MHB - Chapter 11. The Deal

175 2 0
                                    

CHAPTER 11

THE DEAL

CARMELA'S POV

"Dyan na lang ako sa kanto baby."

"Sure ka?" - Chloie. Sya yung nagmamaneho

"Oo. Malapit na naman yung bahay na tinitirhan ko eh. Maglalakad na lang ako."

"Huh? Edi ihahatid ka na lang namin sa bahay nyo." - Cass

"Oo nga. Delikado maglakad ka ng mag-isa no!" - Chacha

"Wag na. Okay lang. Magpapasundo nalang ako sa.. sa guard namin. Baka kasi mapagalitan ako nung landlord pag nalaman na kung san san ako nagpupunta. Bawal yun dun eh"

"Ang OA naman ng landlord mo." - Chacha

"OA talaga. Oh pano, dito na lang ako."

"Ingat ka ah." - Cass

"Oo naman."

"Okay ka na?" - Chacha

"Hmm. Oo. Slight. Magiging okay."

"Kaya mo yan girl." - Chloie

"Salamat sa inyo ha"

"No problem. Bukas ulit ah." - Cass

"Okay^_^ Goodnight girls"

"Goodnight!^_^" - sila

Inabangan ko sila hanggang makaalis sila at tuluyang mawala sa pagkakatanaw ko.

Kanina pa sila nakaalis at eto ako, andito pa din. 5minutes na siguro ang nakakalipas

TT____TT

Duwag talaga kong tao. Sa totoo lang, malikot ang imahinasyon ko.

Hindi ko talaga kayang maglakad ng mag-isa lalo na pag ganitong madilim na at hatinggabi na. Huhuhu. Pano na ko?

Si Carlo kaya? Wala naman akong cellphone number nya. Eh kunin ko kaya kay Wesly? Naku lalong wag na.

Eh kung ganon pano ako? TT_______TT

Go go! Kaya ko to. Kaya ko to! Medyo malayo layo din yung bahay namin. At  syempre magkakahiwalay naman yung mga bahay dito. At puro puno at halaman ang madadaanan ko TT___TT

Kaya mo yan Car! Kaya mo yan..

"Kaya ko to. kaya ko to."

Medyo malayo layo na ko.

"Ge. Konti na lang Car. Konti na lang."

(awwwoooooooooooooooo!!!!!!)

"Aaaahhhhhhhhhh!!!!!!"

TT______________TT Nagtatakbo na ko.

*Aw! Aw! Aw!

O_O may aso! Waaaah!!!!!!! Hinahabol ako!!!

"Aaaaaaahhhhhh!!!!! Saklolo!! Help me! Help me!"

"Aray!"

Nadapa ako. T_T

At badtrip tong asong to. Nung madapa ako, tumigil na sa pagkahol at bumalik na s apinanggalingan nya. Bwisit naman. Pinagtripan ako ng asong to ah.

Huhuhuhuhuhuhu. Ang sakit ng sugat ko. T_T

Nagtuloy tuloy na lang ako sa paglakad at feeling ko lalo akong natakot.

Magkakasakit ata ko sa puso nito.

And at last. Andito na ko sa gate namin. Nakalock na. Tss. Aakyat na lang ako ng gate.

Tumawid ako ng gate at malapit na kong makababa nang bumukas ang pinto at lumabas si Carlo.

My Hard To Get BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon