Open Interval

1.8K 16 4
                                    

Warning: Sexual content.

---------------------------

Nagising ako 4:30 AM na pinapalo palo ng Yaya Geena.

 

“Senorita. Ma’am. ACHIEEEEEEE!!!”

“Yaya!!!!” irita kong sigaw tapos napangiti ako dahil naalala ko kagabi.

“Ma’am, galit na po ang Mom nyo dahil baka ma-traffic kayo at andito na din po yun friend nyo.”

“ANO? Sinong friend?” napakunot noo ako.

“Sir Zeke po.”

Napa balikwas ako sa kama.

“SIR ZEKE ???!”

“Yes, kaya pakibilisan na daw po.”

Dali dali akong pumasok sa banyo at naligo. Nagsuot ako ng jeans and tank top na pinatungan ko ng lace button down blouse na hindi ko na binutones. Kinuha ko ang Simpsons low cut chucks ko at naglagay ng gamit sa bag na gamit ko kahapon. Hindi na ko makakapag-palit ng bag. Dahil madaling madali na si Mom tinulungan ako ni Yaya Geena na magblower ng buhok. Naglagay ako ng cream at lipgloss. Tinignan ko ang sarili ko at nagdecide na mag cheek tint. Konting kulay naman. Nagspritz si Yaya ng pabango sa bandang ulo ko at left and right sides. Umiikot ako para mapunta ang pabango all over me. 

“FREYJA ZELENE!!”

Tumunog un intercom ko sa kwarto. Jus ko tong si Mom. Napatalon kami ni Yaya Geena at nagttakbo na ko palabas ng room. Si Yaya naman dala ang bag ko at ang phone ko.  

“FREYJA ZELENE HWAN ONGKIATCO!” sigaw ng Mom pagkakita sa akin sa ibabaw ng hagdan; ang haba ng pangalan ko grabe!

“Mom, ito na nga eh, kailangan full name?” inaayos ayos ko ang buhok ko at inabot ang bag from Yaya Gina. Nakita kong nakatayo na din si Zeke sa may living room. Naka shirt and jeans and chucks na black.

“Hi.”

“What are you doing here?” tanong ko sa kanya.

“Obviously hija. Sasamahan niya tayo. Nag-alok siyang magdrive. But sabi ko hindi na niya kailangan magdrive. At susunduin pa natin si Ninang Tess mo.”

“Ayaw ng Mom mo. Nakakahiya naman daw.”

“Eh bakit ka kasi nandito hindi ka ba inaantok? Barely 3 hours of sleep?” usisa ko.

“Gusto ko din magpunta dun eh. Hindi pa ako nakakapunta.”

My face was probably all kinds of surprised and confused at nakangiti lang siya sa akin.

“Tara na nga. Manong Erning tara na po.” Lumabas na ako papunta sa van. Sumakay ako sa pinakalikod dahil ang Mom katabi mamaya si Ninang Tess; mga ilan houses away lang sila Ninang sa bahay namin.

Tumabi sa akin si Zeke . Umandar na kami palabas ng gate.

“What do you think you’re doing?” bulong ko.

“Gusto ko sumama.” He answered in a non-chalant way.

“You weren’t invited. Whatever you’re trying to do, stop it.”

“I’m not trying to do anything.”

“Alam ko na yan, so stop it.”

“Wala akong ginagawa, Freyja Zelene. Wag kang feeling.”

My mouth dropped open.

Natahimik ako. Oo nga naman, bakit ba ang feeling ko bigla?

Walangyang to. Sinabihan akong feeling!

All Strings Attached (taglish)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon