MHB - Chapter 4. Park

183 3 0
                                    

a/n

pasensya na po sa typo errors ah :D

votes, comments po..

tnx.

enjoy reading mga tropa!!!  ^_^

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

CHAPTER 4

PARK

Carmela’s POV

Paglabas ko, nakaupo lang sya sa couch at nagtetext

Hay nababadtrip lang ako..

Hindi ko na sya tiningnan pa. Sumasakit ang maganda kong mga mata..

Napansin ko kaagad na wala na yung plato na iniwan ko sa mesa. Tiningnan ko sa lababo pero wala dun.

“Yung plato mo ba? Tinapon ko na sa basurahan. Hindi ako naghuhugas ng plato na hindi ko kinainan. Nakakadiri. Baka dumikit sa kamay ko yung laway mo na nasa plato”

Bwisit talaga

Dirediretso lang ako

“Bilis bilisan mo naman ang kilos mo!”

Hindi ko pa rin sya pinapansin

Humakbang na ko paakyat ng hagdan

Pero bigla na lang na parang ang conscious ng feeling ko

Nilingon ko sya at paglingon ko biglang syang umiwas ng tingin

Kaya naman pala eh!!!

“Are you looking at me?” sabi ko habang nakataas ang isang kilay

“Bakit naman kita titingnan? Assuming!”

“Ako pa ngayon ang assuming”

“Tsss. Sumunod ka nalang sa garahe. Dun na lang kita hihintayin,okay? Bilisan mo”

ZEUS CARLO’S POV

Paglabas nya ng banyo naglalaro lang ako sa cellphone ko..

tumingin ako sakanya at nagdouble look pa ako -_-

Ang ganda naman nya pag bagong ligo at magulo ang buhok

Natulala ako sa kanya pero hindi naman sya nakatingin sakin kaya okay lang..

Mas okay pa na hindi nya ko pinapansin at nakikita para hindi nakakahiya tong ginagawa ko..

Napansin ko na tumingin sya sa mesa

“Yung plato mo ba? Tinapon ko na sa basurahan. Hindi ako naghuhugas ng plato na hindi ko kinainan”

Pero ang totoo nahugasan ko na kanina habang naliligo sya. Nung pinapakuha nya sakin ang bathrobe nya. Gusto ko lang talaga syang asarin..

Pero wa epek eh. Lugi ako sa mga pang-aasar ko sa kanya. Namanhid na ata sya

-_-

Dirediretso lang sya.

Dinedma nya lang ako..

Parang walang narinig ah.. -_-

“Bilis bilisan mo naman ang kilos mo!”

Ang bagal naman kasi talaga

Pero hindi parin ako pinansin. Sus kunwari pa. For sure, pikon na yan!

Pahakbang na sya sa hagdanan kaya naman hindi ko maiwasan ang mapatingin sa kanya…

Actually sa…legs nya..

Nakatowel lang kasi sya. Medyo maliit pa naman yung towel ko >_<

My Hard To Get BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon