He smiled.

All Strings Attached (taglish)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon