MHB - Chapter 2. First Night

282 4 1
                                    

CHAPTER 2

FIRST NIGHT

Sa airport…

“Baby, mag-iingat ka lagi ha. Lagi kitang tatawagan. Wag ka mag-alala hindi ka mawawala sa puso at sa isip ko. Isipin mo lang na lagi mo kong katabi at kasama”

“Ano ba naman yan Momsy.” At tumulo na din ang luha ko “Kung makapagpaalam ka naman, wagas!”

“hehe. Basta tandaan mo mahal na mahal kita ha” ^_^

“opo Momsy. Mahal ko din po kayo”

“Anak, para sayo ang lahat ng ginagawa ko ha. Tandaan mu yun.  At kay Wesly kita inihahabilin kasi tiwala ako sakanya. Ayoko naman na may mangyaring masama sa napakaganda kong anak. Ayokong matulad ka sa…. Haaayyy…. Basta.. alam ko na aalagaan ka nya at iingatan kaya sana maging mabait ka sakanya ha. Sya muna ang gagabay sayo habang wala ako ha. Sana naiintindihan mo ako anak.”

“Opo Momsy, naiintindihan ko po. Hindi po mangyayari sa akin yung nangyari kay ate. Sya na din po mismo ang nagpapaalala sa akin nun”

“okay baby. Basta behave ha”

“Syempre po” ^_~

“Car, ikaw na bahala kay Wesly ah. Iingatan ka nya kaya iingatan mo din sya ha. Lalo na sa boys. Wag mo sya hahayaan manlalaki ha. Syempre wag ka din manlalalaki. hehe” ^_^ - tita Tet

“Opo. haaaay. Mamimiss ko po kayong dalawa. Mahal na mahal ko po kayo, Momsy, Tita Tet.”

T_____T

Huhuhuhu at nag iyakan na kaming tatlo..

Sa airplane..

“Sana magkasundo silang dalawa” – Tet

“Oo naman. Sigurado ako, magkakasundo sila” – Sandra

“Sweet naman ang anak kong si Wesly. Nagmana naman yun sakin kaya wag ka mag-alala best.” ^___^

“Oo naman best, tiwala ako kay Wesly noh” ^___^

“At tiwala din naman ako kay Car. Dapat maging mag best friend din sila, kasi mag best friend din tayo” ^_^

“tomoh!” ^_^

CARMELA’s POV

Ang sakit naman ng mata ko.. grabeee..

Kakaalis lang nila kahapon at pakiramdam ko sobrang empty ng buhay ko ngayon (--___--)

Maghapon na kong umiiyak. Anu ba yan. Pugto ba ang mata ko? @_@

Hindi naman diba?

Beep! Beep! Beep!

Sino ba naman yun? Ang ingay ingay naman nun. --___--

Sumiilip ko sa bintana, oh my!! Si Mang Berto. Tumingin ako sa kalendaryo, Sabado nga pala ngayon at opening na ng classes sa isang araw…

Dali dali akong bumaba at pinapasok sya sa loob ng bahay.

“Naku Ma’am Carmela dito na lang po ako maghihintay sa loob ng kotse.”

“sigurado po kayo?”

“Opo naman. Sige na po. Hihintayin ko na lang po kayo. Medyo bilisan nyo nalang po kasi medyo malayo po ang ating byahe. Para maaga na din po kayo makarating sa bahay nyo ni Sir Wesly.”

Dali dali na kong nag ayos ng sarili ko at ng mga gamit ko, at tumungo na ako sa kotse.

After 4 hours ng byahe, at last nandito na din kami sa bahay na titirahan ko kasama ang bago kong kuya este ate.hehehe kuya o ate? Bahala na nga (^___^)?

My Hard To Get BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon