Major Arc

1.3K 12 0
                                    

----------------------

*ZACHARY KILLIAN’s POV*

The following Saturday, birthday ni Richie, nagkayayaan sa resthouse nito sa Tagaytay. Niyaya ako nila Louie. Hindi ko natanong si Zelene kung sasama siya. Medyo iniiwas iwasan ko ng madalas kami magkasama kasi napapansin kong naiilang na siya, more than the usual. Ayoko din naman ipush pa dahil sa tipo ni Zelene, lalayuan niya ako lalo pag nahalata niya na.

Maganda ang resthouse nila Richie, overlooking Taal Lake at may napakalawak na garden na landscaped at may pool pa. Tanghali kaming lahat nakarating doon at nang hapon na ay nagsimula nang maginuman. Dalawang kahon ng alak ang dala nila Jordan. May beer pa na nakatabi na sa fridge. Nakaka 6 na bote na kami ng whisky, nang biglang dumating si Zelene bandang 10 pm habang nagpapahinga saglit ang lahat. Umayos ako ng upo at hinampas si Jordan na nasa tabi ko. Di kasi nito sinabi na pupunta tong babaeng to.

Halos mawala ang lasing ko nang makita ko siya. Para siyang dyosa na pumasok ng bahay. Naka dress ito na mahaba, medyo nag fflow-flow ang tela dahil sa hangin tapos may suot siyang cardigan. Ang lamig dito yan lang ang suot. Anong akala niya beach house ito? Humagip sa akin ang tingin niya. Inalis niya agad.

“Oh my. Bakit ngayon ka lang? alas 10 na girl!” bati sa kanya ni Julianne. Kinuha nito ang dalang kahon ni Zelene, malamang dagdag na pagkain yun.

“I’m sorry, I got stuck sa Coastal kasi na-flat yun gulong ng car ko. Hinintay ko pa si Lyndon at si Mang Erning para makapagpalit ng sasakyan. Isang oras ako naghihintay duon.”

Halatang stressed na ikinwento nito. Tumitingin-tingin siya sa gawi ko. Nakatingin lang ako sa kanya. Nagworry ako ng konti sa kwento niya. Pero may mas nanaig na naramdaman ko. Miss na miss ko na siya.

“Sana kami din tinawagan mo. We could have come to you, kanina ka pa pala dun.” Ika ni Nadine.

“Hay it’s okay. Na-stress lang ako kasi hindi ko alam paano na flat yun. Maayos naman lahat kanina before ako umalis ng bahay. Anyway, why is everyone not drinking na? Ang aga pa.” Kumuha ito ng baso at nagsalin ng whisky.

“Hey, wala ka nang kainuman dito. Wasak na yan mga yan. 6 bottles na kami.” I managed to say. Tumingin siya sa akin ng matagal. May hawak pa rin naman akong baso. “Ako nalang kainuman mo.”

“Ah… okay.” Matipid niyang sagot.

“Ako pa. Ok pa ako. LOUIE!” sabat ni Jordan sabay gising kay Louie.

“Oh shot, shot, ok pa ko. Oi Zelene, andito ka na pala.” Sambit ni Louie.

Naiinis akong di ko siya malapitan, ang dami kasing tao. Nandun siya sa tabi ni Louie at ako naman sa kabilang dulo katabi si Richie na tulog na tulog. Pasado alas dos na kasi. Nakipag inuman si Zelene hanggang maubos namin apat ang dalawa pang bote ng whisky. 

Wala kaming imik. Ilang araw kami hindi nagkita. Bihira na nga kung tutuusin. Hindi din naman na kami ganun kadalas mag-do. Mas gusto ko nang nakikita siya. Kasama siya.

Maya maya nang nakaidlip na ang iba, tahimik siyang kumuha ng bote ng beer from the fridge. Lumabas siya sa lawn, may dalang sarong na ibinalot sa sarili. Nakita ko siyang umupo sa grass at humiga, malapit sa isang wooden bench. Nakatingin lang siya sa langit. Lampas alas 4 na ng umaga pero titingin pa rin siya sa stars. Kulay dilaw, pink at blue na ang langit pero andun pa din ang buwan at ilang bituin. Kumuha din ako ng beer sa fridge at sinuot ang hoodie ko, sinundan ko siya duon.

“If you’re not admiring the sunset, you’re in awe of the sky.”

Humiga din ako sa tabi niya.

All Strings Attached (taglish)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon