MHB - Chapter 17. Surprise

146 3 0
                                    

CHAPTER 17

SURPRISE

CARMELA’S POV

9am na pero wala pa din si Carlo dito sa baba. Di pa sya kumakain.Dati kasi ang aga nya magising kahit walang pasok.

Ilang araw na nga kaming walang imikan at pansinan mula nung pinutol na namin ang aming deal na maging magshota. Nagcocommute na nga lang ako papasok sa school eh. Di din naman sya nagiinsist na isabay ako.

Ewan ko ba. Galit ata kami pareho. Wala naman akong magagawa kasi sumama naman talaga ang loob ko. Pero okay na din. Wala na din naman si Wesly. Di ko na sya masyado naiisip. Di ko na din nga sya nakikita, pati si Liezl. Nahihiya naman ako magtanong kay Carlo at sa mga kaibigan nya, baka kasi kung anong isipin nila. Hayst.

Kung bakit kasi napadpad pa ako dito.

1 hour..

2 hours...

3 hours…

3 hours ang lumipas pero di pa din sya bumababa

Bakit kaya?

Kung ano ano na ang napanood ko dito sa dvd. Pero di pa din sya bumababa.

Inabot na nang hapon.Pero wala pa din sya?

Baka naman wala sya sa kwarto nya?

Umakyat ako para icheck sya. Kakatok na sana ko pero nakaawang pala yung pinto kaya pumasok na ako.

Andito pala sya.Pero bakit di sya bumababa?

Tulog pa sya. Balot na balot sya ng kumot at parang nakakunot yung noo nya.

Napansin ko yung nakasabit sa pader.

Yung painting na ginawa ko para sa kanya. Yung mukha nya na nakapout? Remember?

Nandito pala. Akala ko itinapon na nya. Kunwari pa sya eh, naappreciate naman pala nya.

Mamaya gumalaw sya.Nagulat ako, baka kasi magising sya at makita ako.

Gumalaw ulit sya at mas lalo akong nagulat.

Tinanggal nya yung kumot nya..at..

At..wala syang damit nakaboxer lang sya…

At..Yung ano nya nakasaludo. -___-

O_O “Aahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!”

Pero di sya nagising -__-

Bakit?

Nilapitan ko sya at hinawakan ko sa noo at leeg. Ang taas ng lagnat nya.Grabe.

Kinumutan ko sya at bumaba ako para kumuha ng pagkain at gamot.

“Carlo… Carlo..”

“Hmm??”

“Gumising ka, kumain ka muna. Wala png laman yang tyan mo eh”

“Hoy, dali na. Ang taas kaya ng lagnat mo”

Pagmulat nya.Wala syang reaksyon. Hindi man lang sya nagulat na nandito ako sa kwarto nya. Ibinangon ko sya.

“Eto na oh, kumain ka”

Inilag nya yung mukha nya nung susubuan ko na sya. Parang galit pa din sya sakin

“Carlo naman, wag mo naman akong pahirapan na mag-alaga sayo”

“Sino ba may sabi sayo na alagaan mo ako?”

Aray! Tagos ah.

“Carlo. Kainin mo na to, wag nang matigas ang ulo mo. Sige na, para gumaling ka na kagad.”

My Hard To Get BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon